Muli akong bumuntong-hininga bago ko inabot ang pouch ko at tuluyang lumabas ng C.R. Bahala na kung anong mangyari mamaya. Kung magkita kami ni Levi, e 'di magkita. Basta gagawin ko lang ang trabaho ko, kukunin ko ang kulang na bayad mula sa kanila, and that's it. Hindi ko na siya ulit makikita. Tatapusin ko lang ang kailangan kong tapusin.

Pagkalabas ko ng banyo, isang inip na Raquel ang tumambad sa 'kin. Nakapamaywang pa siya.

"Oo na, ang tagal ko," pangunguna ko dahil kilala ko 'tong babaeng 'to, hindi ito titigil sa pagputak. Isa rin 'tong matapang kaya nga kami nagka-kasundo e.

Umirap naman siya sa 'kin, tapos kinuha na 'yong camera bag niya at ilang mga gamit mula sa couch.

Nauna siyang lumabas ng apartment unit.

Sumunod ako, bitbit din ang sarili kong camera bag. "Nasaan si Yuan?"

"Nandoon na sa kotse. Naiinip na nga, ang tagal mo kasing bruha ka," pagtataray niya bago pinindot ang down button ng elevator.

Si Yuan ang videographer ko. Kinukuha ko 'yon kapag may mga kliyenteng gusto rin ng video service. Hindi kasi ako ganoon kagaling mag-video so kailangan ko pang mag-hire ng freelancer para tumulong. Parang iyan si Raquel. Kinukuha ko lang din 'yan kapag may mga malalaking shoot ako na hindi ko kayang i-handle nang ako lang. Binabayaran ko na lang sila.

Bumukas na ang elevator, pero bago ako pumasok, napatingin muna ako sa pinto ng unit ni Baron. Magkatabi lang kami ng unit.

Honestly, medyo hindi ako sanay na wala ang adik na 'yon ngayon. Kapag libre kasi siya, sinasamahan niya talaga ako sa mga shoots ko. Kaso ngayon, hindi raw siya pwede dahil may naka-schedule siyang artista na ta-tattoo-an.

Medyo okay na kami dahil ilang araw na rin ang lumipas mula noong napikon ako sa kanya. Pero hindi pa ulit kami nakapag-uusap at nagkakasama nang matagal. At hindi niya pa rin ako binabayaran. Adik talaga 'yon. Hindi ko na nga sinisingil, baka kasi magkainitan na naman kami ng ulo.

Kagabi, tinawagan niya ako. Kaso inaantok na ako kaya as usual, natarayan ko lang siya. Malamang nagtatampo na naman 'yong adik na 'yon. Matampuhin kasi 'yon. Pero ang maganda sa kanya, kung gaano siya kabilis mag-tampo, ganoon din siya kadaling suyuin.

##

ALAS-DOSE NG tanghali ng makarating kami sa resort dito sa Laguna kung saan gaganapin ang kasal. Sakto lang ang dating namin para sa pre-ceremony shoot.

Bumalik na naman nga ang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ko na yata kayang bumaba ng kotse. Magpaiwan na lang kaya ako? Kaya lang, sina Raquel at Yuan ay nag-aayos na sa labas. Binibitbit na 'yong mga camera. Kung nasa akin lang sana ang susi nitong kotse, itatakbo ko na 'to e.

Bumuntong-hininga ako, tapos inayos ulit ang naka-kulot kong buhok. Para akong praning sa totoo lang! Kanina pa ako ayos nang ayos ng buhok ko sa byahe. Naka-ilang retouch na rin ako ng makeup. Oo, alam kong hindi na dapat ako nagpapa-ganda, pero hindi ko mapigilan lalo na't alam kong makikita ako ni Levi. Tsk. Napahinga na lang ulit ako nang malalim, tapos tuluyan nang bumaba ng sasakyan.

Bahala na kung anong mangyari.

Bitbit ko ang isang bag ng camera at shoulder bag ko habang papasok kami sa resort. May mga tao na sa loob, mga kamag-anak siguro ng mga ikakasal. Habang papalapit kami, mas lalong hindi nagiging normal ang pakiramdam ko.

I swear I'm trying to be professional here, pero ang sarap talagang mag-mura dahil sa kada hakbang ko na lang yata ay parang pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi naman ako normal na nakararamdam ng ganito kapag may shoot.

Patingin-tingin ako sa paligid habang nakasunod kina Raquel dahil sila ang nakaaalam kung saang kwarto dederetso. Ewan ko nga kung napa-praning lang ba ulit ako, pero parang may nakatingin sa 'kin.

Lumingon ako sa gawi ng pool. At agad na lang akong natigilan nang makita ko siya. Si Levi! Nakatingin siya sa 'kin!

