10

5.7K 83 0
                                    

exlxyxnx
bakit kahit pilitin?
ikay hindi na magiging akin?



JHO


Naka ngiting lumabas si Bea mula sa Comfort room at pareho naming napansin yun ni Thirdy.



"Oh bae? mukhang sobrang masaya ka ah." naka ngiti ngunit takang tanong ni Thirdy kay Bea

"Kanina pa kaya ako masaya." sagot nito habang ganadong kumakain

"Hmm. So can you share bakit ka sobrang saya?" dugtong na tanong ni Thirdy.


Tahimik ko lang silang pinakikinggan dahil masyado na akong nasasaktan sa sobrang sweet nila sa isat isa.


"Hmm paano ba? sabihin na lang natin na kasi kasama kita at kasama pa natin ang bestfriend ko." abot tenga ang ngiti nya at ramdam ko ang labis na kasiyahang nararamdaman niya samantalang ako, eto parang masu-suffocate na dahil sa nakikita ko.


After ng ganap na yun ay napagpasyahan naming umuwi na sa Eliazo.




May kanya kanya pa kasi kaming mga klase.




Nang makababa kami sa dorm ay agad kong nakita si Nico.


"Babe, I missed you!" naka ngiti nyang bati sa akin.

"Hey! naka uwi ka na pala? kailan pa?" naguguluhang tanong ko.




Napapadalas na rin kasi ang pag alis alis nya dahil sa golf.



"Wala muna bang I missed you too?" natatawang tanong niya.




Nilingon ko ang katabi ko na biglang nag iba ang mood.



"Uh— Nico I still have class pa kasi I need to change my clothes na." pag iiba ko ng topic

"Hey Bea nandyan ka pala" gulat na tanong ni Nico kay Bea



Marahil ay hindi nya ito napansin dahil naka tuon ang atensyon nya sa akin

Bea nodded at him


"Next time na lang siguro tayo mag usap we really have to go, bye." dali dali ko syang hinalikan sa pisngi at saka hinatak ang katabi ko papasok sa dorm





Nabigla kaming pareho dahil nakita namin ang mga team mates naming masamang naka tingin sa kamay kong naka hawak sa kamay ni Bea


Nang tapunan ko ng tingin si ate Ella ay napa iling na lang ito sa akin.




Para hindi ko na maramdaman ang mga mata nilang tutok sa amin ay hinila ko na siya paakyat sa kwarto namin.




"Jho? pwede mag tanong?" She finally spoke!

"Hindi ba nag tatanong ka na?" tanong ko sa kanya

"Hindi I mean ano hindi pa kasi yun yung tanong ko ay ang gulo!" napakamot sya ng ulo dahil hindi nya na rin alam ang sasabihin.


"Hahahahaha joke lang. Sige, ano ba yun?" umupo ako sa kama ko at tumingin sa kanya


"Bakit ano, alam mo na? yung titig nila sa atin kanina?" confused na tanong nya habang nilalaro ang mga darili nya



How can you be so adorable beh?

"Hmm? wala kasi tayong pasalubong sa kanila kaya ganun." I jokingly said


Like We Used To (JhoBea)Where stories live. Discover now