4

5.8K 106 16
                                    

exlxyxnx

Akoy naliligaw.
Dahil ang tanging sagot ay ikaw

BEA

"Ms. Alyssa Paki puntahan nyo daw po ang kaibigan nyo sa clinic sabi ni Doc. Hindi po kasi matigil sa pag iyak at hindi rin sinasabi ano ang masakit sa kanya, tsaka aalis na po yung boyfriend nya." paliwanag ng nurse sa amin or more likely kay ate Ly lang.

Makahulugang tingin naman ang namagitan sa team besh.



"tara na! double time. Ang mahuli tatakbo sa Oval 30 laps!" pananakot ni ate Ly pero sa sobrang hina ng katawan ko sa mga narinig ko ay para akong lantang gulay na tumatakbo habang patuloy ang pag luha


Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa clinic.


Wala pa kami sa loob ay rinig na rinig ko na ang iyak niya

Naninikip ang dibdib ko at pakiwari ko'y maiiyak na naman ako

"Jho dadalawin na lang kita some other time. Wag ka nang umiyak please. I love you get well soon." it's Nico


Napabuga ako ng hangin at sumandal sa pader nang may tumapik sa balikat ko

si ate Ells



"Bei naka labas na si Nico. Pumapasok na rin sila. It's hard,isnt? I understand you naman but first tara na sa loob." tipid syang ngumiti sa akin at isinabay akong pumasok sa loob

Nagka tinginan kami ni Jho at wala akong magawa kundi tignan sya nang malungkot.


"Hay salamat naman mga hija hindi ko kasi maka usap si Jhoana. Hindi nya sinasabi kung ano at saan ang masakit sa kanya. Kayo na lang ang bahala, nalagyan na sya ng benda pagkatapos malagyan ng ice yang ankle nya." mahabang paliwanag ng doktor kina ate Ly ate Den at ate Amy.



Tumabi naman si ate Ella kay Jho na nakahiga sa hospital bed.



At tila nag uusap sila nang masinsinan.

"Never shall We sink!" sigaw na lang bigla ni ate Ells na ikinatawa ng lahat habang pareho pa rin kaming wala sa kondisyon ni Jho.

She's crying out loud and I am crying inside. Ykiwm.


"Guys bukas na lang tayo ulit mag training, okay?" tawag pansing sabi ni ate Ly



Nag uuwian na sila at tatlo na lang kaming nandito nila ate Ella


"Jho nasaan na ba kasi yung gunggong mong syota? Iniwan ka dito mag isa? hay nako! Wala pa man din akong dalang sasakyan tsk!" malakas na sabi ni ate Ells


Tumahan na sa pag iyak si Jho kung kaya't ganyan na makipag usap sa kaya si ate Ella.


"ate Ells kaya ko naman umuwi sa dorm. I swear." tipid syang ngumiti kay ate Ells at dahan dahang inangat ang katawan nya. Sumandal sya sa headboard sandali



Para namang ngiting demonyo ang pinukol ni ate Ella at kumindat sa akin

"Alam ko na! si Bea!" bigla naman akong idinuro ni ate Ells

"Huh? anong ako? anong meron sakin?" inosenteng tanong ko kay ate Ells



Nakita ko namang pumikit si Jho dahil pinamulahan sya ng mukha

"nandyan ka naman, ihatid mo si Jhow ha? bye!" nagmamadaling umalis si ate Ells

"Bea kahit wag na. Ankle lang naman to, kaya ko sarili ko." naka pikit pa rin sya habang kinakausap ako

Like We Used To (JhoBea)Where stories live. Discover now