40

3.6K 57 11
                                    

JHO

Maaga akong nagising dahil sa sobrang excited ako sa pre nup nina ate Den at ate Ly.

Nakadantay pa ang isang hita ni Bea at nakayakap pa sya sa akin.

Dahan dahan ko lang tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin at saka kumilos na para sa napakasayang pre nup mamaya

Ginawa ko na lahat ng morning rituals ko at pagtapos nun ay nagluto na ako para sa mga teammates ko.




Unang nagising si ate Den na gulat na gulat pang makita ako

"Aga nating magising ah! Di ka naman excited nyan? Parang ikaw tuloy ikakasal sa inaasta mo bebe Jho." natatawang biro sa akin ni ate Den habang hinihigop ang kapeng tinimpla ko


"Kasal ka dyan ate Den, pagong yun si De Leon eh. Ni hindi man lang makaramdam na gusto ko nang sumigaw ng I Do." Naiiling na sabi ko habang nakasandal sa sink

"HAHAHAHAHAHA If only you knew." makahulugang sabi nito sa akin at saka ako binelatan

"Ano yun te Den? Anong If only you knew ka dyan?" takang tanong ko dahil naiinis ako sa fact na parang walang plano si Bea na ikasal sa akin! Psh!

"Wala wala abno! Nga pala Jho, nakwento sa akin ni Bea yung Burol sa Antipolo. Favorite place mo daw yun eh kaso sabi nya din may nakabili na daw ng lupa na yun at pinatatayuan na ng bahay. What if ibenta yun, bibilhin mo ba?" natawa ako sa napaka out of the blue na topic ni ate Den.

Pero somehow napaisip din ako, oo nga ano. Bibilhin ko nga ba yun gamit ang perang naipon ko? Syempre naman!

"Bakit hindi? Pero syempre saka na, pag nagpropose na si Bea sa akin hehe." nakangiti kong sagot.

"Ang ingay nyo naman besh, Jho may pagkain ka na ba? Nangangamoy bacon eh." si ate Ella pala

"Wow ha! Nagtanong ka pa eh nilalantakan mo na nga tss" mataray na sabi kay ate Ella.

Well, kumakain na kasi si ate Ella. You won't believe if I say gabundok ang plato nya ng kanin.

"Half rice lang ako besh. Diet hehe." nahihiya 'kuno' si ate Ella at nag peace sign lang.


Kinuha naman ni ate Ella ang rice cooker at oo nga naman, half rice nga lang. HALF RICE LANG NG KANIN NA SINAING KO!


"Besh, kainin mo na to lahat oh nakakahiya naman sa half rice mo, magsasaing na lang ulit si Jho." nangangamoy sarcasm ey ey!


"Aw. Nakaka touch ka naman besh concern ka pa rin talaga sa akin kahit na ikakasal na kayo ni Ly. Salamat kasi di mo nakalimutan na kaibigan nyo rin ako at—" at binatukan sya ni ate Den

"Langyang to. Di ka ba makaramdam? hiyang hiya naman kami sayo no!" napakasungit naman po pala ni ate Ella.



After nang nakakabaliw na “Half Rice” serye ni ate Ella ay nagising na ang lahat. Huli si Beatriz kaya kami tuloy ang pinaghugas nila tch.



Nauna nang pumunta yung mga kaibigan naming magaling sa venue ng pre nup nila ate Den at ate Ly sa Intramuros.



Ewan ko kung anong theme pero pinag red nila ako haha!





Hindi na rin pala sumabay sa akin si Bea dahil dadaan muna daw sya kina tita Det.





Bale isa lang ang kasama ko ngayon, si Jia.

"Ju? bakit ganyan? iba kulay ng gown mo sa gown ko?" naka busangot kong tanong


"Alam mo naman si ate Ly. Gradient gustong kulay sa pre nup! From light pink to dark red." naiiling na sagot nya at saka ako inalalayan papasok sa SUV.


