Namangha ako sa set-up ng table, meron din iyong mga pagkain na favorite namin at yung for sure binake nila na cake dahil chocolate iyon.

Tiningnan ko si Ziash na nakayakap patalikod sa akin. "Happy Birthday baby." Sabi nito at hinalikan ang aking pisngi.

Kumalas naman ako sa yakap at napasinghap. Goodness ngayon palang araw na'to ang birthday ko. Hindi ko man lang maalala dahil sa sobrang busy ako.

"Dahil sa sobrang busy mo, nakalimutan mo na ang kaarawan mo." Sumimangot naman siya. "Babalik na ako sa trabaho at ikaw naman ang magpapahinga and that's final." I can sense the finality on her voice.

I want to protest but when I see the sadness in her eyes ay napatango na lang ako na siyang dahilan ng malawak na ngiti sa labi nito.

"Finally, you can rest now from all the stress!" Yakap nito sa akin. "I don't want my wife to get sick again." Paglalambing pa nito. "Thank you baby." Hinalikan naman ako nito ng mabilis sa labi.

"Yeheeey!!!" Sigaw din ng anak ko at tumakbo papunta sa amin at niyakap kami pareho. "Momma won't be sad na." Sabi pa nito na ipinagtaka ko kaya napatingin ako kay Ziash.

"Sad? What do you mean baby?" Tanong ko sa anak namin.

"Momma is always worried about you that's why I always away-away her to make her happy." Sumbong ng anak ko sa akin.

"Worried? Why?" Tanong ko ulit at tiningnan na si Ziash ngayon na napakamot sa batok at hindi makatingin sa akin habang may ibinulong bulong pa sa hangin.

"Because mommy, she doesn't want you to get sick and get hurt by bad people." Ang anak ko ulit ang sumagot.

Gusto kung maiyak dahil sa narinig. Hindi ko alam na sobra na pala ang pag-aalala sa akin ng asawa ko. Kaya pala minsan kahit hating gabi na ako umuuwi ay hinihintay niya parin ako.

Never niya akong tinulugan mag-isa dahil mas gusto niya na masigurado muna na nakauwi na ako.

"We'll talk later Ziash." Sabi ko dito.

Napa-pout naman siya at tumango. "Ikaw kasi eh, sinumbong mo ako." Away nito sa anak ko. Childish talaga 'to.

"Momma, I want mommy to know that you love her so much and you don't want her to get hurt by bad people." Sabi naman ng anak ko dito at inirapan pa talaga siya. Okay, mana talaga sa'kin ang pagkamaldita nito.

Itinaas ni Ziash ang dalawang kamay niya at bumuntong-hininga. "Oo na! You win but I love you too like how I love your mommy always remember that Soveiz." Sabi naman nito sa anak ko binigyan ng halik sa pisngi.

Humagikhik naman ang anak ko. "I know Momma because you never failed to show it to us. And you never failed saying I love you's to us everyday." And yes that's true.

Hayss.. ang sarap tingnan ng mag-ina ko ngayon. Si Soveiz na apat na taon pa lang pero kung magsalita ay parang matanda na. At si Ziash naman na napaka-childish at sobrang kulit.

"Bakit ang dumi niyo pareho?" Iniba ko na ang usapan dahil alam ko papunta na ang dalawa sa away.

"Because we cooked and baked all of our favorite foods for your birthday Mommy." Hyper na pagkasabi ng anak ko at niyakap pa ako. "Happy Birthday Mommy and I love you." Bati nito sa akin.

"Thank you!" Pasalamat ko dito at hinalikan ang pisngi nito.

Tumingin naman ako kay Ziash pero hindi ito makatingin sa akin. Ganyan siya kapag sinasabi ko sa kanya na mag-uusap kami mamaya. Ang cute niya tuloy tingnan.

Hinila ko na ang mag-ina ko papunta sa mesa para makakain na kami. At habang kumakain ay hindi na naman naiwasan ng dalawa ang mag-asaran.

Natatawa pa ako dahil kahit anong away ng dalawa si Ziash parati ang natatalo. Ayaw niya lang kasi masaktan ang anak ko kaya parati itong nagpapatalo. Pero minsan siya naman nag-uumpisa ng asaran.

Pagkatapos ng aming family bonding/birthday celebration narin ay gumayak na kami sa taas at dahil sa sobrang pagod ng anak namin ay nakatulog na ito agad.

Andito na kami ngayon sa kwarto namin mag-asawa at natatawa akong tumingin kay Ziash na parang batang hinihintay na masabihan.

"Ziash." Tawag ko sa pangalan niya. Nagulat pa ito at dahan-dahan nag-angat ng tingin sa akin.

"Yes, ba-by?" Nakangiwing wika nito. Nangigigil ako sa kacutan niya.

Hindi na ako nakapag-pigil pa at pinahiga na ito sa kama at siniil ng halik. Mabilis naman niya itong tinugunan kaya kaagad kaming nakain ng apoy ng pagnanasa.

"Thank you for coming into my life Ziash." Bulong ko sa asawa ko habang magkayakap kaming hubad.

Katatapos lang ng mind blowing birthday gift niya daw kuno sa akin. Eh ako nga nagsimula kanina eh.

"Thank you for coming into my life too Ivana, you and Soveiz are the best blessing and I couldn't ask for more. I'm contented!" Sincere nitong sabi at hinaplos-haplos ang buhok ko.

"I'm so grateful!" Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito.

"Me too." She said and smile.

God, thank you so much for giving me Ziash and Soveiz in my life. I'll be forever grateful and I couldn't ask for more.

I Anavi Soveigh L. Bordeux- O'Malley will love my wife Triziash Collette Z. O'Malley-Bordeux and Soveiz Colleviene Bordeux- O'Malley with all of my life.

I Was There (GxG) 💍Where stories live. Discover now