Chapter 32 ACHILLES' LIGAWAN STAGE PART III

3.1K 58 3
                                    

*Achilles' Point of view*

"#4: Dating.Importanteng parte ito ng panliligaw. Isang palpak na nangyari wala na lahat ng pinaghirapan mo."

"Nag date na kami."saad ko.

"Eh ano naman kung nag date na kayo. Hindi ba pwedeng ulitin?"tanong ni Aaron.

"#5: BE YOUR SELF and be Gentleman. Magpakatotoo ka sa harap niya. Dapat ipakita mo na deserving ka sa kanya at 

ikaw ang dapat sagutin."

Paano ko ito gagawin ng sabay???

"Anong gagawin ko? Masama pa ata ang pakiramdam ni Thalia."sabi ko.

"IPagsama mo ang step #4 and #5,"sagot ni Aaron."Kung hindi mo siya ma-date eh di .."saad ni Aaron.

"Ano?"tanong ko.

"Puntahan mo siya...ikaw ang magasikaso sa kanya. Diskarte mo na iyan kung paano."sabi ni Aaron.

Tama.

Pumunta na ako sa bahay ni Nathanael.

Syempre nandun si Thalia eh.

"Anong ginagawa mo dito?"salubong sa akin ni Nathanael.

"Si Thalia?"saad ko.

"Sa kwarto niya,puntahan mo na lang dun.Iiwan ko na muna siya sayo kasi papasok kami ni Ariadne."saad nito.

"Sige ako ng bahala."sagot ko.

"Isang maling galaw mo Achilles hindi ka na makakalapit kay Thalia."saad nito saka umalis.

Maling galaw?

Ano ba ibig sabihin niya doon?

Argh!! 

Umakyat na ako papunta ng kwarto ni Thalia.

*knock*

Nagbukas ang pinto.

"Thalia!!"sigaw ko.

Bigla naman niyang sinara ang pinto.

"ANO? ANong kailangan mo?"sigaw ni Thalia.

"Buksan mo itong pinto!!"sigaw ko.

"Ayoko!! Umalis ka nga!"sigaw nito.

"Let me in!!"sabi ko.

Inheritors AcademyKde žijí příběhy. Začni objevovat