Kala mo ang dami namin eh no? Si Miguel ang katabi ng driver habang kami ni Jia ang nasa ikalawang hilera.


"Ju, bakit sa Intramuros gustong ishoot yung pre nup nung dalawa?" nagtatakang tanong ko.


Dahil naka gown kami imposible naman na gusto nilang theme ay makaluma di ba? Kung ganun edi sana lahat ng kasama sa pre nup ay naka baro't saya!


"Ah eh kasi ano? hoy Miguel bakit nga ba?" ibinaling nya kay Miguel ang tingin nya. Pinanlakihan pa nya ito ng mata at parang nagsasabing tulungan mo ako walangya look

"Ha? ano kasi ganito yun di ba napakaganda sa Intramuros. Parang makaluma yung background pero ang classical so ayun hehe!" tila kinakabahang paliwanag ni Miguel na kinakunot ng noo ko.


"Dami mo naman kasing tanong Jhow. Ano ba! Pwede bang manahimik ka na lang kasi pre nup nila to at hindi sainyo ni De Leon, okay?" pambabara sa akin ni Jia kaya binatukan ko sya

"Hayop ka talaga Ju, para namang sinasabi mong walang pag asang magpakasal kami ni De Leon ko!" bulyaw ko sa kanya


"Oh wag ako awayin mo! Sayo nanggaling yan!" depensa nya






Napa buntong hininga na lang tuloy ako.

Tumingin na lang ako sa labas. Nasa Espanya na pala kami. Medyo malayo layo pa.



Ang daming tao sa loob ng field ng UST. Ngayon pa lang sila nagtatanggal ng Christmas decor nila, January 20 na kaya haha!


"Juwana, may tumatawag sa cellphone mo uy!" inginuso nya ang cellphone kong nagvivibrate na pala di ko pa ramdam.


Nico's calling...

📞.......📵

00:10

Niloudspeaker ito ni Jia wala eh chismosa

Otp

:Hello pards bakit?
:Wala lang. Congratulations nga pala
:Hell? For what?
:Kasi diba ngayon yung—
:Hoy Evangelista magtigil ka nga langya nakakaburyo ka ha!

Yun lang ang sinabi ni Jia at ibinaba ang telepono...


Okay? anong nangyari?


"Uy Ju, bat galit ka? Hahaha baliw ka na naman ah." natatawang sabi ko pero inirapan lang ako.


"Jho pag pasensyahan mo na yan si Jia ha? meron kasi yan kaya ganyan." nagkakamot ulong sabi ni Miguel.


Ngumiti naman ako at saka tumango



Inilabas ko sa pouch ko ang gummy bears.



"Ju oh. Sayo nalang hehe." para tuloy literal na nagkaroon ng hugis puso yung dalawang mga mata nya

"Waaah thank you Jhow jhow." parang batang sabi nito at nagsimula nang kumain.



Ilang minuto pa ang lumipas at finally nasa Intramuros na rin kami.




Excited akong bumaba ng SUV at nakakaloka lang dahil nandito ang lahat ng mga fans naming lahat. Bea14nity, JMNS official, Deannasaurs, at kung ano ano pa.


Bonggang pre nup naman to. Invited lahat.



Nabigla ako nang may nag umpisang sumayaw sa harap ko.

Padami sila ng padami. At yung isa ay sinali pa ako. Napatingin ako sa mga videographer ng Nice Print ngunit tumango lang sila kaya nakisali na rin ako sa pag sayaw



Well everyone is dancing naman na. Lahat ng ALE nga eh hindi ko lang napansin kanina.




Pero maya maya ay bumukas na ang isang telang itim na tumakip sa araw.

Namangha ako dahil sobrang dilim na at natatakot na ako



Isang tugtog ang nagpakaba lalo ng dibdib ko.

Like We Used To (JhoBea)Where stories live. Discover now