Chapter 9

6K 212 1
                                    

Hindi naman nakinig ang lalaki at susugurin ko na sana ito ng biglang halikan nito si Collette.

Bigla din kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan at parang may luhang gustong kumawala sa mga mata ko pero pinigilan ko ito.

"Uhmmpp.." Pilit na umiiwas si Collette sa halik ng lalaki at nang mabitawan ng lalaki ang kamay ni Collette ay agad siyang lumayo dito.

Pero ng makita niya ako ay para siyang nakakita ng kakampi at agad akung sinalubong ng yakap habang umiiyak.

At parang may kung ano sa loob ko ang kumulo dahil sa natungyahan.

"You pervert! Harrassment ang ginagawa mo!" Sigaw ko sa lalaki habang niyayakap din pabalik si Collette na ngayon ay nagsusumiksik na sa leeg ko at patuloy parin sa pag-iyak.

Imbes na sumagot ang lalaki ay tinawanan lang ako nito at hindi man lang natakot.

"Fiancè ko siya kaya pwede ko gawin ang lahat ng gusto ko gawin sa kanya." Sagot naman ng lalaki na ikinagulat ko.

Hindi ako makagalaw sa pwesto namin ngayon ni Collette dahil sa narinig.

Mas dumoble ata ang kirot ng puso ko dahil sa narinig.

"No! No! No!" Mas lalong yumakap ng mahigpit sa akin si Collette at parang sinasabi nito huwag ko siyang bibitawan. "Pinilit nila ako! Hindi ko siya mahal. Please save me." Pagmamakaawa nito.

Parang gusto kung pumatay ng tao dahil sa narinig ko at medyo narelief ng kunti dahil sa hindi naman pala niya mahal ang gagong lalaki na nasa harap namin na kung makangisi ay parang mangkukulam.

"Wala ka ng magagawa Collette, tita mo na ang nagdesisyon at wala ka ng magulang kaya sumunod ka lang dahil wala ka namang mapupuntahan." Ngumisi naman ang lalaki at akmang lalapit sana sa gawi namin pero agad kung hinila si Collette palayo dito at tinawag ang guard.

Nagpapasalamat naman ako dahil may lumapit agad na dalawang guard. Nagmamadali akong naglakad habang hawak-hawak parin si Collette sa kamay at ng makarating kami sasakyan ko ay narinig ko pang sigaw ng lalaking yun.

"Hindi ka makakatakas sa akin Collette!"

I Was There (GxG) 💍Where stories live. Discover now