Chapter Seven

331 12 0
                                    

Pagdating niya sa apartment ay nakita niya si Reus na nasa labas ng gate at hinihintay siya.

"Hey, nandito ka na. Here." Sabay abot ng isang bouquet ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.

"I don't know what your favorite flowers are kaya dinamihan ko na" sabay kamot ng ulo.

His gesture was cute. Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. "Why are you here?"

"I already told you and I say again. I'm courting you starting today Coffee. Pwede bang pumasok muna tayo sa bahay mo at kanina pa'ko nandito sa labas." Reklamo nito sabay kamot ng ulo.

"Hindi kita sinabihang hintayin ako." At pumasok na sila sa bahay.

"Your place is good." Komento nito pagkapasok sa munting bahay niya.

"It's homey and chic bagay sa'yo. Hmm Ang hilig mo pala sa libro? At Marunong kang mag-gitara?" Tanong nito pagka-pansin sa gitarang nakasabit malapit sa hagdan.

"Thanks. Konti lang alam ko. Kumain ka na?" Alas siyete na rin kasi ng gabi at baka kanina pa ito naghintay sa kanya.

"Hindi pa nga eh. May makakain ba diyan?"

"Ba't kasi di nagtext o nagtawag man lang. Pa-hingi hingi ng number hindi naman ginagamit" mahinang parinig niya kay Reus at nagtungo na ng kusina para igawa ito ng ham & cheese sandwich. Yun lang alam niya madaling gawin.

Sumunod naman ito sa kanya sa kusina at naupo. Pinagmamasdan lang siya habang naghahanda ng kakainin nito.

"Napaka-swerte ko naman at pinagha-handa ako ng sandwhich ng isang napakagandang Kape.

"Ewan ko sa'yo." Sagot niya sa bola nito.

"Saan ka nagpunta?" Tanong nito habang kumakain na ng sandwich.

"Kina Skye. Matagal na rin kaming di nagkita-kita kaya pinuntahan ko muna at nagtatampo na. Sakto namang nandun si Jessica."

"Ba't di mo sinabi? Sinamahan sana kita dun. Alam mo bang pinsan ko si Gabriel? Kaya tayo nagkita sa kasal ni Freya ay dahil pinasama niya ako run. At alam ko rin na kapit bahay niya si Skye. Kaya pamilyar sakin yung kaibigan mo. Madalas kasing mabanggit ni Gab pagnagkaka-jamming kami."

"Really? Small world indeed. Kaya pala bagot ka nung kasal."

"Don't get me wrong Coffee, hindi naman sa ayaw ko sa kasal. May past experience lang ako na ayoko ng balikan at ang kasal ang isa sa mga nagpapa-alala sakin."

"I see. Anong past mo?" Tanong niya rito.

"Can we not talk about it now? Can we talk about us instead? Hmm.?" Malambing na sagot nito.

"Anong tayo? Walang tayo Reus. Wag kang baliw."

"Well, I am crazy for you so yes, I'm dreaming of you and me. You will fall for me eventually, and I mean it sweety."

His smile almost melt her heart away. Mabulaklak na dila gaya ni Ben saway naman niya agad sa sarili.

"It's getting late Reus. Umuwi ka na at may trabaho pa tayo bukas." Pagtataboy niya rito.

"Okay sweety, I will heed home now pero pwede bang kiss muna?" Hirit pa nito.

"Ewan ko sa'yo. Umalis ka na nga!" Natatawa pero kinikilig na sabi niya rito.

"Bye my sweetest Coffee." At nagflying kiss pa sa kanya.

Parang bata. Ang cute mo Reus, konti pa at baka mahulog na nga ako sa'yo.

~~~

Kinabukasan, sinundo siya ni Reus.
"Hi Babe! Let's go?" He said to her grinning.

"Ang aga mo ah. Good morning Mr. Del Verbo" asar niya rito.

"Naman! Reus nalang okay? Or better yet honey, or babe or sweetheart?" Pa cute na naman nitong saad.

"Hay naku. Magdrive ka na nga at mahuhuli na tayo."

It was indeed a good morning for her. Should she gave him a chance or rather should she risk her love for him? Is he worth it, Lord? Dasal niya habang nasa biyahe sila.

Pagdating nila sa opisina ay pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Napaka-gentleman nito or nagpa-pabilib lang? Iling niya.

"Coffee, sabay na tayong magdinner  later okay? Hintayin kita mamaya." Sabi nito sa kanya bago siya pumasok sa departamento niya.

Tumango na lang siya bilang sagot rito.

~~~

Dinala siya ni Reus sa Veranda Café kung saan nakikita nila ang sunset sa Manilay bay. The ambiance was even romantic at may live acoustic band na tumutogtog.

He was attentive to her the whole night. He's a good listener at may pabanat-banat pang nalalaman.

"May banat ako para sa'yo, gusto mong marinig?" He said smiling.

"Sige nga parinig."

"Sa'yo na SSS at PhilHealth ko, basta sa akin ang Pag-ibig mo." He said grinning.

"Ang korny mo. Benta na yan" pinigilan niyang matawa sa banat nito pero kilig na kilig na siya.

"Eto pa.. dilim ka ba? Sagot dali." Sabi nito

"Ha-ha! Obvious namang hindi, bakit?"

"Kasi nung dumating ka wala na akong ibang makita. Ayeee. Kinikilig ka na no? Hahaha" tawa ito ng tawa sa sariling mga banat.

"Ewan ko sa'yo Reus! Saan mo ba napulot yan? Di ko akalain ang isang tulad mo ay marunong bumanat." Natutuwang saad niya.

"Wait lang meron pa'ko.. kung maging superhero ako, hindi ako si Superman, hindi rin ako si Batman, o Spiderman...

"I'll be Your Man, Kailan Man!" At inabot ang mga kamay niya.

"Coffee, I really like you and I want you to be my girlfriend. Gusto mo rin ba ako? I promise I will make you happy everyday." Sinserong sabi nito habang pinipisil ang mga kamay niya.

Kinakabahan naman siya. Sasagutin na ba niya ito? Baka napaka-bilis naman. This the very first man who pursued her; it's scaring the hell out of her dahil hindi niya alam ang gagawin. Ahh bahala na.

"Okay." Matipid niyang sagot.

"What do you mean 'okay' Coffee? Sinasagot mo na ako?"

"Oo na nga." Nahihiya niyang tugon!

"Oh my! Thank you Coffee! Thank you for allowing me to be your boyfriend." At dinala ang mga kamay niya sa bibig nito para hagkan.

"Hindi ka magsisisi na pinili mo ako."

♡♡♡

Woooh! Sila na nga officially! One hot Coffee with Reus please! 😍



Her Unexpected LoveWhere stories live. Discover now