Pictures 1

357 6 0
                                    

CHAPTER 1

[PAST]

Jimin's POV

"Mahal kita, Nari" Sabi ko sakanya at hinalikan ang kamay niya

"Mahal din kita, Jimin" Sabi niya at nginitian ako

Sinungaling ka, Nari...Kung mahal mo 'ko, paano mo nagawa 'to?

"Sorry Jimin....Hindi ko na kayang magstay sayo" Sabi niya at binitawan ang kamay ko

"B-Bakit...Nari?" Nanghihina kong tanong

"I-I don't love you anymore! Ayoko na! I'm breaking up with you!" Sabi niya at tumakbo palayo saakin

"Nari!!" Sigaw ko sakanya at nagbabalak na habulin siya ngunit nanlambot ang mga paa ko....Hindi ko kayang maglakad....Hindi...Kailangan ko siyang habulin

Hindi ako naniniwalang makikipagbreak ka dahil dun....May ibang dahilan...alam ko meron

"Bro...Aalis kasi kami...Magstay kami sa America for good" Sabi ni Taehyung sakin gamit ang telepono

"Papaano na si Sana?" Tanong ko sakanya

"N-Nakipagbreak na rin ako sakanya" Sabi niya at halatang malungkot

"Nakipagbreak din ba si Nari saakin dahil aalis kayo?" Tanong ko...Kung sana sinabi niya edi sana di masyadong masakit para

"Hindi bro, may ipinagkasundo sakanya at yun din ang dahilan kaya kami aalis ng Korea at pupunta ng America. 'English spokening dollars' kasi yung lalaki pero Korean" Sabi niya sabay tawa ng mapait

May....ipinagkasundo?

"Bro bro....Aalis na kami. Basta bro, palagi mong titignan si Sana para saakin ah!? Wag mong hahayaang magkaboyfriend siya na iba!! Promise bro, babalik kami!! Protektahan mo muna si Sana ngayon ha? Tapos alagaan mo! Tapos damayan mo! Basta samahan mo siya lagi ha!? AT!! Park Jimin sinasabi ko sayo wag mong jowain yung baby ko!!Babye" Sabi niya at hinung up ang tawag

Sino ba yang pinagkasundo sayo? Porke mayaman, pinagkasundo na kayo? At porke hindi ako mayaman, Ayaw na saakin ng pamilya mo?

Kinuha ko ang isa sa mga box na may lamang polaroid pictures naming dalawa. Yung box na may nakasulat na "Anniversaries"...Oo, umabot naman kami ng Anniversary, 3 years din kami nagtagal

Kinuha ko naman dun yung picture namin nung first anniversary namin

Nasa Cherry Blossom Park kami nun, ang saya nga kasi hindi natapat sa autumn

Kaya naisipan kong pumunta dun at magpahangin dala dala ang picture naming dalawa...Winter ngayon kaya dinala ko yung jacket ko

Pagdating ko sa Cherry Blossom Park

May nakita ako na hindi ko inaasahan

Si Nari.......

Ang saya niyang tignan......

Sa piling ng iba......

-

Now Playing: Hindi Na Nga By This Band

🎶Pero di ko kayang bumitaw at ika'y masasaktan dahil pangako ko'y walang iwanan🎶

Pictures|PJM|Where stories live. Discover now