Chapter 7

3.5K 106 7
                                    

Chapter 7:




Agad akong tumayo mula sa pagkakapatong kay Hera kasi mga beshy literal na may tumayo! Kahinis etong bruha na 'to lakas mang-akit may regla naman pala!

"Hehe, sorry." Sabi ni Gella at nagpacute pa. Umirap naman ako at sinuot na ang damit na susuotin ko na dapat kanina kung hindi lang ako hinarot ni bruha.

"Tse! Diyan ka na nga! May meeting pa akez." Pakunwaring hindi affected kong sabi. Syempre, dapat best actress!

"Sorry na nga e." Sabi niya sa akin at umakla nanaman. Jusq dai! Lumayo ka! Baka kahit may red tide ka e sunggaban kita, rawr!

"Stop na nga! Okay na diba? Duh! I just need to go, baka malate ako sa meeting." Sabi ko sa kaniya at inalis ang kaniyang kamay na naka-akla sa akin.

"Sige, kiss nalang ulit!" Sabi niya sa akin kaya pinagbigyan ko na. I gave her a smack kiss pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Hindi na naman na ako sinundan ng lukaret kaya naging payapa ang paglalakbay ko sa encantadia... ay charot!

Agad kong tinahak ang meeting place namin ni Ms. Grammier dahil super duper late na aketch kung hindi lang ako hinarot ni Gella ay nandon na sana akiz.

Pagkadating ko sa restaurant ay nagparking na aketch pagkatapos ay pumasok na. Hinanap ko si Ms. Grammier, kilala ko naman siya so hindi na ko parang nawawala ang magulang dito sa resto ngayon. When I finally reached our table ay agad niya akong sinalubong ng yakap.

"Bakla!" Sigaw niya, syempre, everyone is looking at her. Mukha kasing alien, dejoke lang, aside kasi sa amin, sino pa bang pinoy dito sa resto? So everyone's looking at us, maganda kami e, kiber na.

"Uy Trish! Namiss kitang lukaret ka!" Hala sige sigawan pa kami dito. Pero syempre dahil shy type parin aketch, inaya ko muna siya umupo at umupo na rin ako.

"Gaga! I missed you too, e wala e, iniwan mo ko." Madramang sabi niya sa akin. Tumawa naman sa lukaret, parang hindi pa over sa akin e?

"Ikaw naman girl, past is past, bestie na nga tayo diba?" Sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya. Si Trisha Angelique Grammier, my ex jowa, merlat siya I know pero that time kasi super confused pa ako. Hindi ko alam kung makikislide na ba ako sa rainbow or tatawid parin sa ruler e. Pero huwag kayo! Minahal ko rin 'yang lukaret na 'yan, it's just that, mas bet ko talaga ang mga ombre.

"Whatever! So ano? How are you? After mong umalis nawalan na ako ng contact sa'yo e. Wala ka nang chika!" Sabi niya sa akin at hinampas ako.

"Syempre, mas maganda ako, snob na kita!" Sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"HAHAHA loka! So ano ngang balita sa'yo? Chikang chika na ko dito 'no!" Sabi niya at nagtawag na ng waiter.

"So eto na nga, diba matagal na kaming nandito sa U.S?" Tumango naman siya sa akin akaya pinagpatuloy ko ang chika ko.

"Ayern, sa tagal naming nandito, nagcrave si Daddy ng apo! I cannot! Sabi niya sa akin na mathunders na daw siya, bago man lang daw siya lumisan, na huwag naman sana, ay makita niya apo niya sa akin." Nafufrustrate sa saad ko.

"O? Akala ko tanggap ka na ni Tito?" Tumango ako at napahilamos ng fez.

"Oo, super! Supportive pa nga sa kalandian ko 'yon e. Ewan ko ba, siguro nag-overthink kaya ayan, nagrequest ng apo." Sabi ko sa kaniya. Biglang may lumapit naman na waiter sa amin at inabot ang menu.

"O edi, maghanap ka." Sabi niya sa akin habang nag-iiscan sa menu.

"Nakahanap na ako, 'no." Sabi ko sa kaniya at ewan ko ba, bigla akong napasmile. Tumingin naman si Trish sa akin.

"Nako girl, may boyfriend ako. Bawal ako." Luh?

"Hala girl? Kala ko over ka na sa akin? Kapal muks ha? HAHAH joke, pero meron na, hindi ikaw 'no!" Sabi ko sa kaniya at siniringan naman niya ako.

"Ang patola mo girl. Alam mo 'yon." Sabi niya sa akin na ikinatawa ko.

Umorder na kami ng pagkain at nag-simula nang mag-usap sa mas marami pang bagay. Grabe, akala ko ba meeting 'to? Meeting ala chismis ang naging ending e. Napagdesisyunan namin na dumaan sa Unit namin ni Gella, gusto niya daw kasi makilala si bruha kaya go!

"Huwag kang magpaka-dugyot ha?" Natatawang sabi ko kay Trish nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng unit namin.

"Oo na! I'm excited to see her, for sure pretty siya 'no! I mean, look at your ex, for example, me." Ang kapal talaga ng merlat na 'to. Siniringan ko nalang siya at binuksan na ang pintuan.

Nang buksan ko ang pintuan ay doon ko naabutan si Gella na nakabukang-kang sa sofa habang nanunuod sa T.V. Nahiya ako bigla! Jusq, sabi ko kay Trish na huwag dugyot e mas dugyot pa pala 'tong kasama ko sa unit!

"Hoy Gella!" Malakas na pagtawag ko sa pansin niya. Nilingon naman niya ako at nang makita niyang may kasama ako ay napa-ayos siya ng upo. Ay wow? May hiya pala 'to.

"Hehehe..." sabi ni Gella sabay kamot sa batok. Naka-panty lang kase tapos t-shirt ko ang suot niya.

"Gaga ka talaga! Mag-bihis ka nga don! Kurutin kita sa singit e, ang dugyot mo!" Parang nanay na sermong ko sa kaniya. Agad siyang tumayo at pumunta sa kuwarto namin. Si Trish naman ay tatawa-tawa sa gilid ko. Mukhang nakikita niya sarili niya sa babae na 'yon.

"Grabe, we have similarities. Ikaw ha? Iisa lang pala tipo mo sa babae." Sabi niya sabay kindat sa akin. Siniringan ko naman siya at naglakad papunta sa kusina.

"Tse!"

•••••

A/N: huhu sorry, short ud lang. Wala talagang napasok sa utak ko ngayong christmas break. I really want to make an update sa story na 'to kasi we reached 1k reads! Hindi ko ineexpect 'yon!!! Omg hahahaha pero baka kapag may pasok na ulit ako mag-uupdate, don lang talaga nagana utak ko. :((

Hunter's Babymaker (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon