30

4.4K 71 23
                                    

exlxynx
Sa mga ulap nalang ibubulong
baka sakaling mensahe'y gumulong
patungo sa nais pag alayan ng
pag ibig na walang hanggan

JHO

Day after

Dalawang araw naming inobserbahan si Bea sa hospital at nang hindi pa rin sya nagising ay nagpasya kaming lumipad papuntang US dahil mas malalaman namin ang sakit ni Bea.






Isang araw na syang naka confine dito sa US at heto pa rin ako umiiyak.

"Miss na miss na kita baby." Para na akong tangang umiiyak habang kinakausap sya

"Anak? magpahinga ka na muna, magagalit si Isabel kung malaman nyang hindi ka na nagpapahinga dahil sa kanya." sandali kong tinignan si Mommy Det at saka ibinalik ang tingin ko sa nakaratay kong girlfriend




"Okay lang po ako mommy, hihintayin ko po syang gumising." malumanay kong sabi

Agad nya akong niyakap "Alam kong nahihirapan ka na anak pero humihinga pa si Beatriz, napaka tapang nya para hindi kayanin yang kinalalagyan nya ngayon." ramdam ko ang pagbasa ng aking damit kaya lalo akong umiyak

"Hindi k-ko po kak-ayanin kung iiwan n-nya ako." humihikbi ako dahil natatakot ako na baka pag gising ni Beatriz ay madatnan nya kaming nagkaka ganito.


"Magdadasal tayo sa Kanya, alam kong pakikinggan nya tayo. Pero sa ngayon, magpahinga ka na lamang." nginitian ako ni Mommy Det at saka pinunasan ang mukha ko.



Tumango na lang ako at pumunta sa couch pero nang makalabas si mommy Det ay muli akong pumunta sa kama ni Beatriz at hinalikan ko sya "Goodnight baby, uwi ka na sa akin mahal na mahal kita hinding hindi kita isusuko." at sa pagkakataong iyon ay tumulo na ang luhang tila hindi nauubos.



Alas dose na nang magising ako at dahil iyon sa sunod sunod na yabag

"Mommy! Daddy! Kuya! Anong nangyayari?" tila nauubusan ako ng rason para maniwala pa sa Kanya.

Umiiyak kasi sina Mommy, Daddy at kuya Loel.


"Bunso, Bea's awake." paliwanag sa akin ni kuya Loel at saka hinahagod ang likod ko

Agad kong tinignan ang mga doctor na naka palibot sa kanya

"Who can talk to me?" agad kaming nagkatinginan nina Mommy nang magsalita ang doctor.

"Us. I'm her mother and this is her girlfriend Jho." agad na sagot ni Mommy Det.


Tinanguan naman ako ni Daddy Elmer kaya agad kaming lumabas pero tinignan ko muna saglit mula sa malayo si Bea.


"Mrs. De Leon and Jho? I honestly want to be honest with you." panimula nya pa lang ngunit nakaramdam na ako ng matinding kaba

But no, I need to be the strong one here. Kung nanghihina si Bea ay ako naman ang magiging malakas para sa kanya.

"We are seeing her symptoms of Brain Tumor. The reason why she overslept is because of the medicines that she had to take and it's normal." pag eexplain ng doctor at kahit sobrang hinang hina ay pinilit kong lakasan ang loob ko. Hindi pa naman sila sure na brain tumor yung nakikita nila diba?

"So what should we do now?" halata sa boses ni Mommy na iiyak na naman sya kaya hinawakan ko sya ng mahigpit.

"I recommend to do a number of tests and procedures. For now, we have to do the neurological exam." kalmadong sabi nito.

Like We Used To (JhoBea)Where stories live. Discover now