[67] Christmas Eve

Start from the beginning
                                    

"You can't be sleepy. We'll talk until the sun rises, won't we?"

"Matulog ka na, baby love."

Pagkarinig niya sa huli kong sinabi ay napangiti na naman siya. Mas kumportable akong tawagin siyang baby love kesa sa ibang tao. Parang bumalik lang kami sa dating kami. It feels so great.

"Sing for me, baby love. Make me feel sleepy."

Aba, nagpakanta pa? Ano 'to? Lullaby song para sa isang baby? Ang laking baby naman niya. Speaking of baby...

Hmmm...

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Oh, why not try that?

I cleared my throat before started singing. I miss singing this song, very much...

"We so inlove, lalalalove

yeah, we so inlove, lalalalove

and I just can't get enough of your lalalalove

yeah, we so inlove, love, I want you to know."


I paused and breathied out. He smiled as he listened to my song...

"You are my baby love, my baby love

You make the sun come up oh boy

You're my every every everything that I could ever dream of..."

Naalala ko pa na kinanta ko ito sa kanya nung birthday niya. I never thought that I'll sing it again to him once again after so many hindrances that got in our journey.

... Today's December 24th, one of the best days in my 26 years of existence.

"You are my baby love, my baby love

You make the sun come up oh, boy

you're my every every every everything~"

He was all smiles as we stared at each other. Walang kumibo sa amin pagkatapos kong kumanta. Tila ba sinasamantala namin ang pagkakataong ito na magkasama kami. We still have forever, Kurt. That's for sure.

"Will you marry me once we get back to Manila?" he asked that made my heart flipped crazily.

Saglit akong natigilan. Hindi ko na pwedeng palagpasin pa ito. I love this man so bad that I can't imagine my life without him... again.

"I will, baby love. Definitely..."

Naputol ang katahimikan nang...

"Ano ba 'yung ingay na 'yun?" si Chloe, lumabas mula sa loob ng kwarto namin.

Kasunod si Dustin sa veranda nila Kurt. "May bukas pa. Magpatulog naman kayo."

Now tell me, will I be able to sleep after this? 

***


Buti naman ay nakatulog naman ako kagabi. Yun nga lang, past 4 na at 11AM na ako nagising kinabukasan. Puyat eh. Sa sobrang puyat ko nga ay daig ko pa ang may hangover nang magising ako. Wala na akong naabutan sa kwarto nung bumangon ako. Of course, Gail. 11AM na kaya. Malamang nagtatampisaw na sila sa dagat sa mga oras na ito.

For some epic reason, I've got a wonderful mood today. Sa sobrang good mood ko nga ay nilinis ko pa ang bedroom namin bago lumabas.

Pwede bang dito nalang kami sa isla forever? Pakiramdam ko kasi, walang sagabal dito.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Where stories live. Discover now