Chapter 9 ACHILLES TURN

5.2K 94 3
                                    



*ACHILLES' POINT OF VIEW*


"I want her to move out of this academy ng hindi siya pinipilit. Gusto ko yung susuko na lang siya."saad ko kay Aaron.

"Ano bang problema mo sa kanya?"tanong ni Aaron sa akin.

"Sa akin na lang iyon."sagot ko.

Alam na naman niya, tinatanong pa.

TSK!

Ayoko sa babaeng iyon.

Kung gusto niya maghiganti, gawin niya.

Pero hindi ko hahayaang bumagsak ako dahil sa kanya.

Siya nag pababagsakin ko.

Wala akong kasalanan sa pagpapakamatay ng ate niya.

Ni hindi naging kami.

At hindi ako magsosorry.

Tsk. Ako na si Achilles Tymon Harris magsosorry?

Isang beses pwede pa.

Wala naman akong ginawa para maisipan ng babaeng iyon magpakamatay.

I mean, I just gave her a favor.

Pinagbigyan ko na siya, hinayaan ko siyang lumapit-lapit sa akin, sa amin ng grupo.

Pero ano? Masyado siyang naging obsessed.

Ngayon sisimulan ko na ang plano ko.

Tatapat ko ang plano ni Thalia.

Akala niya ha, PSH!!

Nagpatawag ako ng ilang mga babae.

"Alam niyo na ang gagawin niyo. Basta maisipan ni Thalia na umalis sa academy na ito."saad ko.

"Makakaasa ka,Prince Achilles."saad ng mga ito.

Lumabas na ang mga ito.

"SIgurado ka ba sa gagawin mo?"tanong ni Aaron.

"Lagi akong sigurado."sagot ko.

Mag-ingat ka Miss Revenge cause my bad side is back.

"Hahahaha."tawa ko.

"O.A. na iyan."saad ni Aaron.

-_______-    <--- reaksyon ni Aaron.

^_____^.v  <------reaksyon ko.


*THALIA'S POINT OF VIEW*


"Astraea!"tawag ko.

Nasa Academy Garden na kami ni Ariadne ng makita ko sina Astraea at Antheia.

Lumapit naman sila sa amin.

"Totoo bang lilipat na kayo ng dorm?"tanong ni Antheia.

"Hindi. Sa isang bahay na kami titira ni Ariadne. Yun kasi ang gusto nina dad."sagot ko.

"Wow. Buti pa kayo habang kami doon pa din kami sa dorm."saad ni Astraea.

Nginitian ko lang sila.

Wala kasi ako masabi.

AYoko naman silang iwan eh kaya lang dad called last night at pinatitira kami ni Ariadne sa bahay ni Nathanael.

Hindi na namin sinabi kina Antheia at Astraea ang tungkol doon.

Basta lilipat kami.

"Tara na sa classroom"aya ni Ariadne.

Nagtungo na kami sa Classroom namin.

Bakit ganun?

Bakit parang ang sama ng nararamdaman ko?

May masama bang mangyayari?

Aish, guni-guni ko lang ito!

Erase. erase!

Nagbubulungan sina Antheia at Atraea.

Ano kaya pinaguusapan nila?

"Thalia peram naman ako ng notes mo."saad ni Antheia.

Inabot ko ang buo kong bag.

"Kunin mo na lang, tinatamad ako eh."nakangiting saad ko.

Inabot naman nito iyon.

"Thalia, manonood ka ba ng game mamaya?"tanong ni Ariadne.

"Game? ANong game?"tanong ko.

"Soccer. Tara manood!"aya ni Ariadne.

"Hindi ako mahilig magsoccer at manood ng laro nun."sagot ko.

"Please!!!!"nagpout pa itong si Ariadne.

"Sige na nga minsan ka lang ganyan."sagot ko.

"Yes thank you."saad ni Ariadne.

"Oh Thalia, thank you nakuha ko na ang notebook mo, kokopyahin ko lang ang notes mo ha."saad ni Antheia.

"Sure."kuha ko sa bag ko.

Hay ang gulo ng bag ko.

Hindi ko kas naaayos buti nga nakita pa niya ang notebook na iyon.

"Ang tagal naman ng teacher natin."angal ni Ariadne.

