Chapter 37 : The Truce

2K 82 10
                                    

##Chapter 37 : The Truce##

>Vince’s POV<

“Ano bang kailangan mo?” Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Pagkasarang-pagkasara nya ng pintuan, tinanong ko na sya agad. Enough of this drama. Kung gusto nyang magkaalaman kami ngayon, hindi ko sya uurungan. He saw me balled my fists.

“Hindi ako makikipag-away sa iyo.” He’s calm tone is surprising. Kung kailan naman handa na akong makipagsuntukan.

I paused for a while taking it all in. Mag-uusap nga lang siguro kami. Nothing more. I took several deep breaths then I stared at the street opposite Paul’s house. Lumapit sakin si kumag. Close enough para marinig namin ang sinasabi ng isa’t-isa pero far enough para hindi kami magpang-abot.

“Ano ba talagang kailangan mo?” I asked again.

“Aaminin ko sayo, may gusto rin ako kay Paul.” Hindi na ako nagulat.

“Well, you’re too late. Ako ang gusto nya.”

“What makes you think that? Kayo na ba?” So alam nyang hindi pa kami official ni Paul?

“Magiging kami.”

“Huwag kang magsalita ng tapos.”

Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng pag-uusap na ito pero naiirita na ako sa mga pinagsasabi nya.

“Anong gusto mong iparating? Na hindi magiging kami ni Paul?”

“No. I’m just saying na marami pang mangyayari.”

Sa sobrang kairitahan ko, nasipa ko yung lata ng softdrink na nakakalat sa kalsada. Sa sobrang lakas ng pagkasipa ko, umabot yung lata sa kabilang side bago sya tumigil sa paggulong.

“Kung ano man ang mga mangyayari, its between Paul and I.”

“Not if I can help it.”

I felt my fists ball again. Sa pagkakataon ito. Sya na ulit ang nagsalita.

“Just like what I’ve said, may gusto rin ako kay Paul. Hangga’t hindi pa nagiging kayo officially, may chance pa ako.”

That did it. Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigil pa ang sarili ko. Hinawakan ko ang kwelyo nya. Hindi sya nanlaban.

“Are you saying na kayo ang magkakatuluyan ni Paul?!”

“No. I’m just saying na pantay lang ang chance natin sa kanya. Hindi pa sya sayo. Bigyan mo sana ng pagkakataon ang iba. Kung ngayon pa lang na “dating” pa lang kayo ay nagiging bayolente ka na, ano pa kaya kapag naging kayo na. Masyado kang controlling.”

What he said caught me off guard. I loosen my grip and took several deep breaths to calm myself. I tried very hard to speak calmly. May point ang mga sinabi nya.

“Your point being?”

“Liligawan ko rin si Paul. Katulad ng ginagawa mo. Fair and square. Sa oras na piliin ka nya over me. Hindi ko na kayo guguluhin. Tatanggapin ko ang desisyon nya. Magiging masaya ako para sa inyong dalawa.”

“OK.” Would be the right thing to say.

“Just so you know, hindi ako nagpapaalam sa iyo o nanghihingi ng permiso sa iyo. Kinausap kita para aware ka. Baka kasi every time na lalapit at kakausapin ko si Paul, magsusuntukan tayo. Mabuti nang malinaw ang lahat.”

“Oo. Malinaw na ang lahat.”

He offered his hand to seal the truce. Tinanggap ko iyon.

“May the best man win.”

>Paul’s POV<

Narinig kong bumukas ang pinto. Medyo matagal na yung dalawang yun sa labas ha. Naku, baka kung ano nang nangyari sa dalawang yon!

“Oh? Nasaan si Kline?” Nagulat akong si Vince lang ang pumasok. Walang Kline na sumunod.

“Uuwi na daw sya. Sabihin ko na lang daw sayo na uuwi na sya. Kanina pa daw kasi sya wala sa bahay.”

“Talaga? Anong pinag-usapan nyo?” Atat na atat na akong malaman.

“Sa aming dalawa na iyon. Bawal mong malaman.” Ngek.

Napansin kong masyadong tahimik at walang gana ang mga sagot ni Vince. Ano ba kasing pinag-usapan nila kanina?

Tumabi sya sa akin then niyakap ako. Syempre nagulat ako dahil biglaan ang pagyakap nya. His body felt warm against mine.

“Tell me what’s wrong. You know I’ll listen.”

“Wala naman. Gusto ko lang maramdaman na totoong kasama kita ngayon.”

“Bakit mo naman sinasabi yan. Mawawala ba ako?”

“Hindi naman. Baka kasi sa susunod, iba na ang kayakap mo.”

Hay si Vince talaga. Hindi nya alam kung gaano ako kasaya na sya ang kayakap ko.

“May tanong ako sayo.”

“Ano yon?”

“Sa huli, kung may pagpipilian ka. Ako pipiliin mo di ba?”

“Bakit mo naman natanong yan? Syempre naman.”

“Wala lang gusto ko lang malaman.”

Then, niyakap nya ulit ako.

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon