CHAPTER 36

360 13 4
                                    

Chapter 36💀

Naging masaya ang dalawa na para bang ang kasiyahan na iyon ay hindi na matatapos.

Masasabi ni Jimin na nagkaroon na nga sila ng happy ending dahil sa pagiging enemy sa isa't isa hindi niya aakalain na mapupunta sa pagmamahalan.

Ngayon ay nasa kwarto siya iniisip kung ano ba ang magiging future nilang dalawa.Kakauwi niya lang galing kina Rose at mga 7:00 pm palang,wala naman siyang gagawin kaya tumihaya nalang siya sa kama niya.

Maya maya ay nauuhaw siya kaya tumayo siya para uminom ng tubig dinala niya narin ang cellphone niya baka tumawag o mag chat si Rose.

NGAYON AY PUPUNTA SI Rose sa bahay nila Jimin nagpaalam naman siya sa papa niya,total wala namang pasok bukas kaya naisipan niyang tumambay sa condo ni Jimin.

Agad nya itong tenext.

Rose:Pandak! Pupunta ako sa inyo.

Text niya maya maya ay nag reply si Jimin.

Gabi na ahh..-pandak

Rose:7:00 pm palang, saka wala namang pasok bukas kaya pwede akong mag stay dyan sa condo mo,nagpaalam nanaman na ako kay tatay.

Baka mapahamak ka ikaw lang mag isa ang mag co-commute sunduin nalang kaya kita -pandak

Rose:Wag na! Magiingat naman ako saka papatawid nako.Hinihintay ko lang mag red light.

O sige mag ingat ka -pandak

HABANG NAG TETEXT SI ROSE HINDI niya namalayan na may sasakyan na papunta sa kanya.Akala niya kasi Red light na kaya tumawid na siya.

Napakalakas ng pagpapatakbo niyon at para sa kanya parang naging slowmo ang pangyayari nayun. Hindi siya makagalaw ang namalayan nalang niya ay tumalsik siya at napalakas niyon.Nakaramdam siya ng papanakit sa katawan na parang nahati iyon at tumama ang ulo niya sa malaking bato at maraming dugo ang dumaloy sa daan pagkatapos niyon ay unti unting naging blurry ang papanaw niya at tuluyan ng nilamon kadiliman.

BIGLANG NASIKO NI JIMIN ANG FLOWER BASE dahilan para mahulog at mabasag iyon.

Napahawak siya sa dibdib niya kinakabahan siya hindi niya alam kung bakit.

Tinignan niya ang cellphone niya pero hindi pa nag rereply si Rose.Kaya minabuti niyang tawagan ito.

Naka ilang ring siya pero ni isang sagot ni Rose wala.Inulit niya ng inulit ang pag tawag kay Rose pero wala talaga.

Jimin:Rose please answer the phone,nagaalala nako....

Palakad lakad na tugon ni Jimin habang tinatawagan pa din si Rose.

Umabot ang 1 oras pero hindi padin sumuko si Jimin,Hanggang sa may isang unknown na number ang tumawag sa kanya.

Walang pagalinlangang sinagot nya iyon baka si Rose iyon.

Jimin:Hello?

Hindi na talaga siya mapakali kinakabahan na siya.

Jisung:Kuya Jimin.....

Bakas sa boses nito ang pag iyak.

Jimin:Hey! What happen? San ang ate mo?! 

Napasigaw nalang siya dahil kinakabahan na talaga siya.

Jisung:Pumunta nalang po kayo dito sa hospital....

Ramdam ni Jimin na humahagulgul ng iyak si Jisung.

Agad siyang tumakbo papuntang parking lot halos nilipad na nga niya ang pagitan niyon.

Pinaharurut niya ang pagpapaandar sa kotse niya,wala na syang paki kung mabangga siya,ang iniisip niya ay makarating agad sa hospital sana hindi naman tama ang hinala nya! 

Nang makarating siya sa hospital agad siyang sinalubong ni Jisung kitang kita niya ang mga iyak sa mata nito.

Jimin:Anong nangyari? Saan si Rose! Saan?!!!!! 

Jisung:Kuyaaaa.....

Niyakap nalang siya ni Jisung.Naninikip ang dibdib niya!

