Chapter 20 : After Party Rainbow 2

3K 103 16
                                    

## Chapter 20 : After Party Rainbow 2 ##

>Vince's POV<

Tuloy ang buhay.

Kahit malinaw na hindi pa rin kami nakakamove-on ng pinsan ko sa lahat ng nangyari. O baka ako lang. Mahirap mang aminin, hindi pa nga siguro ako nakapagmove-on ng maayos dahil kung maayos na ang lahat, wala sanang gulo noong birthday party ni Paul.

Speaking of Paul, nasa-mall ako ngayon at naghahanap ng regalo para sa kanya. Actually, pangalawang regalo dahil cake ung dinala ko last time at hindi ko naman alam kung tinapon na un ni Paul dahil sa sobrang galit nya samin. Kaya naman nag-isip ako ng maibibigay sa kanyang materyal, tanggapin nya man o hindi, at least makita man lang nya na nag-effort akong pahupain ang galit nya.

Napadpad ako sa isang outlet ng isang sikat na store ng mga damit, napagdesisyuhan ko na damit na lang ibibigay ko kay Paul. Mukhang alam ko naman kasi ung size nya, mas maliit ng konti sa akin.

"May I help you, Sir?" Friendly naman pala mga sales lady dito. Unlike other shops. Mas madalas na nga akong biili dito.

"Ah.. I'm just looking for a top for my friend, nothing particular." Sana friend pa rin turing sakin ni Paul matapos naming sirain ung birthday nya.

"You came to the right place, Sir. " She escorted me sa loob ng store nila, mas malaki pala ito sa inaakala ko. "We have lots of tops to choose from.."

Habang inii-scan ko ang kabuuan ng store, napatigil ako sa malaking photo ad sa dulo ng mga damit, mounted to the wall. Clearly mga models sila ng clothing line, dalawang babae at dalawang lalaki. Teka, parang nakita ko na ung isang lalaki na nasa gilid, hindi ko lang maalala kung saan.

"..and we also have a great variety of jeans to choose from." Bumalik ang atensyon ko sa mabait na sales lady.

"Thank you, Miss. I think I'll just wander on my own. Hanapin na lang kita kapag nakapili na ko."

She nodded politely and proceeded to the counter.

Mukhang tama ung sales lady, ang dami ngang damit na pagpipilian.

Mukhang matatagalan ako dito.

Pero Ok lang, para naman kay Paul.

>Paul's POV<

Ang sarap ng buhay.

heto lang naman ako at nakahiga sa aking kama. Walang ginagawa (O tumatakas sa gagawin). Nagkakamot lang ng tyan at nakatingala sa kisame at pinagmamasdan ang mga bituin (o ang mga agiw sa kisame.)

"Anak may naghahanap sa iyong kaklase mo!"

What? Parang wala naman dapat akong i-eexpect na bisita ngayon?

Feeling ko, niloloko lang ako ng nanay ko dahil hindi pa ako naghuhugas ng mga pinagkainan. Kung akala ni Mama magogoyong nya ako sa pagpapanggap na may kaklase ako para lamang bumaba ako at maghugas, pwes, nagkakamali sya. Mamaya na ako maghuhugas! Ang sarap ng pagkakahiga ko dito sa kwarto! Don't ruin the moment, dear mother!

"Ang puti pala ng tyan mo."

Ay loko! Halos mahulog ako sa gulat. Malay ko ba namang may maligno pa lang papasok sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?!!" Nararamdaman kong namumula na ang pisngi ko, makita ka ba naman ng kaklase mong lalaki na nagkakamot ng tyan sa harap nya. What's worse is si Vince pa. Kung si Andy yan o kaya si Ezra Ok pa, magpapatulong pa akong magpakamot ng tyan.

Humahagikgik pa rin ang loko. "Bad timing yata ako. May ginagawa ka yatang kababalaghan." Lalong namula ang pisngi, hindi buong mukha ko na, sa hiya. Isipan ba naman ako nito ng mga ganoong bagay!

"Hoy! For your green and narrow mind's information, nagkakamot lang ako ng tyan. Ang dumi talaga ng isip mo. At bakit ka ba nandito ha? Baka nakakalimutan mo ang concept ng tresspassing.." Binaba ko ung tshirt ko mula sa pagiging hanging nya. "..at privacy?"

"Baka rin nakakalimutan mo na may tutorial tayo?" Huh? OM, nakalimutan ko. Ngayon nga pala ang huling tutorial namin before the dreaded mid-term exams.

"O, bakit natulala ka jan? Nakalimutan mo?"

I hate to admit defeat but "Oo. I'm sorry, Ok? O sya, sya magsimula na tayo para matapos na natin lahat. "

"Wait.." he handed me a blue paper bag. Baka magpapatago. "..this is for you, Happy este Belated Happy Birthday."

Awww, how sweet. Syempre tinanggap ko, grasya rin ito. "Salamat, mokong este Vince. Nag-abala ka pa."

"Peace offering na rin yan para doon sa pagsira namin sa party mo. Sorry. Pasabi na rin sa best friend mo, sorry dahil we ruined your birthday." Napansin kong biglang humaba ang hair ko.

"Ano ka ba. Wala na yun, at least ngayon, alam ko na ang koneksyon nyong lahat sa isa't-isa. To be honest, medyo nainis ako, pero sino ba naman ako para hindi magpatawad. Hindi ko naman kasi alam ang buong story so who am I to judge di ba?"

I saw him smiled. Genuinely. Nakatutunaw. Hay Vince may soft spot talaga ako para sa iyo.

"So let's review then?" Wow, improvement to ha. Siya na ang nagyayayang magsimula kaming mag-aral ng math.

Sa kwarto ko na kami nag-review. Wala naman sigurong mangyayaring masama no! (not that I don't like it to happen, hoy magpigil ka!) Pansin ko talagang may iba ngayon kay Vince. Ganadong ganado syang mag-aral. Dati, puros break kami at kung anu-anong paraan ang ginagawa nya para lang matapos na agad ang review. Ngayon willing na willing syang mag-compute. Ang sarap nya ngang pagmasdan habang nagcocompute eh.

You can see the desire to learn. You can see the fire.

And I hope I'm the one igniting that fire.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon