Chapter 38 : Playdate

Start from the beginning
                                    

Tumawa lang sya sa sinabi ko.

“At hindi ko rin sasabihin na ikaw ang pinakamagaling para sa akin dahil baka lumobo na yang ulo mo.”

“OK.” He laughed again. “Huwag mo lang ipaparinig kay Paul at Andy dahil baka bugbugin ka ng dalawang yon.”

“Alam ko. Kaya nga hinihinaan ko ang boses ko e.”

“Hindi rin naman kita hahayaang mapahamak.” Naks ang sweet naman.

“Asus. I doubt kung kaya mo yung dalawa. HAHAHAHA”

“Kakayanin ko para sayo.” OK ang cheesy nito ngayong araw ha.

“Alam mo kung hindi ka lang pawis na pawis baka niyakap kita ngayon.”

“Bakit hindi ba kita pwede yakapin ngayon?” He opened his arms at akmang yayakapin ako. Ayoko! Mamaya ko pa balak magpapawis.

“Adrian! Subukan mo! Ayoko pang mapawisan ngayon!!”

“Ayaw pa? Halika nga dito!”

>Paul’s POV<

“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!”

Kumaripas ng takbo si Ezra habang hinahabol sya ni Adrian. Ang landi ng dalawang ‘to ngayon pa naghabulan. Pero OK lang naman. Ang sweet sweet nila. I’m very happy for them.

“So, how do you find the game?” Naupo muna kami ni Vince habang pinupunasan ko ang mukha nya. Syempre, ako dapat ang magpupunas. Right ko yun bilang special one nya.

“OK naman.” I put the towel aside then gave him a bottle of water.

“Magaling ba ko?”

“Pwede na.”

“Pwede na? Hindi ba dapat ang sagot mo is “Oo”?” Binaba nya yung ibinigay kong tubig at sumimangot.

“Eto naman hindi mabiro. Syempre magaling ka. Ikaw kaya pinakamagaling!” Isinigaw ko yung huling sentence para marinig ng lahat.

“Si Marvin kaya!” Syempre, automatic na sasagot from the background ang best friend ko.

Tumawa na lang ako at ibinalik ang atensyon ko kay Vince.

“Totoo ba na ako pinakamagaling?”

“Of course. At pinakagwapo.”

“Alam ko naman yon e.” Hay mga lalaki talaga. “Hindi ba kayo maglalaro nila Andy at Ezra? Manunuod lang kayo buong araw?”

“Ano kami? Puno na tatayo lang? Syempre may gagawin rin kami. Nagdala si Andy ng volleyball at magjojogging daw kami sabi ni Ezra.”

“Ah. Ingat ka ha. Baka madapa ka sa pagtakbo mo.” Ang concern naman ng Vince ko.

“Baka nga madapa ako e.”

“Huh?! Bakit naman?”

“Kakaisip sayo.” OK ang landi ko na.

Kahit pinagpapawisan sya. Kitang-kita kong namula ang pisngi nya. Sana hindi nya napansin na pulang pula na rin ang mukha ko.

Bago pa man humantong sa kung anu-anong ini-imagine ko ang paglalandian namin, tinawag na ako nila Andy at Ezra para mag-jogging around the sub.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Where stories live. Discover now