#Chapter37

430 8 0
                                    

#Chapter37

Zyryl's POV

Ng matapos kong ihatid si Alice sa opisina ay syempre saan pa ba ang punta ko? wala naman kasi akong ibang gawain sa buhay ko kundi ang pumunta sa opisina ko at patakbuhin ang utak para matapos ang isa sa mga kasong hawak ko sa pang araw araw.

Dagdag pa itong panibagong kaso, yung nangyaring labanan ni Alice at nung kumidnap sakanya at siguro ako din? pero parang masasampahan din ng kaso si Alice dahil sa mga pinatay niya pero parang lang naman dahil sa sinabi niyang defense lang ang ginawa niya.

Pati ako pinag iinitan ng magaling naming boss kinaumagahan pagkatapos ng gabing yon dahil bakit huli na daw ako tumawag

Ah basta wag na natin yung pag usapan.

Habang nag titingin sa mga papeles na andito sa mesa ko kay biglang nag ring yung cellphone ko, tinignan ko yun pero restricted phone number siya kaya napakunot naman noo ko.

Imbis na hayaan nalang ito sinagot ko to.

"Hello?"

"Kamusta?"

"Sino to?"

"Di yan ang dapat mong malaman"

"Huh?"

"Ang dapat mong malaman ay ang susunod na nanakawin ni Red"

Di nalang ako umimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin habang nakakunot padin noo ko.

"Music Box.. yung napalibutang light colors diamond. San ba ito mahahanap?"

"Aba malay ko sainyo"

"Tsk pumunta ka sa City Museum at makikita mo siya doon"

Bago pa ako makapag salita ay binaba na niya ang tawag kaya naman natapon ko nalang ito sa mesa ko. Ano ba parang bumalik na naman ako sa dating gawi ko noong isang taon!

Alice POV

Inikot ikot ko na naman yung upuan ko habang iniisip ko yung sulat na natanggap ko.

Akala ko ba professional thief murderer ang isang yun? bakit may nalalaman pa siyang sulat sulat?

"Alice"

"Oh?"

"May plano ka ba mamaya?"

"Oo kukunin ko yung Music Box bakit?"

"Akala ko kasi mag dadate kayo ni Zyryl"

"Sumama ka saakin"

"Oy grabe! nag tanong lang naman ako wag mo na akong isama Alice kaya mo naman yun eh"

"Eh sa gusto ko kitang isama eh! at isa pa para naman yang pagiging mag nanakaw mo di malaos"

"Wala laos na simula nung tumapak ako dito sa Pinas"

"Sumama ka ikaw mag mamaneho ng motor"

"Aba motor pa yung dadalhin"

"Ayaw kong mag kotse eh"

"Sabagay mas okay na ang mag motor wala naman yung plate number"

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka"

"Wala akong magagawa diyan kamahalan"

"Whatever"

3rd Person's POV

Tinanggal ni alice ang suot na Helmet ng makababa siya sa motor, nilagay ito sa inupuan niya kanina at tinignan si Belle bago niya sinuot ang kanyang Hood.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now