Lumabas ako sa balcony. Apparently, over looking sa beach yung resthouse namin. Magkano kaya ang bili nila dito? Oh well, paki ko ba? Hahaha!

"Chicks," sabi ko. Eto talaga ang maganda sa Miami, girls in bikinis.

Nakita ko na ba si Dana na naka bikini?

Erase. Erase.

Walang Dana ngayong bakasyon.

Amanda Seyfried. Anne Curtis. Anne Hathaway. Dana Ferr--

Wala ka ng pag asa, Andy. (-_-)

Papasok na sana ako sa loob ng may tumama sa akin, "sorry!" Narinig kong may sumigaw.

Napatingin ako. Ang lakas naman pumalo nun, umabot pa dito.

Hinagis ko pabalik yung bola ng volleyball, "no problem."

Bumalik na lang ako sa sala tapos nanood ng movies. Tangna. Ang boring talaga dito!! Wala man lang ako makausap. Tch. Bumili kaya ako ng aso? Tangna, malala na ko. Kahit aso papatulan ko na, may makausap lang.

*door bell*

'Sht naman.'

Naglakad ako papunta sa pinto. Ang hirap pa din maglakad. Hindi ko kasi ginagamit yung crutches para mas mapadali yung recovery. Come on! Kailangan ko ng makalakad! Second step to moving on? Explore your choices. Araw araw na makakita ng babaeng naka bikini? Tangna, dude! Kailangan ko ng makalakad as soon as possible!!

"Uhm, hello?" sabi nung babae sa harap ko. Brunette.

Tinignan ko lang siya. Delikado. Kamukha na naman ni Dana. Bakit parang lahat ng babae nagiging kamukha ni Dana??

"Just want to say sorry for what happened--" hindi ko na siya pinatapos kasi pinagsaraduhan ko siya ng pinto. Right on her face. I had enough. Delikado yung mga ganung mukha. 

Bumalik na lang ako sa sala at kumuha ng ice cream sa fridge. Kayo na lang ang kasama ko habang hindi pa ako nakakalakad.. Tinignan ko din yung supplies ko, kailangan ko na din mag grocery. Langya! Hirap mabuhay mag isa.

Natapos yung buong araw na wala akong ginagawa. Walangyang buhay 'to oh!! Naghahanap ako ng katahimikan nung nasa Pilipinas ako pero nung nandito ako, nakakagago yung katahimikan! 

Nagpadeliver na lang ako ng pizza nung gabi. Tangna. Ang boring ng buhay ko. Ang boring ng araw ko. Konti na ang, magiging boring na din ako.

-kinabukasan-

"Morning," sabi ko. Tumawag si mom sa phone, "yeah. Ayos lang ako.. Hah?.. Yup, maggrocery ako mamaya.. Alright.. Punta ko jan next week, okay na siguro yung paa ko by that time?.. I'll see.. Bye, mom."

Tumawag na naman siya. Paranoid mom. Ever since nung sinabi ko sa kanya last week na break na kami ni Dana (ang hirap pa ding sabihin) akala niya suicidal ako. Para akong nasa suicidal watch. Honestly, ganun pa ako naging ka dependent kay Dana? Na sobrang hindi ko kakayanin na mawala siya to the point na mag suicide ako?? Halos lumipad siya papunta dito nung sinabi ko sa kanya. Tch. Parang bata pa ako. 21 na kaya ako. (._.) Ang tanda ko na. Hahaha!

Lumabas ako at sumakay sa sasakyan, "here goes nothing."

Nagagalaw ko naman yung paa ko kaya sa tingin ko wala namang problema kung magddrive ako. Kaysa naman sa mamatay ako sa gutom, magddrive na lang ako papunta sa Wal-Mart. Tch.

Tangna!! Kaya ko pa lang magdrive! Hahaha! Mukha akong tanga dito sa harap ng Wal-Mart.

Pumasok ako sa loob at nagsimula ng maggrocery. Siguro pang isang buwan na yung bibilin ko. Ayoko ng naggrocery. Parang bading lang eh. Psh.

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon