#Chapter50

419 6 0
                                    

#Chapter50

Zyryl's POV

Di na ako nakauwi dahil sa di kami pinauwi ng magaling naming boss.

Natawagan na namin ang bansang Korea at sinabi ang report na nadakip namin ang krimenal na hinahanap nila at sinabi ang balitang patay na ito.

Mamayang hapon dadalhin ang bangkay nito pauwi sa kung saang bansa talaga ito nababagay, di na namin kailangan pang imbistigahan ang nangyari dahil kitang kita naman sa cctv footage ang pangyayari.

Di ko alam na ganon pala ka brutal ang magnanakaw na yun.

"Diba pinatay din ni Red yung nakakulong Red noon?"

Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Oo yung krimen na nangyari sa loob ng kulongan"

"Bakit parang di ka makapaniwala sa pumapatay si Red?" Alex

"Siguro ang totoo ngqng Red ay yung nakakulong at yung nagpapanggap ay yung Red ngayon na pumapatay?" Joe

"Ganyan ba kayo ka bobo mag imbistiga?!" hiyaw ng magaling naming boss

"Boss kitang kita naman kasi sa footage kung sino pumatay at ang pumatay ay yung magnanakaw na tinatawag nating Red, bakit pa ba iimbistagahan yun at di naman nag sampa ng kaso ang bansang korea nag pasalamat pa nga sila dahil nadakip natin yung krimenal na hinahanap sakanila." Joe

"Ibig sabihin non boss dapat madaliing dakpin na ni Zyryl ang Red na yan" Alex

"Di madaling hanapin ang isang krimenal na masyadong magaling magpanggap na inosente" Joe

"Di lang si Zyryl ang dapat maghanap! pati yung murderer na magnanakaw kailangan na din iyong madakip dahil unti unti ng rumarami ang kasong pag patay dito sa pinas ng dahil sa dalawang yan!"

At tuloyan na ngang umalis ang boss ko sa loob nitong meeting room namin na nagkalat lahat ng papeles sa mesa at naka on na projector dahil pinakita sa lahat ang pangyayari.

"Ano ba balita sa nakakita ng bangkay?"

"Ah yung bata? tinawagan ko yung doktor na nag alaga sakanya medyo di pa okay ang kalagayan ng bata at may kaunting sinat ito ngayon."

"Yung pagpapadala sa bangkay ng korean?"

"May tumanggap naman na paliparan na magdala ng bangkay, at maayos naman ang lalagyan niya mamayang hapon ang lipad non"

"May sinabi ba ang pamilya Porquillo?"

"Tulad ng dating mga nanakawan dapat daw mabawi nila ang dapat sakanila."

tumango tango naman ang head namin ng may sagot ang mga kasamahan ko.

"Hilgen ikaw? kamusta ang paghahanap kay Red? ganon parin ba? dapat ko na bang ibigay sa iba ang kasong yan?"

"Mahirap naman kasi hanapin ang magaling mag panggap Head bigyan niyo muna ng panahon si Hilgen" Joe

Napatitig naman ako kay Joe kanina ko pa kasi napapansin na panay ang sabi niya sa katagang yun.

"Okay dismiss"

"Head pwede na makauwi?"

Tumango at sabay ngiti naman nito kaya nagdiwang naman yung mga kasamahan ko na may mga asawa habang ako ay nakangiti lang.

Alas kwarto na ng madaling araw kaya naman ay agad kong niligpit yung mga gamit ko at umuwi para makapag pahinga.

Alice' POV

Kumakain kami ni Belle ng breakfast namin.

"Hoy san ka ba galing kagabi?"

"Nag nakaw"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now