Tumango naman siya habang tumatawa parin. "Okay, Love" sagot niya. 




















Hindi nilulubayan ng kamay ni Chanyeol ang kamay ko habang naglalakad kami dito sa mall. Ang daming nakatingin sa amin at nakakaramdam na din ako ng pagka-ilang. 



"Chanyeol, ganito ba talaga? Lahat nakatingin sa atin?" bulong ko sakanya habang nagche-check siya ng mga stalls dito sa department store. Kasama namin ang dalawang managers at binibigyan nila kami ng mabilisang informations tungkol sa sales nitong mga nakaraang araw.



Napatingin siya sakin at ngumiti. "First time ko kasing pumunta dito with you. Of course, people would be curious." sagot niya.



Tumango ako at pinapanood nalang siya habang nakikipag-usap sa isang manager. Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Sobrang higpit ng hawak niya dito. 



Habang nililibot ko ang tingin ko, may nakita akong kids section ng mga damit. Agad ko namang naisip si Chan Hyun. 



Tinapik ko ang balikat ni Chanyeol. "Yeollie," bulong ko sakanya at tumango naman ang manager na kausap niya. "Punta lang ako diyan sa mga kids' wear. Bibilhan ko lang si Chan Hyun." 



Tumango naman si Chanyeol. "Need not to pay for it, Baek." sagot niya at hinalikan muna ako sa noo bago binitawan ang kamay ko. 



Ang awkward na super sweet si Chanyeol sakin in public. Para bang gusto niyang ipakita sa lahat na kami na... na asawa na niya ako. Sweet pero, nakakahiya kasi lalo na't ang daming nakatingin at nanonood samin.



Habang tumitingin ako ng mga Marvel shirts ay may tumapik sa balikat ko. Lumingon naman ako at nakita ang isang grupo ng mga teenage girls na nakatingin at nakangiti sakin. Lima sila at may hawak na camera. 

Cinde-BAEK-la 2: The Married LifeWhere stories live. Discover now