Jimin:Hey! Damn this! Ano bang nangyayari haaa!!!?!

Jisung:Si ateee.....

Jimin:Ano ba kasi.....

Jisung:Sumunod *sob* kayo *sob* sakin....

Agad namang naglakad sila hindi na talaga alam ni Jimin at sana hindi tama ang pakiramdam niya dahil parang binibiyak siya.

Ng makarating sila sa isang Room nakita ni Jimin ang pangalan ng kwartong iyon.

Hindi nagkakamali lang siya! Namamalikmata siya!

Hindi pwede!

Nakita niya doon ang papa ni Rose nakaupo sa gilid habang walang tigil sa pag iyak.

Hindi na niya mapigilan ang bigat bigat na ng pakiramdam niya.

Nakwelyuhan nalang ni Jimin si Jisung.

Jimin:Anong bang nangyayari ha? Mali ba tayo ng napuntahan ha? Sagutin mo koooo!!!!

Sigaw niya kay Jisung umiiyak pa din ito na para bang walang buhay si Jisung.

Pinipigilan ni Jimin ang maluha dahil hindi siya naniniwala na......

Jimin:SAGUTIN MO KOOOOOO!!!!!!

Napahinto siya sa pagsigaw ng magsalita ang papa ni Rose sa likod niya.

Papa ni Rose:Dead on Arrival siya ng makarating dito sa hospital.Wala na~

Hindi natapos ang sasabihin ng ama ni Rose dahil sa pagsapak ni Jimin sa panga ng ama nito.

Jimin:HINDI TOTOO YAN! BUHAY PA SIYA! HINDI! HINDI! PINAGLALARUAN NIYO LANG AKO! HINDI SIYA PATAY! BUHAY SIYA!!!!!

Nakatanggap ng sapak si Jimin sa panga niya at galing iyon sa ama ni Rose.

Papa ni Rose:Sa tingin mo nagbibiro ako? *sob* ang sakit sakit sa pakiramdam bilang ama hindi ako makapaniwala na ang pinakamamahal kung anak ay nawala ng ganon na ganon nalang! 

Napaupo nalang ang ama ni Rose habang humahagulgul sa pag iyak.

HINDI MATANGGAP TANGGAP NI Jimin na wala na si Rose! Hinihiling niya na sana bangugut lang ang lahat nato kasi parang mamatay siya sa sobrang sakit.

Pumasok siya sa loob ng kwartong iyon na kung saan nandoon ang katawan ng babaeng mahal niya.

Hindi! Hindi! Hindi!

Nakikita palang niya ang puting tela na nakatabon dito hindi na niya kaya parang mapapaupo nalang siya dahil sa sobrang hina,pero naglakas loob siyang lapitan si Rose.

Ng mabuksan niya iyon ang napakagandang mukha ni Rose ang tumambad sa kanya na para bang nagpapahinga lang.

Doon na siya tuluyang humagulgul ng labis habang niyayakap ang walang buhay na bangkay ni Rose.

Jimin:Bakit! Bakit mo ko iniwan!?!! Sabi mo magsasama tayo habang buhay diba? BAKITTTTTT?!!!

Ang sigaw lang ni Jimin ang naririnig sa kwartong yon para na siyang mamatay sa sobrang sakit. 

Ang sakit sakit na ng dinadala niya at hindi na niya kaya.

Jimin:Please wake up! I'm begging youuu! Maawa ka sakin!! Rose pleaseee! Ikaw ang buhay kooo! Bumangon ka na dyan pleaseee!!! Magkakapamilya pa tayo diba? ANO BA GUMISING KA NAA!! MAHAL!! Please damn ittt!

Hagulgul na sambit ni Jimin.

Naramdaman na nalang niya na nilalayo na siya ng mga nurse sa katawan ni Rose.

Jimin:Bitawan nyo ko! Hindi gigising pa siya!! BITAWAN NYO SABI AKO EHHH! NATUTULOG LANG SIYA!!! ANO BA BITAWAN NYO KOOO!!!

Naramdaman ni Jimin na may tumusok sa balikat niya dahilan para mangitim ang papanaw nya at tuluyang mawalan ng malay.

😭😭💔

SHE'S MY ENEMY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon