47

3.6K 55 1
                                    

Paunawa: Ang mga sumusunod na kaganapan ay walang kinalaman sa mga totoong tao, bagay at pangyayari.

Totoo pong may kinakasal sa Pilipinas na same sex. It's not prohibited naman talaga, if you really want to get married here then go. Nga lang hindi valid kumbaga ang gagawin nyo na lang ay magreregister sa US para ma-legalize yung kasal nyo. As far as I remember there's this same sex couple na nagpakasal dito sa atin not really sure kung saang place or simbahan basta catholic Church yun.

3RD

One of Jhoana's dream is to walk down the aisle while the love of her life is waiting inside the chapel.

And today is the day that one of her dreams will finally be a reality.

Naguguluhan ito nang makitang nakapila at unti unting naglalakad papasok ang kanyang mga kakilala't kaibigan.

Habang ang taong pinakamamahal nya ay malapad na nakangiti mula sa kinatatayuan nito.


Nabigla si Jhoana nang hawakan sya ng dalawang tao. Doon, napagtanto nya ang mga nangyayari. Totoo ngang ikakasal na sya.

Mga magulang nya ang maghahatid sa kanya sa altar.

"Jho anak, pinagkakatiwala ka namin sa taong alam naming kaya kang alagaan at mahalin kahit hindi namin iutos." Ang kanyang ama ang nag salita.

Wala syang maisagot dahil unti unti pa lamang nyang ipinapasok sa kanyang utak ang mga nangyayari.

Si Bea, nasa gilid lamang sa dulo ng altar naghihintay kasama ang mga magulang nito.

Kabadong kabado ito at hindi mapakali sa kinatatayuan nya. Hindi nya maisip kung lalakad ba sya pa-kanan o pa-kaliwa o kailangan nyang ikuyakoy ang kanyang mga paa para maalis ang kabang nadarama.

"Anak calm down. Jho will be here, okay? I know she will." kampanteng sabi ng kanyang ina at hinawakan sya sa magkabilang pisngi nito.

Tumango na lamang sya at huminga ng malalim.

Nagsimula nang kumanta ang taong nasa kabilang gilid, hudyat ng pagpasok at paglakad ng kanyang sinisintang si Jhoana papalapit sa kanya.

BEA

Without you by AJ Rafael

Sa sandaling nagtama ang mga mata namin ay nagsimula nang lumuha ang mga mata ko

Ang babaeng pinapangarap ko lang noon ay ngayon naglalakad na patungo sa akin, sa aming lahat upang manumpa ng habang buhay na pagmamahal  sa akin

Bucket full of tears
Baby know I'm here
I'm here waiting

Tila napakabilis ng oras dahil nasa harap ko na ang babaeng inaasam asam ko.

Ibinigay sa akin ng kanyang mga magulang ang kamay nito. "Alam naming kahit hindi namin iutos ay gagawin mo pa ring alagaan at mahalin si Jhoana." emosyonal na sabi ni Papa John.

Close your precious eyes
And just realize
I'm still fighting

Niyakap ko ang mga magulang ni Jho at ganun din ang ginawa nya sa mga magulang ko.

Nagkatinginan pa kami bago maglakad ng tuluyan sa harap ng pari.

For you to be with me
Sit under this tree
And we can watch the sun rise
We can watch the sunrise

Magkahawak kamay kaming lumakad papunta doon.

Napakabilis ng oras dahil matapos ang napakaraming sinabi ni Father ay ito na.

Like We Used To (JhoBea)Where stories live. Discover now