Chapter 5

3.9K 118 5
                                    

Chapter 5:



Nagising ako nang may maramdaman akong gumalaw sa kama. Pipikit-pikit pa akong dumilat dahil ang sakit sa eyes ng sun! Hala ka? Umaga na pala, ang haba naman ng tinulog namin ni Gella. Borlogers lang buong araw kahapon e.

May narinig naman akong parang sumusuka kaya napadako ang tingin ko kay Gella na nasa banyo at nakaluhod sa may bowl. Bukas ang pintuan kaya tanaw ko siya mula sa kama. Wit ko na sana siya papansinin pero naawa naman ako noong bigla siyang sumuka ng bongga. Aantok-antok akong lumapit sa kaniya at malumanay na hinahamplos ang kaniyang likuran. After ilang minutes ay umayos siya ng upo sa sahig at bumuntong hininga.

"Gaga, ayos ka lang? Gusto mo water?" Pag-aalok ko sa kaniya dahil pansin ko ang pamumutla niya. Umiling naman ito nanghihinang tumayo. Kamuntikan na siyang matumba pero buti nalang at nag-ala knight in shining pink armor aketch at nasala ko siya.

"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalala kong sabi sa kaniya at muli ay tumango lang ito.

Inalalayan ko siya hanggang sa makarating sa kama. Muling humiga si Gella at natulog. Hay nako, waley na laman for sure ang tiyan niya dahil isinuka na niya. Maski ata kinain niya last week ay naisuka na rin niya! Dahil mabait ako, ipagluluto ko nalang siya ng breakfast. Papasok na rin kami ngayon sa office, delikado pagnag-absent ulit kami, baka bumagsaky ang company dahil sa kaharutan namin. Kahit ako nalang ang papasok ngayon dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam ng mahal na prinsesa.

Pumunta ako sa kitchen at nagluto na ng almusal. Mukhang hindi rin naman makakababa si Gella kaya't hinandaan ko nalang siya ng breakfast in bed.

Inilapag ko muna ang tray sa sahig bago at dahan-dahang binuksan ang pintuan ni Gella.

"Mumsh, eat breakfast ka na." Pag-aalok ko sa kaniya nang makita ko siyang naka-higa na ulit sa kama. Nang marinig ako ni Gella ay umayos na siya ng upo at nginitian ako.

"Thank you..." sabi niya sa akin nang ilapag ko sa harapan niya ang kaniyang breakfast in bed.

"Welcome, girl. Kain ka na diyan." Sabi ko rito at umupo na ako sa harapan niya. Siya naman ay kinuha ang mga utensils at nagsimula na siyang kumain. Tinignan ko lang naman siya habang kumakain, ang pretty talag nitong babaengto. I looked at her from eyes to nose to lips. Ang gandaaa! Sana kapag nagkababy kami mas kamuka niya— wait, what?

"O? Why are you staring at me?" Pagtataray ulit ng bruha. Inirapan ko naman siya.

"May muta ka pa kasi, girl." Pagpapalusot ko sa kaniya. Agad niyang ibinaba ang kubyertos at nagpunas ng mata. Nang matanggal ang muta ay pinahid niya ito sa akin.

"Ay! Ano ba girl! Ang dugyot mo talaga! Kadiri!" Sabi ko sa kaniya at nandidiring pinunasan ang pinagpahidan sa akin.

Nakita ko naman na tumawa si Gella na parang tanga kaya inirapan ko ulit ito.

"Umayos ka nga! Kanina lang e lelembot-lembot ka tapos ngayon daig mo pa naka-inom ng energizer sa pagka-hyper mo!" Sabi ko sa kaniya at mas tumawa pa siya.

"Whatever!" Sabi niya at nagsimula ulit kumain. Ako naman ay tumayo na mula sa pagkaka-upo at pumunta sa closet para kumuha ng damit.

"Where are you going?" Tanong ni bruha at tumingin sa akin.

"Duh. Sa office, absent tayo kahapon remember?" Sabi ko sa kaniya at humarap muli sa closet.

"Oh shoot! Oo nga pala." She said and when she was about to stand up ay pinigilan ko na siya.

"Okay lang, girl. Huwag ka na pumasok sa office, baka sumama pa lalo pakiramdam mo. Ang putla mo parin kasi." Sabi ko sa kaniya at nginitian siya. Tumango naman si Gella at inalis na ang tray sa kama para makahiga siya ng ayos.

