Chapter 9

10 0 0
                                    

Sharlene's PoV

"Saan ka pupunta?" Napaikot ako at saka nginitian si James. Ngiti ka lang Shar. Smile

"Magpapractice"

Umayos sya ng upo sa sofa at saka binuksan ang tv. Hindi man lang tumitingin eh sya nagtatanong! Shar, smile.

"Linggo, practice?"

"Angal ka?" Hindi na sya nagsalita kaya tinalikuran ko na sya. Hindi naman pala aangal eh. Hmp!

Nagdrive ako papunta sa school. Linggo ngayon pero kailangan talaga ng practice kasi next week na nga ang foundation namin. Kailangan naming maperfect yon dahil once a year lang naman ang foundation.

Naabutan ko silang nagpapractice ng choreo kaya nilapitan ko na kaagad si Kim.

"Akala ko nanghingi ka na ng tulong sa kakilala mo na choreographer?" Tanong ko kaagad kaya napalingon sya sa akin. Tumango tango sya at saka pinakita ang phone nya.

"Oo papunta na daw. Nalate ng gising eh"

Tinanguan ko nalang sya at saka na nakisali sa mga members na nagsasayaw. Kailangan na namin ng tulong kasi paiba iba kami ng choreo. Ang dami kasing suggestions kaya dapat may isang masusunod. Buti nalang talaga may kakilala si Kim na nahingan namin ng tulong.

*clap* *clap* *clap*

Napatigil kaming lahat dahil sa palakpak na yon. May isang lalaki na kakapasok lang ng pinto at pumapalakpak na lumalapit samin.

"Okay naman pala. Bakit mo pa ko tinawag?" Tanong nya kay Kim. Napaharap agad ang kaibigan ko sakanya kaya napalapit narin ako.

"Hindi kasi namin matapos ng maayos eh." Natatawang paliwanag ni Kim at saka napatingin sa akin. "Shar! Si Jean nga pala. Nakilala ko sya noon sa resort nyo" napatingin ako dito sa lalaki kasi ang laki ng ngiti nya sa kaibigan ko. Okay?

"Jean. Ikaw pala si Sharlene" nilahad nya ang kamay nya kaya nakipagkamay nalang din ako. Tinuro ko ang stage at saka sya nginitian. "Start na tayo?" Tanong ko na agad nyang tinanguan.

---

James' PoV

Nagtext na si Lex na nandon na sya sa labas ng bahay. Sabi ko pumasok nalang sya kayalang nahihiya daw. Akalain mo yon may hiya pa pala sya.

I opened the door at saka sya sinamaan ng tingin. "Ang tapang naman ng hiya mong mahiya" ngumiti lang sya tsaka dirediretso sa loob.

Umupo sya sa sofa kaya sinarado ko na agad ang pinto. "Miryenda" sabi ko agad sa katulong nang sumilip sya sa amin.

Hinayaan ko nalang syang manood ng tv. Umakyat ako sa kwarto at saka isa isang ibinaba ang mga gamit ko sa pagwoworkout.

"Magwoworkout ka?" Tanong nya nang maibaba ko yung huling equipment. Tinanguan ko lang sya kaya nilapitan nya ko.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. "Hoy akala ko ba magwoworkout ka?"

"Mamaya na"

"Gago tanghali na"

I just looked at him. Tinabihan nya ko sa sofa at nakinood.

It Might Be YouWhere stories live. Discover now