Umiwas agad ako sabay napamura nang mahina. Shit, bakit nakatingin na siya sa 'kin na para bang inaabangan niya talaga ang pagdating ko?

Tsaka punyeta bakit ang gwapo niya pa rin?

I squeezed my eyes shut. Wala na, hindi ko talaga kaya 'to. Hindi ko pa kaya. I need to go home.

Tumuloy ulit ako sa paglalakad kahit na parang mahihimatay ako sa kabang nararamdaman ko.

Hinabol ko si Raquel at hinigit siya sa damit. "Raq."

"O?"

Binigay ko sa kanya 'tong dala kong camera bag. Tinanggap niya naman kahit na parang may malaking question mark sa harapan niya.

"Sorry, sis," sabi ko. "Sorry talaga. Kailangan ko nang umuwi."

"Ano?! Gaga ka, hindi pwede! Iiwan mo kami ni Yuan dito? E raket mo 'to, ah?"

Nagpipigil siya pero alam kong naiinis siya at gusto niya 'kong kurutin. Pero wala, e. Tiklop ako ngayon.

"Sorry talaga," sabi ko na lang ulit. "Susubukan kong kumontak ng ibang freelance photographers para may makatulong kayo ni Yuan. Pero alam ko namang kaya niyo 'to, e. Babayaran ko na lang kayo nang malaki. Gamitin niyo na 'yang camera ko. Ako na ang mage-edit at magpi-print ng mga pictures. Sorry. I really, really need to go."

Tinalikuran ko na siya. Tinawag niya pa nga ulit ako, at halata ko sa boses niyang nanggigigil siya, pero hindi ko na siya nilingon ulit. Unprofessional na kung unprofessional, pero nagpapaka-totoo lang ako. Hindi ko talaga kaya.

Binilisan ko ang mga hakbang ko paalis. Sana lang hindi ako matapilok dahil uneven pa naman itong dinadaanan ko. Napa-paranoid pa ako, pinagpapawisan ako nang malamig! Pakiramdam ko may sumusunod sa 'kin at maya-maya lang ay may tatawag na sa pangalan ko. Wala naman sana.

"Ms. Leila . . ."

Shit! Napahinto agad ako sabay pikit nang madiin. Sinasabi ko na nga ba, e. Ang malas!

May lalaking biglang tumapat sa 'kin. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makitang ibang tao ang kaharap ko, hindi si Levi.

It's James. Naalala ko ang mukha niya.

"Hi," nakangiting bati niya sa 'kin. Lumitaw pa ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

I cleared my throat and acted normal. "Hello."

"Naaalala mo pa 'ko?"

"Oo naman."

Pinipilit kong sumagot nang kaswal kahit na sa loob-loob ko, kinakabahan ako at gusto ko nang umalis. Ninanakaw niya ang oras ko. Paano na lang kung masundan na ako ni Levi? Paano pa ako makakatakas?

Bigla namang nakipag-kamay sa 'kin 'tong si James. "It's JD," sabi niya.

Napakunot ako ng noo. "JD?"

Teka, hindi ba siya si James?

"Yes, JD. James Dion Alarcon. You're leaving? The bride is waiting for you guys."

Binawi ko na ang kamay ko sabay iwas ng tingin. "I'm sorry, JD. May emergency kasi ako. I need to leave. Kaya naman na nila Raquel 'to. Magagaling sila."

Bigla siyang ngumisi. "Is that the real reason? Or you just don't want to see my brother?"

Aba punyetang 'to ah! Gusto ko siyang taasan ng kilay, pero pinilit ko pa ring maging kalmado. "I'm sorry? Your brother?"

Oo nga naman, imposibleng wala siyang alam sa kwento namin ni Levi. Alam kong close na close sila. Pero wala siyang karapatang ipasok ang pangalan ng kapatid niya rito.

Napatawa naman siya nang mahina. "Come on, I'm sure you know my brother, Ms. Leila."

Napangisi na rin ako. Ang sarap niyang hambalusin ng bag. Sige lang, ipagduldulan niya pa.

"Yes, of course. I know your brother. Naging high school teacher ko siya dati, 'di ba?" Inayos ko ang pagkakasabit ng shoulder bag ko pagkatapos. "I'm sorry, Mr. JD, but I really have to go. Pwede mo akong tawagan kung sakaling nagka-problema kayo sa mga photographers ko. It's nice seeing you again. Bye."

Tumuloy na ako sa paglalakad. Wala na rin naman akong narinig mula sa kanya kaya nagdere-deretso na ako palabas ng venue. Diyos ko buti na lang, nakalusot ako!

• • •

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon