Chapter Two

4.5K 135 8
                                    

Chapter Two

Nagising ako dahil sa parang butete sa sobrang likot na nasa tabi ko. Tinignan ko ang paligid, OMG, umaga na pala?

"Ang sakit ng ulo ko baks!" Pag-iinarte ng loka-lokang katabi ko sa kama ngayon.

"Bruha ka kasi! Jinom ka ng jinom wit mo naman pala keri." Parang nanay na sambit ko sa kaniya.

"What happened ba? I don't remember anything from last night after nung sayaw natin."

"Ay ganern? Pagkatapos mong pasakitin ang puson ko kagabi, kalimutan na agad? Grabe ka!" Nagpakunwari pa akong nag pupunas ng luha para full force ang acting, panes!

"Sorry, okay? I just really don't remember anything. What did I do ba after that?" Takang tanong nito. While holding her head na masakit daw, she got up from bed at nag-inat. She looks so sexy with my shirt, ugh! Tapos ako kapag suot ko ang dugyot ko!

"Nilap-dance mo lang naman akong bruha ka." Inirapan ko siya at tumayo na rin sa pagkakahiga.

"Sus, ayon lang? What's new? Bakit para kang aping-api kanina ha?" Pagmamaldita nito. Muli ko siyang inirapan at hinarap.

"Tonta! Hindi lang iyon! Sinukahan mo kaya ako! Tangina, ang sakit na ng puso ko kagabi tapos pinalangoy mo pa ako sa maasim mong suka na may kanin-kanin pa! Ew! Ang gross talaga!" Muling bumalik ang alaala kagabi kaya muli nanaman akong nandiri. Ang baho kaya! Tapos ngayon tinatawanan lang ako ng bruha!

"Okay lang 'yan, ang tagal na nating nakatira sa isang bubong and take note, that's not the first time I did that to you. Sige na, I'll prepare some breakfast." Malanding kumindat ang bruha at naglakad papalabas ng kuwarto.

"Tseh!" Pahabol na sigaw ko sa kaniya bago pa siya makalabas ng kuwarto. Narinig ko naman ang tawa niya na nakakarindi sa aking beautiful ears.

Nako, pasalamat siya at hindi ako tulad niya na sumusuka kapag lasing. E, halos tuwing lasing siya ako ang ginagawa niyang paboritong bowl! Sa ganda kong 'to? Susmiyo marimar!

Inayos ko na ang kamang pinaghigaan namin at nagpunta ng banyo para maglinis ng katawan. Feeling ko kasi ay amoy suka parin ako nung babaeng iyon! Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi, kaya pala siya hindi umuwi last time, hindi na siya nakatakas sa Tatay niya. Hay nako, hindi naman kasalanan ni Gella na namatay ang kakambal niya, it was an accident, it will never be her fault.

Nandoon kasi ako 'nung namatay ang kakambal niya, bago lang ang friendship namin ni Gella 'non. She's still shy, mahinhin, tsaka sobrang bait. Hindi tulad ngayon na akala mo ay laging may regla at laging nagmamaldita sa akin.

While her kakambal, Glenda, kung si Gella mabait, shy at mahinhin, susko, si Glenda times two 'non! Kung hindi ko pa siguro kaibigan ang kakambal niya ay hindi niya ako kakausapin.

The three of us became closer not until mag-18th birthday ang kambal, that's when tragic happened. Me being older than them, niyaya ko sila sa pinakamalapit na bar, since 18 na naman sila and they are both in legal age na. While partying, may lumapit kina Gella and offered a drink, halata at obvious naman noon na si Gella ang tinatargeg ni boy. So the boy offered a drink, hesitant pa ang loka that time, iinumin na sana niya 'yung drink, kaso kinuha ni Glenda 'yung baso mula sa kaniya. We were both shocked kasi straight niyang ininom iyon.

After that, balik to party na kaming tatlo, pero the energy is not the same as before we enter the bar. Nakita namin, with our own eyes, we saw how Glenda's nose bleed, as in tuloy tuloy ang dugo na tumutulo. That's when we went out of the bar at agaran naming dinala si Gleanda sa pinakamalapit na ospital. Tumawag si Gella sa parents nila to let them know, si Glenda ay sinugod sa E.R, I was the one who assisted Glenda along with the nurses.

Hunter's Babymaker (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon