Kabanata 36

2.7K 68 3
                                    

Kabanata 36

Galit

Elgene and I spent our New Year and vacation together. Kahit na nakararamdam ng pangamba, hindi ko mapigilang matuwa habang kasama siya noong oras na 'yon. Iyon lang din naman ang pagkakataon dahil sa susunod na taon ay graduating na 'ko habang graduating naman siya ngayon.

I know Elgene is recovering from the deeds that he did. Bumabawi pa rin naman siya sa 'kin kahit na ganoon. Ginagawa naman niya ang makakaya niya at naiintindihan ko kung hanggang saan 'yon.

There were times that we visit Elisha at the hospital where she is admitted. Hindi na siya nakapapasok sa school dahil ilang buwan na siyang naka-admit do'n. Tuwing binibisita siya ay hindi ko mapigilang mag-alala.

Elgene never mentioned anything about her sickness. Pinapaalalahanan lang niya ako tungkol sa kakulangan nito sa paghinga at minsan ay nahihilo o 'di kaya'y abnormal na tibok ng puso. Minsan ay naaabutan ko pang may oxygen mask sa bibig.

Tahimik ako nang binisita ang natutulog na si Elisha. Kahit na gano'n ay pansin ko pa rin kung gaano siya kapagod at kapayat. Kahit na gano'n ay hindi pa rin maikakaila na magkamukha silang dalawa. Mula sa mata hanggang sa kompleksyon ng balat ay magkahawig na magkahawig sila. Kapag pinagtabi ay mapagkakamalang kapatid talaga.

Nang dumilat siya ay naalarma ako. Mabilis akong lumapit sa kan'ya.

"Hi, Elisha. How are you feeling?" I greeted.

Maliit siyang ngumiti sa 'kin. "Okay lang po, ate Brella..."

Elisha tried to sit properly to accompany my presence. Inalalayan ko siya habang ginagawa 'yon.

Hinaplos ko ang kan'yang pisngi at sinuklay ang buhok. "Nahihirapan ka bang huminga?"

Elisha is fifteen. She's turning sixteen a few months from now. Limang taon ang tanda ni Elgene sa kan'ya.

"Minsan nahihirapan po pero dumadalas na siya." Bawat bigkas niya ng salita ay may kasamang tigil. Nag-aalala ako sa kan'yang paghinga dahil parang mapipigtas.

I settled with silence beside her.

Whenever I speak, I always remind her to speak whenever it's okay for her. Ayaw kong mapagod siya sa kasasalita kaya ako na lang ang nagkukwento. Binabawasan ko na nga ang pagtatanong pero okay lang daw sa kan'ya kung sagot nang sagot do'n.

"Ate... alam mo bang... patay na patay sa 'yo si Kuya?" Mahina siyang natawa sa sinabi. Nakisabay ako sa kan'yang tawa.

"Hindi rin," pagbibiro ko.

"Oo kaya, Ate!" She paused. "Kwento nang kwento si Kuya kasi pakakasalan ka raw niya 'pag o-okay na 'ko... sabi ko, ngayon na pero ayaw ni Kuya, baka h-hindi raw ako maasikaso..."

"Talk slowly, Elisha," pagpapaalala ko.

"Ayaw maniwala sa 'kin na okay lang kahit na gan'to a-ako..."

Tawa na lamang ang naisagot ko sa sinasabi ni Elisha.

I know that Elgene is doing his best to save his sister and Elisha is aware of that. I just hope that her condition could be fixed.

Nang dumating si Ai Li Cheng Donovan ay in-excuse ko ang sarili ko. Alice Donovan always finds ways to acknowledge my presence. A gratitude is enough to relieve the decaying virtues of life. Ang simpleng pasalamat niya sa 'kin ay okay na.

It's not that I do not want to be in the same room as her, but I want them to have their own time together. Minsan lang kasi nakabibisita ang nanay niya at kaonting oras lang din nakakasama si Elisha.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon