Pictures 9

118 4 0
                                    

CHAPTER 9

[CONDO]

Taehyung's POV

"Okay ka lang baby ko?" Tanong ko kay Sana dahil kanina pa umaasim yung mukha niya

"M-Masakit...." Sabi niya habang hawak ang tiyan niya

"Ano?! Manganganak ka na ba?! Pero baby ko...7 months ka palang....." Sabi ko

"Oo nga....p-pero ang s-sakit talaga" Sabi niya

"Teka tatawagan ko si Jimin ah. Dadalhin ka na namin sa hospital" Sabi ko at kinuha amg cellphone ko

"He--" Akmang magsasalita palang siya ay pinutol ko na

"Bro!! Pumunta ka dito!! Tulungan mo ako!! Masakit daw yung tiyan ni Sana!! Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital!! Jimin!! Naririnig mo ba ako!! Jimin!!!" Sunod sunod kong sabi sakanya

"Teka papunta na kami" Sabi niya at pinatay ang tawag

Hinawakan ko ang kamay ni Sana at hinalikan siya sa noo

Ilang sandali pa ay dumating na sila Jimin at Jeongyeon

"Tara na!" Sabi ni Jimin at tinulungan akong buhatin si Sana habang naghahanda naman ng mga dadalhin si Jeongyeon

Nang makasakay na kami sa kotse ay dumiretso na kami sa Hospital at idineretso si Sana sa ER

"Sa tingin ko ngayon na lalabas ang anak niyo" Sabi ng doktor "Ilang sandali nalang ay ready na siya" Sabi niya pa

Tinawagan ko si Nari na manganganak na si Sana at sinabi niyang papunta na siya

"Nasaan po yung mister?" Tanong ng isang nurse

"Ako po" Sabi ko at pinapasok niya ako sa loob

Makikita na kita anak....

Nari's POV

Pagdating ko sa hospital ay nakita ko sila Jimin at Jeongyeon na magkahawak kamay at natutulog si Jeongyeon sa balikat ni Jimin. Nandoon din sila Mina at Jihyo

"Anong nangyari?" Tanong ko

"Manganganak na si Sana" Sagot ni Jihyo

"Nasa loob na siya" Sabi ni Mina

Naupo ako sa tabi nila at naghintay habang kinakabahan

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor

"Success ang labor. Pwede na siyang ipasok sa isang private room" Sabi ng doktor

Dahil wala pa si Kuya, ako na muna ang nag ayos ng private room na gagamitin ni Ate Sana

Nang makarating kami sa private room, Inihiga si Ate Sana at katabi niya ang babae nilang anak

"Anong pangalan ng baby niyo?" Tanong ko kay Kuya

"Jia daw gusto ni Sana e. Kim Jia" Sagot naman ni Kuya (A/N huehue sinama ko na yung pangalan kong pretty hahaha!)

"Ang cute" Sabi ni Jimin

"Oo nga" Sabi naman ni Jeongyeon

"Nari, uuwi ka na ba?" Tanong ni Kuya "Two visitors lang daw kasi pwede mag stay sa room ng overnight. Darating yung mama ni Sana kaya kaming dalawa dito. Wala ka bang dalang sasakyan?" Tanong ni Kuya

"Wala kuya. On meeting kasi ako kanina nung tumawag ka. Nagbihis lang ako tas nagcommute na ako papunta dito" Sabi ko

"Kaya mo umuwi? 11:30pm na oh. Mag aalas dose na" Sabi ni kuya

"Wag ka ng umuwi sa bahay. Malayo layo pa yun dito. Baka mamaya marape ka pa e" Sabi pa ni Kuya

"Sa condo muna namin siya" Sabi ni Jeongyeon

"A-Ano?" Sabay sabay naming sabi ni Kuya at napatingin naman si Jimin sakanya

"Malapit lang yung condo namin. Diyan lang sa kabila. Sila Mina at Jihyo magste-stay din muna samin for this night. Dun ka na rin kesa maabala ka pang magcommute at gabing gabi na nga" Sabi pa ni Jeongyeon

