Chapter 2

36 1 0
                                    


(sorry for some grammatical errors and typos)

***

"James Rem William"

Kahit labag sa loob ko, kinamayan ko sya.

"Sharlene Shan Carter"

Biglang may pumalakpak kaya napatingin kami doon. Si mommy

"Perfect! Ngayon, aalis na kami. Maiwan na namin kayong dalawa" Sabi ni Mommy at saka na sila umalis.

Ngayon, naiwan ako sa lalaking hindi ko naman lubusang kilala.

"Okay now let's talk" Sabi ni James.

"Good. Let's have a rule." Sagot ko. Kung cold sya, mas cold ako. Di ako papakabog!

"Ako muna. No touching. Bawal lahat. Since, hindi pa naman talaga kita kilala at wala akong balak na kilalanin ka." Sabi ko na ikinangiti nya.

"Talaga? Mabuti nang nagkakaliwanagan" Sagot nya kaya napangiti ako. Yah buti alam mo.

Tumango ako at kumuha ng isang malinis na papel. Isinulat ko ang unang rule na sinabi ko.

"Pangalawa, walang pakielamanan sa mga ginagawa ng bawat isa" Isinulat ko ang sinabi nya.

"Magpapanggap lang tayo sa harap nila" Im reffering to Mommy, Daddy and sa mga magulang nya.

"Nice" nakasmirk na sabi nya.

Nice? Anong ka-nice-nice dun? Ah baka pro na sya sa pagpapanggap kaya easy nalang sakanya. I can act naman, I'm a performer. Easy lang sakin yan.

"And lastly, walang mai-inlove dahil may girlfriend ako" Napatingin ako sakanya nun.

May girlfriend naman pala sya eh. Bakit pumayag sya na magkaroon ng fiance?

"Good Evening, sir, ma'am"

Napatingin kaming dalawa sa gawing pinto. May tatlong nasa 40-50 ang taon na babae.

"Why are you here?!" Sigaw sakanila ni James.

"Ah, sir Rem, pinadala po kami ng Mommy nyo para may katulong daw po kayo sa bahay"

Pagkasabi nun nung isang babae, nagring ang phone ni James. Sinagot nya yon nang may kunot sa noo. Oh easy lang! Baka magkahumps yang noo mo

"Ma?! Bakit ba pati--"

...

"Tss! Fine!"

Ibinaba nya ang phone at saka tiningnan ng masama yung tatlo.

"Ano pang tinutunga-tunganga nyo dyan?! Pumunta na kayo sa kusina!" Medyo napadusog ako ng upo dahil sa sigaw nya. Kung makasigaw naman to, akala mo napakalayo ng kausap.

Yumuko ang tatlo at saka pumunta ng kusina. Demonyo ba tong lalaking to at pati mga matatanda, natatakot sakanya?

"Ate! Paluto narin ng dinner! Thank you!" Sigaw ko since nasa kusina na nga sila.

"F*ck! Pati katulong, pinadala" Inis na sabi ni James.

"OA ka. Gutom lang yan. Tss" Irap ko sakanya at saka na ako tumayo. Umakyat na ako ng hagdan papuntang kwarto. Sabi kasi nila mommy sa taas daw ang kwarto.

Pagtapak ko sa huling baitang, isang pinto lang ang nakita ko sa napakahabang hallway.

"SERIOUSLY?!" Napasigaw pa ako sa gulat.

It Might Be YouWhere stories live. Discover now