Oo nga. ANg tagal.

"Baka may meeting."saad ko.

Siguro nga.

"Achilles!!!"

"Aaron!"

Okay binaggit na nila lahat ng pangalan ng Glitterati boys na kaklase namin.

Pumasok na ang mga ito.

Kung tutuusin late na ang mga ito.

Pasalamat sila wala pa si sir Dowling.

Tumingin sa akin si Aaron saka ito umupo.

"Thalia, may notes ka peram ako."saad ni Adonis.

"Sorry. Nahiram na."sagot ko.

Nag pout din ito tulad ni Ariadne.

"Aish, hindi yan gagana sa akin. Nahiram na ni Antheia"sagot ko.

"Daya.Pahiram ako mamaya."saad nito.

"Ge na,ge na."saad ko.

Pumasok na sa room si sir Dowling kasama ang principal.

Bakit kaya?

"Class, sino sa inyo ang kumuha ng answer sheets ni sir Dowling? Kayo lang ang klase niya ng History kaya isa sa inyo ang kumuha nito."saad ng principal.

"Kaya isa-isa namin titignan ang bag niyo."sabi naman ni sir.

"Okay po."sagot ng lahat.

Tinignan nila ang mga bag.

Pahuli pa ako.

Sandali, bakit hindi pa nila nakikita eh malapit ng tignan ang bag ko?

Kakahiya ang gulo pa naman ng bag ko.

"Lets see yours."saad ni sir.

Tinignan niyang mabuti ang bag ko.

Nakatingin sa akin lahat.

Ako kasi ang last na titignan ang bag.

"Bakit nasayo ang answer sheets?"tanong ng principal ng may makuha itong papel sa bag ko.

"Maam, hindi ako ang kumuha niyan."saad ko.

"Pero bakit nasayo ang mga ito?"tanong pa nito.

"Hindi ko po alam."sagot ko.

"Go to my office now!"saad nito.

Tumingin ako kay Ariadne, "Patay."

"Kaya mo yan, naniniwala ako sayo."saad ni Ariadne.

Sumunod na ako sa principal kasama si sir sa office.

"Maam wala po akong kasalanan. Baka may naglagay lang nito sa bag ko. Maniwala po kayo sa akin."saad ko.

"Sa tingin mo maniniwala kami sayo? Wala kang proweba na nilagay iyan sa bag mo. Sa ngayon ikaw ang kumuha ng answer sheets.Kaya kailangan mong maparusahan."saad ng principal.
"Pero top ako sa klase, bakit ko naman kukunin ang sheets na iyan kung kayang kaya ko makapasa ng wala iyan."saad ko. "Maam, sir maniwala kayo."

"We need to see your parents."saad ng principal.

"Maam, huwag naman."saad ko.

"Ako mismo ang tatawag sa kanila para malaman nila ang ginawa mo."saad nito.

Shit that sheets.

"Maam wag na, ah guardian ko na lang."saad ko.

Si nay at tay na lang kaya ang papapuntahin ko?

"No. Alam ko na ang mga ganyang palusot, Get out of my office now Miss Walker."maawtoridad na utos nito.

Hindi ko naman kinuha iyon.

Paano ba iyon napunta sa bag ko?


Patay ako kay dad.

HIndi ito pwede.

Sino naglagay nun sa bag ko?

Lumabas na ako ng academy.

T___________T nay ! tay! gusto ko na umuwi.

Natatakot ako!

Kung sinoman ang may gawa nito, kapag nalaman ko kung sino ka patay ka sa akin.

Hindi na ako pumasok ng next class.

Tumambay na lang ako sa academy roof top.

Walang tao, walang makakarinig sa akin.

"WAAAAAAAAAAH!!! NAKAKAINIS! WALANG KWENTNG ACADEMY!"sigaw ko. "Nakakainis ka din Achilles Tymon Harris! ANg halimaw ng academy!"

"Huwag ka maingay miss, hindi mo ba nakikitang may natutulog?"saad ni.................






Tyson?

May hawak itong libro at katulad ko ay nakasalamin ito.

Nerd din.

ISa ito sa Glitterati boys.

"Pasensya na."saad ko.

"Ano ba problema mo sa school?"tanong nito.

"Hindi sa school, kundi ang mga nangyayari dito."sagot ko.

Umupo ito ng ayos.

"Bakit nahihirapan ka?"tanong nito.

"Hindi. Naiinis lang ako sa mga tao dito, si Achilles at ang glitterati boys."

Natawa ito.

"Bakit naman?"

"kasi mayabang sila. Akala mo kung sinong hari ng academy."sagot ko.

"Kilala mo ba ako?"tanong nito.

"Tyson Sidon. Sinong hindi makakakilala sayo?"

"Hindi ka ba natatakot na sabihin ko lahat ng sinabi mo sa grupo ko?"

"HIndi..hindi ako natatakot sa inyo lalo na sa leader niyong si Achilles.

"So ikaw si Thalia?"

O_____O oh my gulay!

Bakit niya ako kilala?

"Ako nga,paano mo nalaman?"

"I heard a lot about you."saad nito.

>_______< Really?

"Naiinis sayo si Achilles. Payo ko lang, huwag kang susuko. Kung anuman ang mangyari dapat manalo ka. Gusto ko makita na sa lahat ng pinahirapan namin, may makatagal ng isang linggo o higit pa."

"Anong ibig mong sabihin?"

"He's into you. Gusto ka niya umalis dito."

"Into me? Gusto na niya ako?"

Nahulog siya sa unang plano ko?

Imposible naman ata iyon, alam niya ang mga nauna kong plano.

Ehhh bakit into me daw?

G-R-R!

"Tandaan mo kapag natalo ka, wala ng balikan ng academy."saad niya.

"Bakit mo sinasabi yan?"

"Dahil habang may nalalaman ka mas lalo kang masasaktan at dahil nasaktan ka malalaman mo kung paano lumaban."saad nito saka ito tumayo at umalis ng roof top.

Ano daw? Habang may nalalaman ako mas masasaktan ako?

"Bakit niya iyon sinasabi sa akin?"

Ano bang alam niya?

"Pagbalik dapat wala ka na dito."biglang sigaw ni Tyson.

Kapal.

Kanya ba ito?

-_______-

"NAKAKAINIS KAYONG MGA UTAW KAYO!!!! GLITTERATI BOYS!!! GRRR!!!"irit ko.

Wala na naman makakarinig eh.

Huminga ako ng malalim at hinga pa.

"Hoooooo!!"sigaw ko.

Feeling ko nababaliw na ako.

Pero kahit papaano nababawasan ang sama ng nararamdaman ko.

HIndi pa din ako aalis dito sa academy dahil kay dad.

Hindi pa ako nakakapaghiganti kay Achilles, sira lahat ng plano ko.

Sa ngayon ang uunahin ko muna ay ang alamin kung sino ang gumawa sa akin ng ganito.

Kung sino ang naglagay ng papel na iyon sa bag ko.

 Pagbabayaran niya lahat.

*ring*

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng bag ko at sinagot ang tawag.

"Hello,"sagot ko.

"Where are you?"tanong ni Nathanael.

"Roof top."sagot ko.

"Kinuha ko na ang mga gamit mo at kasama ko na si Ariadne. Nasa bahay na kami ngayon. Dito ka na dumeretso."saad nito.

"Salamat.Sige dyan na ako dederetso."sagot ko.

"Sige. Pero favor naman ikaw na ang bumili ng alam mo na ni Ariadne."nahihiyang sabi nito.

"Anong alam ko na?"tanong ko.

-_____- Ano kaya yun? ALam ko na daw?

 "Dali na, alam mo naman iyon."saad nito.

-_____- "HIndi ko nga alam! Hindi ko gets!"

"Na--Nap--Napkin."saad nito.

Bwa--HAHAHAHA.. "Napkin? Di pa masabisabi eh.Sige na sige na ako ng bibili. Ilan ba daw?"saad ko.

Natawa na ako.

Ang pinsan ko talaga.

"Isang balot na, baka mautusan pa ako nito."sabi ni Nathanael.

"Ah sige sige."sagot ko.

End call.

 Nagpunta na akong 7/11 at bumili ng pinabibili ni Ariadne at ng isang litrong ice cream.

Haaay papalamig muna ako.

Inheritors AcademyWhere stories live. Discover now