Chapter 1

138 2 0
                                    

Dedicated sayo ate Irel ^_^ Congratulations! Second book na nabasa ko yung Stuck In The Moment and hanggang ngayon sa book 3, binabasa ko parin sya :)) Ang ganda ganda kasi. And pati yung The Royalties, Starstruck and yung Im his Tutor :) More blessings to come and i love youuuu!! :** Hihihi. Sana talaga ma-meet kita <3

------------------------------------------------

Song: It Might Be You

" Looking back as lovers go walking past all of my life
Wondering how they met and what makes it last~"

Nagkatinginan kaming tatlo at saka nagtawanan. Sabay sabay kasi kaming napakanta.

"Shar, totoo ba talagang may Fiance ka na?" Tanong sa akin ni Kim.

Tumango ako at saka sumimangot.

"Kapag kinasal na ako, kayo ang mga abay a?" natawa silang dalawa at saka ako pinalo sa balikat

"Ang arte mo. Matagal pa naman diba?" Tumango nalang ako kahit na hindi ko talaga alam kung kailan ang araw na yun.

Sa totoo nga, napakabata ko pa para ikasal. 19 Years old palang ako pero naipagkasundo na ako nila Mommy at Daddy sa anak ng kaibigan nila.

Tradisyon na talaga yon mula palang sa mga ninuno namin. Hindi naman sa ayaw kong ikasal sa anak ng kaibigan nila. Ang gusto ko lang naman ay ang maikasal sa lalaking gusto ko.

Pero mukhang hindi na yon matutupad.

"Hmm. Kim, Heidi, kung sakaling itira kayo ng mga magulang nyo kasama ang fiance mo na nun mo lang nakita, papayag ba kayo? Sa iisang bahay lang"

Sabay nilang iginalaw ang mga ulo nila pero magkasalungat. Umiling si Kim samantalang si Heidi, tumango naman.

"No, kasi malay ko ba kung anong klaseng tao ang lalaking yun. Ade ako pa ang napahamak. Mahirap nang magtiwala sa ibang tao ngayon, Shar"

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Heidi na nagtaas pa ng kanang kamay.

"Syempre bibigyan ko din sya ng chance. Mabait naman siguro ang lalaking yun. Kung hindi, ade sana hindi ka ipinagkasundo ng mga magulang mo."

Tumango-tango ako. May point naman silang dalawa.

"OMG! Dont tell me---" Napatakip pa ng bibig si Heidi. Tapos si Kim ay inalog alog ako habang hawak ang magkabilang braso ko.

"Titira kayo sa iisang bahay ng lalaking sinasabing fiance mo daw?" Gulat na tanong nya.

"Uhh-mm. Oo? Pero hindi pa naman ako pumapayag. Ang sabi ko sakanila, ayoko" May point din naman ako diba? Bakit papatirahin ako nila Mommy at Daddy sa iisang bahay kasama ang fiance ko daw? Eh hindi pa naman kami kasal. at saka hindi ko kaya sya kilala

Napatayo bigla si Kim "Nako wag kang papayag talaga! Malay mo gang-rape---"

*Pok*

"Napaka-Nega mo talaga kahit kailan, Kim. Syempre kaya gagawin nila yun, para makilala nila ang isa't isa. Para hindi sila magkailangan. Shunga shunga ka naman eh"

Eh? Ganun ba yun? Napapikit nalang ako at saka sila nginitian pagkadilat ko. Puro stress!

"Tara nalang sa resort namin" Aya ko sakanila.

Pumayag naman sila dahil minsan lang naman daw ako manlibre. Kapag kasi pupunta kami dun, pinagbabayad ko sila. Abuso eh. Pati sa resort, libre parin?

It Might Be YouWhere stories live. Discover now