Chapter 8

15 0 0
                                    

James' PoV

Pinindot pindot ko ang remote. Walang magandang panoorin ngayon a? Nakakatamad! Dapat kahit saturday at sunday may pasok eh

Pinatay ko nalang yung tv. Ano bang pwedeng gawin?

Nakarinig ako ng yabag ng paa kaya nakuha non ang atensyon ko. Hindi ko sya tinitingnan pero alam kong yung bata yon. Maingay talaga syang maglakad. Kahit anong gawin nyan, maingay.

Maingay din sa cr habang nililigo. Soundproof yung cr pero naririnig ko parin yung pagkanta nya don lagi. Kaya inuunahan ko sya lagi eh.

Dumaan sya sa likod ko kaya napalingon ako ng konti sa gilid. "Saan ka pupunta?"

Napahinto sya pero hindi nya ko nilingon.

Come on, alam ko namang naiilang sya sakin eh.

"San ka pupunta"

"Nueva" Nueva Ecija nanaman? Ano bang meron don at araw araw nyang gustong pumunto don?

"Dito ka lang. Sabi ni tita, wag kang lalabas"

Napapadyak sya ng paa kaya napangiti ako. Parang bata talaga

"Kukunin ko nga mga damit ko! Wala namang pasok! Akala ko ba walang pakielamanan?!"

Hindi na yata nya napigilan. Araw araw nya kasing gustong pumunta don pero hindi ko sya pinapayagan.

May pasok kasi. Sabi nya ako nalang magdrive para hindi magalit mommy nya pero may klase din naman ako. Di ko naman yun ipagpalit para lang kumuha ng damit nya?

"Sabi ng mommy mo wag kang aalis" pag uulit ko kaya napaharap na sya sa akin. Ayan. Dapat ganyan makipag usap. Hindi yung nakikipagsagutan nang nakatalikod.

"BAHALA KA DYAN"

Tsk. Ingay

***

"Dyan. Liko dyan" turo nya sa kanto na madadaanan namin kaya iniliko ko ang kotse don.

"Kanan"

"Sige kasya yan!" Sabi nya nang lumiko kami sa isang makipot na daan.

Alam ko namang kasya kasi ako driver! Napakaingay naman!

"Dyan, likod ulit"

"Ikaw na kaya magdrive?"

"Sige. Baba" napailing nalang ako. Bakit ba nag aaksaya ako ng oras kausapin to eh wala naman tong matinong sagot?

Sayang laway

Ilang oras din kaming bumyahe kaya medyo napagod ako. Ngayon lang ako nagdrive ng ganon kahaba.

Nakaupo lang ako sa sofa ng habang hinihintay syang bumaba. Kukunin nya lang daw yung mga gamit nya sa kwarto sa taas.

"Magandang tangha-- Hello sino ka?" Napatitig ako sa lalaking kakapasok lang ng bahay. Dirediretso sya sa tapat ko at umupo rin.

Ito ba yung lalaki?

"Hello. Sino ka?" Tanong nya ulit pero tinatamad akong magsalita.

"Driver ka ba ni Sharlene? Nasan sya? Nasa taas?" Tumayo sya at nagsimulang maglakad lakad sa sala. Tumingin sya sa taas at tumigil sa tapat ng hagdan.

It Might Be YouWhere stories live. Discover now