Ako naman ay pumunta na sa banyo para maligo. Matapos maligo ay nag-bihis na rin ako, nang makalabas sa banyo ay nakita ko si Gella na bumoborlog nanaman. Hay nako, napaka-antukin!

Nilapitan ko siya at tinapatan ang kaniya mukha. Inalis ko ang nakaharang sa kaniya mukha at hinalikan sa noo.

"Babalik rin ako." I whispered to her face and stood up. Inayos ko na ang gamit ko at ang aking necktie.

Nakaka-imbyerna 'tong necktie ha? Ang tagal ko nang nag-ooffice pero wit ko parin mamaster itong pag-suot ng necktie.

"Ay pekp*k!" Napatili ako nang may kumapit sa balikat ko. Nakita ko si Gella na bagong gising at mukha antok parin.

"Need help?" She asked me with her sleepy tone. Ngumuso naman ako at tumango.

"Yes, please." Sabi ko sa kaniya at hinarap siya. Nilapitan naman niya ako at hinawakan na ang necktie ko para ayusin.  After niyng ayusin ay pinag-pag niya ang aking coat at ngumiti.

"All done." Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at humalik sa kaniya ng mabilis. "Thanks!" Tanging sinabi ko at tinalikuran na siya. Lumabas na ako sa unit namin at pumunta na sa parking lot ng building. Lahat ng mga afam na nadadaanan ko ay napaptingin sa beauty ko, dahil pretty ako, inisnob ko lang sila dahil si Gella lang sapat— joke lang.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na papunta sa kompanya. Lahat ng madadaanan ko ay nagba-bow at nagbibigay respect dahil ako ang beauty queen, ang reyna.

"Hi Sir, goodmorning." Sabi ni Hannah sa akin, isang amerikana na blandina ang buhok. Ngumiti naman ako sa kaniy at pumindot na sa elevator.

"Goodmorning." Bati ko pabalik sa kaniya at bumukas na ang pintuan ng elevator. Pumasok kaming dalawa ni Hannah at agad niya akong chinika.

"Have you seen Ms. Gella? I mean, I haven't seen her since yesterday. Buti I did know the you were absent , Sir." Sabi niya sa akin, siya kasi ang assistant ni Gella na humahandle sa schedules ko kapag wala si Gella.

"She texted me, she said that she won't be able to attend work for today." Nakita kong tumango ito at nanahimik na.

"Uhm, Sir, as for your schedule for today. At 9 a.m, you'll attend a meeting with Mr. Tsui. At 3, you'll have a meeting with the borad of directors for the current sales for this month and at 5 p.m, you'll be meeting Ms. Grammier." Sabi niya sa akin na ikinabuntong hininga ko. Long day of work nanaman! Tapo loads of paperworks, enebeyen! Haggardo versoza nanaman, ang pretty ko na pag-pasok e.

"Okay." Tanging nasagot ko at bumukas na ang pintuan ng elevator. Magkasunod kaming lumabas at tinahak na ang magkaibang landas namin.

Hay, long day of work!

•••

After the meeting with the board of directors ay nalosyang na agad ako. Agad akong pumunta sa office ko at humilata ng walang ka poise-poise sa aking swivel chair. Mariin akong pumikit at kinuha ang cellphone ko sa lamesa ko. I dialed Gella's number.

"Hello?" Medyo husky ang boses ni Gella, hala? Kakagising ulit?

"Hala girl, don't tell me, bagong gising ka ulit?" Antok naman na narinig ko umoo siya.

"Napaka-antukin mo talaga, girl." Sabi ko sa kaniya at sumandal ulit sa swivel chair.

"Don't pakielam me, why did you call ba?" Conyo na bigkas niya na ikinatawa ko, ang cute kasi!

"I was just going to check if you're ayos na." Panggaya ko sa tono niya, dahil kilala ko si Gella, feeling ko ay inirapan niya ako sa kabilang linya.

"Whatever!" Sabi nito at akmang papatayin na ang tawag nang pigilan ko siya.

"Eto naman! Napaka-mainitin ang ulo! Itatanong ko lang kung anong gusto mong meryenda? Bibili kasi ako then dadaan ako sa condo before yung last meeting ko." Sabi ko sa kaniya. Narinig kong napasinghap siya ng malakas.

"Yes! I want puto and bibingka." Nagulat ako sa request niya. Taena! Saan ako hahanap 'non? Pupunta pa ko Pilipinas ganern?!

"Beh, wala tayo sa pinas! Jusq day."

Hunter's Babymaker (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon