Chapter 10

32 0 0
                                    

Sharlene's PoV

Pagkapasok ko ng kwarto, biglang nagring ang phone ko. Mama ni James, tumatawag

"Hi tita!"

"Hi Sharlene! Pinapatanong ni Rem kung nasaan ka na daw?"

Ha? Bakit naman nya pinapatanong eh nandito na ko sa kwarto?

"Tita, nandito na ko sa bahay. Hehe. Kakarating lang po"

"Ay ganon ba? Tinapos ko pa kasi yung ginagawa ko bago ka tawagan. Oh sige nandyan ka na pala. Nag aalala kasi si Rem sayo eh"

"Nag aalala po?" At bakit naman sya mag aalala sakin? Epal sya sa buhay ko bakit sya mag aalala. Eww

"Oo! Haynako yang batang yan. Sobrang nag alala talaga sya. Yung tono ng boses nya, hmm...parang iiyak na kanina kasi wala ka pa daw sa bahay"

Nagkamustahan lang kami saglit ni tita bago ko ibaba ang tawag. Medyo nacocornyhan ako sa sinabi nyang 'sobrang nag aalala' si James sakin kasi naman. James? Huh! Baka gusto nya lang akong maasar kaya excited syang umuwi ako.

Magbibihis lang ako tsaka na tutulong kila manang Kyla magluto ng dinner. Nagugutom na ko!

---

Taga abot lang ako ng sangkap kanina sa niluluto nyang hapunan. Sabi ko sakanya kapag hindi ako pagod, papaturo akong magluto. Para hindi naman sila masyadong mapagod, diba?

Kinuha ko sa kamay ni manang Kyla yung hawak nyang baso. "Ako na po dito. Pakitawag nalang po sila James" tumango sya at saka na ako iniwan.

Ngayon ko lang nalaman na may mga kaibigan pala si Sir William a? Nakakahiya naman sakanya kung hindi ko papakainin mga kaibigan nya. Mukha wala man lang syang pakielam na may bisita sya eh. Workout workout pang nalalaman, sinong nagwoworkout ng hapon?!

Hmp

"Wow! Ikaw nagluto, Sharlene?" Masayang sinasabi yan ni Lex habang umuupo. Nginitian ko sya at saka umiling.

"Sila manang Kyla nagluto"

"Ayon sa wakas may pagkain na!!!" Bungad ni Jean pagpasok nya ng dining area. Dirediretso lang si James sa pagpasok habang umuupo sa dulo kung saan sya lagi nakapwesto.

Hinampas nya si Lex sa braso na nakaupo sa tabi nya kaya agad napatingin sakanya tong kaibigan nya. Anong trip nya?

"Aray naman! Bakit?"

"Lipat don" walang kaemoemosyon nyang utos sabay nguso sa kabilang side ng lamesa. Napatingin sakin si Lex kaya umupo ako agad sa tabi ni Jean. "Doon daw si Shar oh. Dito nalang ako!"

Nagsimula nang kumain si James kaya napatingin ako kay manang Kyla. Tinapik ko yung upuan sa tabi ko at itinuro yung tabi ni Lex. Ikinaway nya ang kamay nya at tinuro ang mga bisita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Might Be YouWhere stories live. Discover now