Hunter's Babymaker

8.4K 144 6
                                    

Prologue:

"Hi Daddeh! Bakit mo akes pinapatawag?" Bungad na tanong ko kay father dear.

"Will you please lessen the usage of gay linggo when you are talking to me son?" Ene be nemen yen! Ang arti ha?

"Dami hanash pudra ha? Why do you need me ba?" Syempre may galang yan! Kailangan good girl!

"Anyway, I just want to ask if how old I am?" Umupo ako sa harapan niya dahil ngayon ay nakaupo siya sa chair niya here sa office.

"Ano ba yern pudra! Kala ko pang Miss Q and A ang tanong. You're 72 na po." Mahinhin kong sambit.

"If I'm already 72, when will I have a grandchild then?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dad. Ang bilis naman! Hindi pa handa ang matres ko! Huhu.

"E Dad, hinahanda ko na po ang matres ko, wait ka lang po ng another 72 years hehe." Tinaasan naman ako ng kilay ni pudra.

"Huwag mo akong maloko-loko Hunter Eros." Seryosong sabi ni Daddy, Yuck! Ang paminta ng name ko!

"E Dad, alam mo namang may boyfriend ako ngayon, tsaka paano ako magkaka-anak e iimagine ko palang na nakikipagchukchak ako sa isang babae, nasusuka na ako!" Medyo OA na sabi ko pero totoo naman!

"Edi hiwalayan mo ang boyfriend mong pera lang naman ang habol sa iyo. Basta, I want a grandchild." Pangungulit pa ni Dad.

"Grabe naman Dad, ang sheket 'non! E Dad, hindi naman po ganoon kadali ang magka-anak! Kayo nga ni Mom hirap maghanap ng position para mabuo ako e." Nakita ko namang nabibeastmode na si Dad kaya nagseryoso na ako.

"Seryosohin mo ako Hunter, sinasabi ko sa iyo, walang apo, walang kompanya." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Harujusko huwag naman ganon!

"Charot lang! Pero Dad, give me 3 months, titignan ko ang makekeri ko." Pagkatapos ko sa guadance, charot! Pagkatapos namin mag-usap ni Dad ay pinashoo-shoo away na niya ako kaya rumampa na akez papalabas ng office niya. Literal na rampa ang ginawa ko huh? Keri lang naman, knows ng lahat na isa akong magandang sirena, at wala namang tumututol doon, maging si Dad. Supportado naman si Dad sa pagiging baby mermaid ko not until nagcrave siya na magkaroon ng apo! Ugh! Strezz!

Aketch ang CEO ngayern ng kompanya pero si Dad parin ang pinakapinuno, naks! Pumasok na ako sa loob ng office ko at naupo na sa aking swivel chair. Hay! Kapagod ang araw na itey! Kinuha ko ang mirror ko at hinila ang drawer ko para bumukas ito, kinuha ko ang lip ang cheek tint ko at pinahid ko ito sa aking mukha. Tuldok-tuldok lang ang nilagay ko sa pisngi at binlend ito agad, majirap na, baka magbuo-buo. Tamang pula lang ang nilagay ko, 'yung blushing-blushing lang, ganern! Nilagyan ko rin ang labi ko at ngipin, charot! Eme naman kase, nakalat pati sa teeth! Pero keri lang sweet naman.

Habang chinecheck ko ang aking fez ay may kumatok sa aking door. Binuksan rin naman nito ang pinto at iniluwa 'non ang secretary kong si Gella.

"Goodmorning sir, I would like to inform you about the meeting later at 3 p.m." Mataray nitong saad, hmp. Kala mo pretty!

"Okay." Maikling tugon ko, hay, hahaggard nanaman akez. "Bakit nakablush-on ka nanaman?" Ops, napansin ata ni ate girl ang blushing cheeks ko hihi.

"Ano ka ba girl, natural 'yan. You know, kapag pretty talaga kusang nagbablush ang cheeks." Malandi kong sabi. Inirapan naman ako ni Gella at akmang aalis na.

"Hoy, girl!" Pagtawag ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako at tinaasan ng kilay. "Ano?" Walang galang niyang sabi.

"Shot tayo laters." Kinindatan ko siya at nginitian. Napangiwi naman siya sa ginawa ko at tinalikuran na ulit ako.

Sumandal ako sa swivel chair ko at napatawa. Lagi nalang ganon si Gella. Parang laging may mens! Naging secretary ko siya simula nung lumipat kami dito sa Canada. Right after college, we left Philippines. It's hard though, since iniwan ko ang bestfriend kong bruha doon. And simula nung lumipat kami dito ay nakilala ko si Gella, she became my secretary at the same time, a friend. Buti nalang at pinay ang lokaret na 'yon.

I started doing my things para matapos na agad. Mahirap ang natatambakan, nakakawinkles! Kaya as much as possible I want my work to be chill and calm at hindi hassle and haggard.


Napasandal ako sa aking chair, gabi na nang tumingin ako sa bintana, ang bilis ng oras! Parang kanina lang fresh pa ako tapos ngayon, wit na! Natapos ko na lahat ng meetings ngayon at buti naman at naclose ko ang deal kanina! Narinig kong may kumatok mula sa pintuan. Bumukas rin agad ito at dumungay si Gella.

"Ano bakla? G ba?" Maangas na tanong niya sa akin. Mabuti nalang at tapos na ang office hours kung hindi kinalbo ko na 'to.

"G na!" Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Inayos ko ang mga gamit ko atnaglakad papalapit kay Gella.

"Tara na, girl." Pag anyaya ko sa kaniya. Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa.

"You'll go to the bar with that clothing?" Napangiwi siya ng tinignan ako. Anong masama sa suot ko? Nagpalit lang naman ako ng shorts at croptop, pinartneran ko lang ng rubber shoes. "O bakit? Hot naman ah?"

Hindi naman sa nagmamayabang pero sexy talaga ako. Soft ang aking features and wit mo masasight na lalaki ako kung hindi ako magsasalita. Pretty kaya ako!

"What ever! Halika na!" Niyaya na niya ako at naglakad na kami paparking lot.

This night is going to be fun!

Hunter's Babymaker (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon