#Chapter7

1.4K 24 0
                                    

#Chapter7

Sa kalagitnaan ng gabi at sa tahimik na lugar may isang lalaki kung makamanman ay parang may mangyayaring masama na sa katunayan ay meron nga.

"Ayst! 9pm na pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?" reklamo niya wala siyang ibang kausap kundi ang sarili niya.

Sa kabilang banda may isang babae na kung mag lakad ay parang pasan niya lahat ng problema sa mundo, nakayuko habang sinisipa ang bato ang direksyon ng kanyang paglalakad ay papunta sa lalaki.

Ng nakita ng lalaki ang babaeng nag lalakad ay bigla siyang lumabas ng kanyang kotse at nilapitan niya ito.

"Alice?"

"Huh?" napaangat ni Alice ang kanyang ulo ng marinig niyang may tumatawag sa kanyang magandang pangalan.

"Zyryl?"

"Anong ginaga--" di napatuloy ni Zyryl ang kanyang sasabihin dapat dahil bigla siyang may narinig na kaluskos malapit sa bahay ng kanyang binabantayan kanina pa.

"Diyan ka lang Alice ah! babalik lang ako.." Mag sasalita na sana si Alice ng biglang tumakbo si Zyryl sa kinaroroonan ng ingay.

-
Palinga linga si Red Riding Hood ng bigla nalang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya si Zyryl palapit sa kanyang pwesto.

"Sagabal ka talaga kahit kailan.." bulong niya sa kanyang sarili at tumalon na siya papasok sa bahay ng Chua bago pa siya makita nito..

Binilisan niya ang kanyang pagsasagawa sa kanyang mission para di ito maabutan ng binata..

Mabilis niya lang nahanap ang kanyang pakay dahil nasa kwarto lang naman ng dalaga ang nanakawin niya nilagay niya ito sa kanyang bag at tulad ng dati may iniiwan siya.

Umakyat siya ng pader bago tumalon palabas ng lugar ng pamilyang Chua palinga linga siya at nakita niya si Zyryl na palinga linga din na parang may hinahanap. Tumalon siya ng di nagdadalawang isip.

"May hinahanap ka?"

"Fvck!" biglang humarap ang binata sa kanya ng nakahawak sa kanyang dibdib

"Nagulat ba kita?"

"Ano ba ginagawa mo dito?" at binigyan naman siya ng masamang tingin ng binata kaya naman napangiti nalang siya at talagang pinakita niya yung ngiti niya sa binata dahil alam niyang ngiti palang niya naiinis na ito..

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan Mr. Investigator.. bakit alam mo kung saan ako pupunta?"

"Wala ka ng pakialam don.." Bigla namang nag labas ng baril si Zyryl kaya mas lalong ngumuti si Red Riding Hood at yun naman lalong nakakapag painis kay Zyryl..

"Talaga bang di mo ko kaya sa mano mano at nag dala ka na ng baril? uhm?"

"Tsk! Itaas mo kamay mo"

Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ni Zyryl, nilapitan ito ni Zyryl habang nakaturo parin ang baril sa babae.

Akmang hahawakan ni Zyryl ang hood ni Red Riding Hood ng biglang hinawakan ng dalaga ang kamay ni Zyryl at umikot siya at sinipa ang hawak na baril ni Zyryl.

"Not my Hood Mr. Zyryl.."

Kukunin na sana ulit ni Zyryl ang kanyang kamay na ngayong hawak parin ni Red Riding Hood pero hinigpitan niya ang pagkahawak nito para di makawala..

Itinuhod ng dalaga ang tiyan ni Zyryl kaya naman napaimpit ito sa sakit napahawak siya sa tiyan niya gamit ang malayang kamay niya pero inikot siya ni Red Riding Hood

"Shit!" Napamura nalang siya ng narinig niya ang kanyang dala dalang posas na para sana sa dalaga ay nagamit ng dalaga sa kanya.

Hinila siya nito at kukunin niya sana ang kanyang kamay ng di niya ito makuha kaya nilingon niya ang kanyang kamay na nakaposas, nakaposas ang isa sa puno kaya napalingon siya kay Red Riding hood sabay tapon nito ng tingin..

The Thief Red Riding Hood ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora