1st Chapter

4.9K 130 7
                                    

Chapter One

Hunter's POV

Nandito kami ngayon sa entrance ng isang bar malapit sa condo na tinutulyan ko rito sa Canada, I don't live with my pudra. Baka makita pa niya kaharutan ko, naker! Abugbog Hunter and peg 'non!

"Goodevening, Madame and Sir." Bati ng bouncer sa amin ni Gella. Pinakita naman namin ang I.D namin kaya pinapasok na rin kami agad. Wala ng hanash hanash, pasok agad!

Sinusundan ko lang si Gella sa paglalakad, we went staright sa barcounter. And she ordered drinks.

"4 shots of vodka, please." Maharot niyang sabi sa bartender. Napairap naman ako sa inasta niya. Hmp! Uunahan pa akong makaharot ngayon ha?

Umupo na kami sa tapat ng bar counter, nasa gilid ko naman siya. Nagiging wild na ang dancefloor dahil maghahatinggabi na rin.

"So bakit ka nagpapashot ngayon, bakla?" Tanong niya sa akin habang inaantay namin ang shot. Napapout naman ako at hinarap siya.

"E kasi naman! Si pudra, bet niya magkajunakis akez. Alam naman niya na 'yung matress ko, wit parin ready tapos biglang nagcrave siya na gusto niya magka-apo?!" Malakas na sabi ko, keri lang, wala namang nakakaintindi sa amin. Puro mga banyaga ang nanditey, wit nila knows ang aking sinesay. O pak, rhyming dibey?

"O edi hanap ka babymaker?" Kalmado niyang sabi sa akin. Tinitigan ko naman siya ngayon.

"Here's your order Madame." Sabi ng maharot na bartender at kinindatan pa si Gella. Tss, mas pretty naman ako kay Gella!

"E ayon na nga problema, sinong magbebabymaker sa aketch? Dehins naman pwede na manghablit aketch ng kung sinong babae diyan sa daan tapos tirahin ko? Nako girl, wit!" Kinuha ko ang isang shot at diretsong ininom ito. Nafifeel ko ang init sa aking lalamunan, naker! Delikado ata ngayong gabi.

"Edi ako." Walang kwentang suhestyon ni Gella at tinungga ang shot.

"Boba ka ba girl? Diba napag-usapan na natin 'to?" Kala ko ba keri na sa kaniya iyon? Jeskelerd.

"Ayaw mo 'non? Hindi ka na mahihirapan na maghanap?" Tinignan niya ako at tumungga ulit ng isang shot. Kinuha ko naman ang isang shot at tinungga rin ito.

"E paano ka? Future mo? Paano kapag nalaman ng parents mo?" Hindi ako mapakali, ewan ko pero parang nag-iinit ang katawan ko. Tinignan ko ang bartender at sumenyas na dalawa pang shot.

"Okay lang 'yon, they wouldn't mind. Alam mo naman sila, they don't care about me." Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Unti unti ay may namuong luha mula sa mga mata niya. Sa isang taon naming magfriends, I know her situation na. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luha niya.

"Shh, may ginawa nanaman ba ang Daddy mo sa iyo?" Tinignan naman niya ako sa mata.

"He told me na wala akong kwentang anak. He told me na sana ako nalang ang nasa ilalim ng hukay and not my twin." Kaya naman pala nagmamaldita ang bruha kanina, kala ko may regla lang.

"Alam mo girl, huwag mo nalang pansinin ang pudra mo okay? How about your Mom? Did she do anything to you?" Najijinis din ako minsan sa parents ng bruha na 'to e. Wit may pake sa kaniya. Haler! Ang ganda ganda at talino ng junakis nila tapos gaganituhin lang?

"I answered Dad, she got mad and she slapped me. Kaya hindi ako naka-uwi sa condo kagabi. They locked me inside my room." Nashookt akez sa nangyari, kaya pala hindi siya umuwi kagabi, akala ko humarot lang siya.

"Shh, huwag ka na muna umuwi sa inyo, okay? Atsaka sabi ko naman sa'yo na huwag ka na muna umuwi, umuwi ka parin." Tinanggal ko ang mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

"E kasi, may naiwan ako sa bahay, I didn't know na nandon na pala si Dad. Then ayon, niratrat na nila ako ng masasakit na salita." Dumating naman na ulit ang order pa namin. Dire-diretso naming tinungga iyon at umorder pa.

Mas lumalim na ang gabi, medyo may amats na ako, lalo na si ate girl! Nako naloloka nanaman, kanina lang ay naiyak tapos ngyon parang asong tanga na kanina pa nangiti.

"Tara shayaw nalang tayo bakla!" Pag-anyaya niya sa akin. Hindi naman ako pumalag at nagpadala ako sa kaniya. Pumunta kami sa dancefloor at sumayaw.

Gigiling giling kami kaliwa't kanan. Si Gella naman ay parang timang kung sumayaw, isinakbit niya sa batok ko ang dalawang kamay niya at lumapit na ang tukso sa akin.

"Nako girl, layo ka slight pwede? Baka may manuklaw." Bulong ko sa tenga niya, humagikhik naman siya at mas idinikit pa ang katawan sa akin.

"E ano naman?" Tangang sagot ni Gella, nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong. "Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko in a deep voice, yuck! Sakit sa ears.

"Hindi, papatuklaw pa ako." That made my yummy body heat. Tangenang 'to! Wala atang balak matulog ngayong gabi.

Nakikita kong tinitignan na rin kami ng mga tao, sinong hindi mapapatingin? Ang dyosa kaya naming dalawa tapos ang lapit pa namin sa isa't isa, kaunti nalang ay maghahalikan na.

"Alam mo ba na ang pogi mo?" Namula naman ang tenga ko ron at iniwas ang aking tingin.

"Nakailang sabi ka na niya, girl." At kahit paulit-ulit na ay iba parin atake sa akin. Humagikhik naman siya at gumiling.

Patuloy lang kami sa pagsayaw hanggang sa napagod. Muli kaming umupo sa may bar counter at nagorder ng shot.

"Ang pogi mo talaga! Pakish ako." Kinurot niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang beautiful eyes ko sa ginawa niya. Walang warning! Gaga talaga 'to!

"Ene be! Wala namang warning! Binibugla mo ako ih!" Pabebe kong sabi at tinanggal ang kaniyang kamay na nakapalibot sa aking leeg. Tumawa naman ito at biglang iniba ang kaniyang mukha na from aliw to seducing. Juskelerd!

"Huwag mo akong tignan ng ganiyan, bruha ka!" Medyo kabado kong saad kahit sa loob ko'y nag-iinit na ako. "What do you mean?" Painosente pa ang loka-loka sabay kagat ng kaniyang labi. Huhu, natetempt ako!

"Iyan! Huwag kang ganiyan! Nakakasakit ka ha!" Umatras ako ng kaunti at siya naman ay muling lumapit. Mas lumakas na ang tugtog sa loob ng bar na nakapag pawild pa lalo sa mga tao rito.

"Nakakasakit? I didn't do anything, honey." Sabi niya sabay sayaw. Sinasabay niya ang kaniyang mga bewang sa beat ng bwiset na tugtog na 'Careless Whisper'. Wala atang mapatugtog ang DJ!

"Nakakasakit ng puson! Konti nalang papatulan na kita, grr." Kunwari ay gigil kong sabi kaya't napatawa si Gella sa akin. Naglakad na ako pabalik sa may barcounter na pinuntahan namin kanina at umupo. Si Gella naman ay mabagal akong sinundan. Tinignan ko siya at kita ko ang mapang-akit niyang mga titig. Dahan-dahan ay lumapit siya sa akin at kumandong sa aking hita.

"Ay pwet mo malaki!" Gulat kong sigaw na kaniyang ikinatuwa. Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata. Grabe, kinakabahan si hearty ko! Anong gagawin ko? Sunggaban ko na ba?

"Malaki naman talaga." Sabay kindat sa akin at sakbit ng kaniyang kamay sa aking balikat kaya ako'y napahawak sa kaniyang bewang. Delikado 'ton maharot na 'to, baka mahulog, umiyak pa. Nilapit ko ang labi ko sa kaniyang tenga at bumulong.

"I know, ako nagpalaki niyan e." Pagmamalaki ko sa kaniya. Lumayo ako ng kaunti at tinigna ang kaniyang mukha. Kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi, ay lasing na?

"Ang bastos mo!" Akmang tatayo na si bruha pero hinapit ko ang kaniyang bewang kaya'g hindi siya nakapalag.

"Ikaw nagsimula tapos ikaw pikon? Aba magaling." Seryoso kong sabi sa kaniya at mas nilapit pa ang katawan niya sa katawan ko.

"Bakla tatayo na ako, nasusuka na ako." Paglulusot pa niya. 'Sus! Bulok na 'yan.

"Eme ka bakla, 'di ka naman palasuka e, loka-loka ka talaga." Hindi ko pagsakay sa kaniyang trip.

"Bakla, totoo." Seryoso niyang sambit. "Weh?" Hindi parin naniniwalang sabi ko sa kaniya.

"Oo nga— uack."

Puta, sumuka nga!

Hunter's Babymaker (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon