"H-hello?"

"Alice asan ka?"

"Kuya Justine"

"Hey umiiyak ka ba?"

"Please pick me up" sumagi ako ng hangin dahil unti unti na akong nawawalan ng hangin sa katawan

"Shhh, wag ka ng magsalita, tahan na papunta na ako diyan, sinabi saakin ni Belle kung saan ka nag punta okay? kumapit ka lang"

Tumango naman ako bilang sagot ng marinig ko ang pag baba niya ng tawag kay umiyak lang ako ng umiyak.

Sana pala sinabi ko na ng maaga sakanya para di ganito kasakit saakin at lalo na sakanya.

Sana pala di nalang ako umalis ng bansa, tama si Zyryl, tama siya, sa tuwing aalis ako ng bansa may mga mangyayaring di maganda at ito ang pinakalala.

ang daming sana ang pumapasok sa isip ko ngayon.

Belle's POV

"Belle! buksan mo ang pinto ng kwarto ni Alice" napatayo naman ako ng sumigaw ang kapapasok lang na si Kuya Justine habang dala ang walang kamalay malay na Alice.

Tinitigan ko si Alice, sobrang namamaga ang mga mata niya, anong nangyari?

"Belle! bilis!"

Sinunod ko naman siya mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Alice at pumasok naman si kuya Justine at dahan dahang hiniga si Alice

"Anong nangyari?"

"di ko alam, naabotan ko nalang siyang walang malay don."

Kumuha naman ako ng towel at pinunasan ang mukha ni Alice.

"nagkaharap na siguro sila ni Zyryl"

"Bakit?" tanong ni kuya

"huh? anong bakit?"

"Bakit siya iiyak? kung nagkaharap na sila?"

"Dahil alam na ni Zyryl ang totoo" sa mga kamay niya naman ako ng nag punas ng may napansin ako.

"I think alam ko na ang nangyari"

"Ano?"

Tumawa naman ako ng mahina.

"Sino ba namang matinong tao ang magpapakasal sa isang tulad namin? siguro yung kapwa namin papayag pero sa tulad ni Zyryl I don't think so, wala na ang engagement ring ni Alice"

"Uh? may babalikan lang ako saglit don"

"Bakit?"

"parang may narinig akong nahulog kanina eh nung kinarga ko si Alice"

Tumango nalang ako bilang sagot at tinitigan si Alice.

Alice' POV

Unti unti ko namang binuksan ang mga mata ko.

"Hey"

"Belle?"

"yeah you okay?"

Umiling naman ako bilang sagot

"Hindi ko na tatanongin kong bakit" may tinitigan naman siya kaya sinundan ko ito ng tingin, yung kamay ko. Wala ng singsing don, nag simula na namang ulit tumulo ang mga luha ko.

"Hinding hindi siya magpapakasal sa isang tulad ko" mahina kong sabi.

"nasabi mo ba ang lahat?"

"Alam na niya ang lahat Belle ano pa ba sasabihin ko pwera sa pag hingi ng tawad?"

tumahimik naman itong kasama ko. Pinunasan ko naman ang mga luha ko ng bumukas ang pinto.

"Alice"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now