(30) MICHARAEL JOHN NIKKO'S POV

5.9K 88 18
                                    

Tway ulit sa pagread, vote and comment!

ChannieTaine

Scarlet_Crysanthei

PatCamz

iamiceprincess19: Okay sige! Watch for your cameo next updates.

Jhe_20

Updated kaagad 'no? Sayang ang wifi e. Sulitiiiin!!

---

Nasa exclusive room ako sa bar ng isa sa mga barkada ko.

Oo, may mga barkada ako. Hindi lang naman si Shaira Vheneese La Vierda ang tao sa mundo ko may iba pa namang mga supporting actors. Sila sina...

"O, Aga mo ata rito sa bar ko?" Jerol Kim, Ang Happy-go-lucky ng barkada. Tinanguan ko siya.

"Problema, pare?" Tanong naman ni Johann Alonzo, Ang pinakaintelehente sa barkada, Medical Doctor siya at Professor sa school ng mga Hartman--My wife's maiden name. Ang pinalitan ng apelyido ko.

Tumango ako ulit saka ko nilagok ang baso ko na may lamang tequilla. Sinalinan ko ulit ang baso ko. Tangina, naiiyak nanaman ako! Yumuko ako at hinilot ko ang sentido ko. Naaalala ko nanaman ang nangyari kanina.

"Yow! Late na ba ako sa Barkada meeting natin?" Malakas na sabi ni Treck Hill, Ang Playboy ng barkada.

"Shh. May ume-emo oh." Suway ni Liery Drew Kyser, Ang pinakarelihiyoso sa amin. Sa pagkakaalam ko Magpapari dapat siya pero tutol ang mga kabarkada ko kaya hayan, wala pa ring direksyon ang buhay.

"Sorry naman, Hindi ko alam. Anong nangyari ba? Problema saan?" Tanong ni Treck.

"Kanino pa ba namomroblema 'yan? Edi kay Shaira." Si Johann ang sumagot. Nilagok ko ulit ang alak. Parang maiiyak ako sa pagkakarinig ko pa lang ng pangalan niya.

"Tsk! 'Yan ang dahilan kaya ayaw ko'ng mag-asawa. Sakit sa ulo." Kanino ba pwedeng marinig ang gan'yang linya? Edi sa mga playboy.

"Takot ka lang masaktan, Tarantado." Jerol.

"Nagsalita ang isa pang Tarantado." Komento ni Johann.

"Itigil niyo na nga 'yang bangayan niyo. Hindi kayo ang ipinunta ko rito. Micharael, Ano bang problema?" Liery.

"She has a son."

"Ha?" Tanging nasabi nila. "Teka, paanong nangyari iyon?" Tanong ni Jerol. "May anak kayo?" Dagdag ni Treck.

"Anak niya, Hindi akin." Pagtatama ko. Humigpit ang hawak ko sa braso.

"Akala ko ba'ng hindi siya maaaring magka-anak?" Liery.

"I also thought."

"Baka may kinalaman si Jason?" Napatingin ang buong barkada sa nagsalita, Johann.

"Bakit Doc? May eksplanasyon ka ba sa kaso ni shaira?" Tanong ni Treck.

"Hindi ako sigurado pero baka may kinalaman si Jason sa pagkakaroon niya ng anak." Johann.

"Diba kapatid niya iyon? Ano 'yun, binuntis niya ang kapa---" Jerol.

"Tarantadong, Bobo! Bakit ang Tanga mo'ng Gago ka? Kapatid nga tapos bubuntisin? Mangmang!" Treck.

"Nagsalita ang matalinong kamag-anak ng mga uranggutan. Paano mo maeeksplika na may kinalaman si Jason?" Jerol.

"Pharmacist siya, 'di ba Johann?" Treck. Tumango si Johann. "O, gago!" Baling niya kay Jerol.

HATE THAT I LOVE YOUWhere stories live. Discover now