Bumuntong hininga naman ako ng makaalis si Zyryl.

"Alice"

"Uhm?" nilingon ko naman ang tumawag saakin.

"San ka galing kanina ang aga aga mo naman umalis?"

"Jogging"

"Jogging? with him? really? and with those outfit?"

"Stop asking mom, now that you confirmed na andito na ako nakatira umuwi na kayo ni Dad"

"Alice"

"Dad?"

"I know that guy"

"Zyryl?"

"Yes, can we talk for a second?"

"Not yet honey kanina pa ako nag titimpi sa batang to."

Di naman ako nagulat ng bigla akong sinugod ng sarili kong nanay kaya ang nagagawa ko nalang ay ang umiwas.

"Stop that!" sigaw ng tatay ko.

"Hinayaan kitang mamuhay dito noon pa Alice pero bakit parang nag rerebelde pa din?!" Sabay suntok sa akin at di ko na yun naiwasan kaya nalasahan ko ang dugo sa labi ko.

"No mom remember? lumayas ako? di ko hinayaan ang sarili kong makipag konekta kay kuya, kay Belle dahil alam kong mahahanap mo ako at ikukulong mo na naman ako." Lumayo naman ako sa nanay ko ng ilang metro habang hinahabol ang hininga ko.

"Bakit ka ba nang aatake mom? bakit? dahil galit ka dahil sa pakikipag tungo ko sayo?, di ka pa ba sanay? mom I'm already 23 please let me go, tama na ang pag kulong sa akin, takot kang masaktan ako? bakit? wala ka bang tiwala sa akin? na kaya ko sarili ko? umalis ako sa bahay pumunta akong L.A, pero ng makita niyo ako ng malaman niyong andon ako kinuha niyo ako, kinulong, pero nung nakakuha ako ng pag kakataong umalis, pumunta ako dito sa Pinas, yes naramdaman ko ulit yung kalayaan ko pero di rin nag tagal, andito na naman ako andito na naman ako sa pamamahay na ayokong ayoko."

Tumakbo naman ito palapit saakin di naman ako gumalaw hinayaan siya, hinanda ko sarili ko, pero bago pa ako matamaan ng sipa niya may pumigil nito na galing sa likod ko, tinignan ko ang kamay na pumigil sa paa ng nanay ko dapat lumapat na sa katawan ko, kitang kita ko ang panginginig ng kamay na yun.

"Mom stop it please, takot kang masaktan si Alice pero di ka takot na masaktan mo siya?"

Nilingon ko naman si kuya Alexander, kitang kita ang pagiging seryoso niya, kaya naman nakahinga ako ng maluwag at napaupo sa sahig habang nakatingin sa sahig.

Kaya kong depensahan ang sarili ko, malakas ako, alam ko yun, kaya kong pumatay para lang madepensahan ang sarili ko, pero yung nanay ko mismo ang aatake sa akin? nawawala lahat saakin, alam kong hanggang may buhay ako di ko kayang labanan ang mga magulang ko kahit gustong gusto ko.

May naririnig akong nag uusap pero parang nabibingi ako, di ko kaya, kahit anong gawin ko, bakit? tinignan ko naman ang mga kamay ko, nanginginig, alam kong sa takot ito, alam ko.

Di ako takot mamatay, di ako takot makulong pero takot ako pag dating sa mga magulang ko.

"Dad Bakit wala kang ginagawa?!" napaigtang nalang ako ng marinig kong sumigaw si Kuya.

"I can't son! Di ako tulad ng nanay mo sobrang lakas pa hanggang ngayon, matanda na ako"

"Mom almost kill Alice dad!"

"I'm sorry"

"fvck!"

"See that's why gustong gusto kitang ikulong because you're still weak, you can't fight me"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now