"Ano Nari? Payag ka?" Tanong ni Mina. Di naman ako makasagot

"Nari, sumama ka na. Wala ka na rin namang uuwian" Sabi ni Kuya

"S-Sige" Sabi ko

"Ano? Uuwi na kayo?" Tanong ni Kuya

"Oo, Taehyung. Balik kami mamayang umaga" Sabi ni Jihyo

"Oh sige. Babye" Sabi ni Taehyung at nagwave isa isa. Nagte-thank you din siya dahil sinamahan sila ni Ate Sana at niyayakap niya rin sila

"Ingat ka Nari ah. Tawagan mo ko kapag uuwi ka na" Sabi ni Kuya at niyakap ako

Tumango nalang ako at sumunod na kila Mina

"Ayy Nari!" Tawag ni Kuya sakin

"Kuya?" Sagot ko

"Isipin mo si Jungkook habang nandun ka. Mahal mo si Jungkook diba? Siya yung Mahal mo Nari ah. Hindi si Jimin. Si Jungkook" Paalala ni Kuya

"Oo kuya. Alam ko" Sabi ko sakanya

"Sige na. Baka maiwan ka pa nila" Sabi ni Kuya

Lumabas na ako at sinundan sila Mina papunta sa kotse ni Jimin

Pagpasok namin dun, driver si Jimin at nasa passenger seat naman si Jeongyeon habang kaming tatlo nila Mina at Jihyo ay nasa backseat

Pagdating namin sa building ay pumunta na kami kaagad sa condo nila at pumasok

"Dun na kayo sa kwarto niyo. Dito nalang kaming tatlo sa living room" Sabi ni Jihyo

"Ay hindi! Bisita kayo. Sa kwarto na kayo, dito na kami ni Jimin sa living room....Ay hindi pala! Tayong apat sa kwarto, si Jimin dito sa living room! Ano babe?" Tanong ni Jeongyeon kay Jimin. Nangiti naman si Jimin

"Wala naman akong magagawa" Sabi ni Jimin at tumawa sila. Ngumiti naman ako

"Tara na, pasok na kayo sa kwarto. Malinis naman dito. Tsaka may dalawang bed" Sabi ni Jeongyeon

"So di kayo magkatabi?" Usisa ni Jihyo

"Hindi. Bata pa kami" Sabi ni Jeongyeon at medyo natawa. Natawa narin sila Mina at Jihyo at ngumiti naman ako

Inikot ko ang paningin ko at may nakita akong 3 boxes na nakabukas at may ilang polaroid pictures na nakakalat sa sahig

Napansin naman ni Jeongyeon na nakatingin ako dun kaya lumapit siya at niligpit ang mga yun at pinasok sa loob ng baul

"Pasensya na. Naikalat lang namin" Sabi niya at medyo tumawa

Napansin ko naman ang picture frame na nasa bedside table. Picture nila Jimin at Jeongyeon sa Cherry Blossom Park

"Hindi pa ba kayo inaantok? Ako kasi sobra" Sabi ni Jihyo at nahiga sa kama ngunit tumayo rin "Jusq! Amoy Jimin!" Sabi ni Jihyo at nahiga sa kama ni Jeongyeon

"Malamang! Ala nga namang mag amoy Nari yan!" Sabi ni Mina

"Bat ako?" Tanong ko

"Wala. Example lang hehe" Sabi ni Mina at niyakap ako at nahiga kami sa kama "Tulog na tayo Nari" Pagka sabi na pagkasabi ni Mina nun ay nakatulog na siya yakap yakap ako

Hindi ako makawala sa yakap niya. Natawa naman si Jeongyeon at nilapitan kami para tanggalin yung mga sapatos namin

"Sige na. Mukhang antok na antok na kayo e. Susunod din ako. Tatabi ako kay Jihyo" Sabi ni Jeongyeon at lumabas ng kwarto

I miss this scent.....

-

Pictures|PJM|Where stories live. Discover now