Jayus

30 9 25
                                    

Rinig na rinig ko ang impit na tili ng mga katrabaho ko nang kumindat si Kelly sa akin sabay ngiti ng matamis. Inirapan ko na lamang s'ya dahil sa inis at pagkairita sa kanya. Nagulat ako nang mabilis na umalis sa tabi ko ang mga kaibigan ko pero nalaman ko rin agad kung bakit nang makita ko ang papalapit na bulto ni Kelly.

“Hi Patch!” masigla n'yang bati nang makaupo s'ya sa tabi ko. Umakto akong walang pakielam pero sa totoo lang gustong gusto ko s'yang hampasin hanggang sa mabura na s'ya sa mundo.

“Sabay tayong umuwi mamaya.” nakangiti n'yang sambit sabay akbay sa akin. Tumayo agad ako dahil sa inis.

“Ayoko.” walang buhay kong sabi sa kanya habang nakatingin sa magaganda n'yang mga mata. May nakikita akong emosyon sa mga ito, pero dati na akong nabiktima ng mga matang yan kaya natuto na ko.

“Tungkol pa rin ba 'to sa nangyari noon?” bakas ang lungkot sa kanyang boses. “Sinabi ko naman na sa'yo di' ba? Babawi ako. I'm sorry.”

Ngumisi ako. “Sinabi ko na rin naman sa'yo na ayaw na kitang makita di' ba? Tigilan mo ko Kelly.”

Kinuha ko ang bag ko tsaka nagdesiyon na umuwi nalang agad. Okay na rin naman na ang trabaho ko kaya pwede nang umalis. Umuwi ako agad sa apartment ko tsaka pagod na humiga sa kama ko.

Bakit kasi nakikipagbalikan pa s'ya akin? I mean, wala namang kami dati. Bakit pa kasi s'ya nangungulit na naman? Akala n'ya siguro ganoon ko lang s'ya kadaling mapapatawad. Akala n'ya siguro ganoon lang kadaling mag patawad matapos ang lahat ng naranasan ko dahil sa kanya. Napuno ang buhay ko ng sakit, ng galit, nang dahil sa kanya. Ngayon namang inaayos ko ang buhay ko, babalik s'ya!

Pumkit ako nang maramdaman uli ang sakit.

Grade seven ako nang makilala ko s'ya. Unang araw pa lamang nun kaya ikinagulat ko ang pag-upo n'ya sa tabi ko. Madami pa rin naman kasing bakanteng upuan pero sa akin s'ya tumabi. Kunot noo ko s'yang tinitigan ng saglit. Magulo ang buhok, hindi nakasara ng maayos ang butones ng uniform n'ya, hindi rin maayos ang pagkakalagay mg necktie n'ya, halatang mayaman at halatang hindi matino. Inirapan ko nalang s'ya tsaka bumalik sa pagtitig sa ballpen kong hawak.

“Hi.” bati n'ya nang oras na ng recess. “Sabay na tayong magrecess. Libre kita.” sabi n'ya pero hindi ako umimik. Halos isang buwan n'ya akong niyayaya pero palagi ko lang s'yang hindi pinapansin. Hindi magtatagal at magsasawa rin s'ya sa pangungulit sa akin. Isa pa, halos kaibigan n'ya na lahat ng kaklase namin.

“Isang buwan na tayong magkaklase pero never mo pa akong kinausap.” nakangusong n'yang tanong na para bang ikinagwapo n'ya ito. Hindi ko naman maipagkakaila na may itsura nga s'ya pero inis lang ang nararamdan ko sa kanya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko kapag kinukulit n'ya ako.

“Hindi ka naman pipi kasi sumasagot ka naman sa recitation. Kinakausap mo rin ibang mga kaklase natin. Bat ako di mo kinakausap?” may halong pagtatampo ang boses n'ya. Tumingin ako sa kanya pero hindi ako sumagot. Nang mga sumunod na araw ay hindi n'ya na rin ako pinapansin. May parte sa puso ko na nalungkot ngunit pinagwalang bahala ko na lamang ito.

Nalaman ko nalang na may pinopormahan s'ya sa kabilang section. Usap-usapan rin ang linggo linggo n'yang papalitpalit ng girlfriend. Hindi ko naman ito pinagtuunan ng pansin. Naging tahimik ang una at pangalawang taon ko sa hayskul.

Nang ikatlong taon ko na ay nagsimula na naman s'ya sa pangungulit sa akin. Simula sa una hanggang sa huling klase, palagi s'yang nakabuntot sa akin. Sinusundo n'ya ako sa umaga, ihahatid n'ya ko sa hapon. Hindi ko naman alam kung nagpapapansin ba s'ya o ano. Lumipas ang ilang buwan, naging malapit na ang loob ko sa kanya. Nasanay na rin ako sa kadaldalan n'ya at mga jokes na napakacorny. Hindi ko nalang namalayan, may gusto na pala ako sa kanya.

JayusWhere stories live. Discover now