Chapter Nine

306 11 0
                                    

Dalawang buwan na rin sila ni Reus at masaya pa rin siya. Kahit busy sa trabaho, he always finds time to be with her and check on her. Katulad ngayon nanood sila ng sine at kumain sa labas.

"I don't understand why they don't adapt the story of the book as it is? I mean, why?" Naiinis niyang reklamo ky Reus. Kakapanood lang nila ng Death Cure, third sequel ng Maze Runner.

"I just don't get it why the story was twisted except for the fact that Newt and Teresa died. Nakaka-inis talaga. Nakaka-inis rin na pinatay ni James Dashner yung karakter ni Teresa." Patuloy pa niya.

"Masyado ka namang affected sa pinanood mo but I agree. Nabasa ko rin kasi yung book series like you. Ang daming binago. Iba talaga pagbinasa mo yung orihinal na storya. Mas maganda kesa sa pinapalabas, although the effects and animations are commendable." Sagot naman niya.

"Exactly! Hay naku.. kain na nga tayo at ng mawala stress ko."

"Sure Babe. Saan tayo?"

"Let's go sa Jessica's Kitchen. Di ka pa nakapunta doon diba? At para mapakilala na rin kita kay Jess." Napalitan ng excitement ang inis niya. She looks forward to let them know she finally found her "the one".

~~~

"Coffee! Good to see you here bes! At may dinala ka na ha. Siya na ba?" Tukso nito sa kanya.

"Jess! Meet my boyfriend Reus. Reus Babe, si Jessica, isa sa mga bestfriends ko." Pagpapakilala niya sa mga ito.

"It's a pleasure to finally meet Coffee's friends. Hello Jessica." At nakipagkamay ito sa kanyang kaibigan.

"Same here Reus. Finally, may nakabihag na rin sa dalaga namin." Tudyo pa nito at giniyahan na silang maupo.

"Order na kayo. It's on me dahil sa masaya ako para sa inyo; congratulations to both of you." Sinserong saad ng kaibigan niya.

"Actually, ito naman talaga pinunta namin dito. Ang maka-libre. Hahaha!"

"Loka! Ang yaman mo na nga nagpapalibre ka pa! But of course, eat whatever and it's all on me. Gosh Coffee! I'm so happy for you! Sayang wala dito ngayon sila Skye at Freya." Masayang malungkot nitong sabi sa kanya.

"It's fine. Next time get-together tayo. Foursome-awesome, right?"

"Indeed. Hopefully makabalik na agad si Albert galing Europe."

Naaninag niya ang kalungkutan ng kaibigan. LDR kasi ito at si Albert, dahil ang binata ay isang kapitan ng barko.

"Don't be sad Jess. Albert will be back soon." Pang-aalo niya sa kaibigan.

"I hope so too at miss ko na siya".

~~~

Sa mga sumunod na araw ay naging abala sina Coffee at Reus. Nagkakasunod-sunod ang mga projects at kinailangan ni Reus magpunta sa abroad for his business trips to meet with new investors and do his research for more technological advancements sa construction industry.

Ayos lang naman yun kay Coffee dahil at least tumatawag at nagvi-video chat sila ni Reus. She trust him at confident siya sa pagmamahal ni Reus sa kanya.

~~~

"Reus, anak. Narinig kong bumalik na si Elisse from Paris. And she's staying for good." Pagkwe-kwento ng mommy niya habang kumakain sila. He stiffened and memories suddenly flashed back as if it was only yesterday that he was hurt.

Ika-kasal na sana siya kay Elisse tatlong taon na ang nakakaraan pero hindi sumipot ang dalaga sa araw mismo ng kasal nila. Naaalala pa niya ang matinding kahihiyang dinulot nito sa kanya at sa pamilya niya. Naging usap-usapan siya sa telebisyon at magazine.

Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba pero masakit ang ginawa ni Elisse sa kanya. Bakit di nalang siya nito diniretso? Nagmukha siyang tanga. Pinaasa siya nito na siya na ang pipiliin at hindi ang pagmo-modelo.

He felt so betrayed and hurt na muntik na siyang madisgrasya. Buti na nga lang at nahimasmasan siya bago pa mabangga ang kotse niya sa truck na nakasalubong niya at hindi siya natupok nito. His reflexes served him right that night at nakapag-drift siya agad. Isang milagro rin sa langit na naligtas siya sa muntik na kapahamakan.

"I don't care about her 'My. She's all in the past and I don't even want her name mentioned." Mariing sagot niya sa ina.

"Okay, son. I just thought you have to know, who knows baka balikan ka nun at guluhin ka na naman. I'm telling you, I don't like her and never will like her."

"Hindi ko na siya babalikan 'My. I have already found the one for me. And this time she's definitely for keeps."

"Who's this lucky girl at hindi mo pa pinakikilala sa amin ng papa mo iho?"

"I've heard rumors about you and Engr. Sarmiento, is she the one you're talking about, son?" Tanong naman ng papa niya.

Mag-isa lang siyang anak kaya sa kanya nakatuon ang pansin ng mga ito. Maswerte siya sa mga magulang at pinalaki siyang responsable at mapagmahal, not the typical rich kid na spoiled at waldas ng waldas lang ng pera. He was anchored in principles courtesy of his parent's influence.

"Yes, Dad. It's her. You'll meet her soon, ayoko lang siyang biglain." Masigla niyang sagot ng mga ito.

"We look forward to meet her soon. Make it fast iho at ng magka-apo na kami." Natawa na lang siya sa turing ng mommy niya.

Her Unexpected LoveWhere stories live. Discover now