I gave him the sweetest smile I can give then nodded.

Pansin ko namang natigilan siya bago niya ako talikuran para balikan ang mga kausap niya. Weird talaga no’n.

Right at this moment, I promised myself to go back here with the person I truly love… the person I am going to marry someday.

Tumayo ako at kumuha ng ilang litrato. Nakakainis naman kasi si Phillip eh, pa-chicks pa. Wala akong ibang gagawin sa kaniya mamaya kundi ang inggitin siya. Hmp. Kinuhaan ko rin ng litrato ang windmills. Ang ganda talaga! Habang busy ako sa pagkuha ng litrato na selfie ay may lumapit sa aking bata, naka-long sleeves siya at short.

“Ate, girlfriend ka po ba ni Kuya Dada?”

Gusto ko siyang pagtawanan dahil sa sobrang funny ng joke niya. Umiling ako, “Nope. He’s not my boyfriend. Kakakilala pa nga lang namin eh.” Kumuha ulit ako ng litrato pero hindi pa rin ako iniwan ng batang ito.

“Eh kung matagal na kayo magkakilala magiging kayo?” napatingin ako sa batang ito at ready na sana akong pektusan siya pero naalala kong masama ang child abuse. “Pero Ate bagay kayo.”

“Hindi,” mabilis kong sagot. Oo, alam kong maganda ako at gwapo siya (err) pero isa siyang malaking imbyerna.

“Bakit naman po? Gwapo si Kuya Dada at maganda po kayo. Ayaw niyo po ba sa kaniya? Mabait po siya! Gustong-gusto po siya ng lahat ng tao rito kasi masipag siya at magaling makisama. Alam mo Ate, matalino rin siya, top 1 siya sa school nila tapos marami siyang alam na sports.”

Tumingin ako sa batang ito at napatingin din ako kay Dada na nakaupo at mukhang tulog na ata.

I patted this little boy’s head. “Bata, inutusan ka ba niya na purihin siya sa harap ko? Kasi sa totoo lang wala akong pake. Hindi ako interesado sa kaniya.”

Sumimangot ang bata at biglang tumakbo. Hala! Wala akong ginagawang masama diyan ah. Inosente ako, baka mamaya mag-sumbong ‘yan sa nanay niya na pinaiyak ko siya. Lumapit ako kay Dada na payapang nakaupo sa isang monobloc at nakapikit. Wala na rin ang mga trabahador na kausap niya kanina. Bwiset na ‘to, tinulugan pa ako. Tinuruan ako ng mga magulang ko ng good manners and right conduct pero kung siya ang kaharap, hindi ako sigurado kung applicable pa ba iyon.

Hindi ko naman dine-deny na gwapo nga siya, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, perfect jaw line, at ang labi niya… Oh stop it Gia. Not the lips.

Tinapik ko ang braso niya, ay shet may muscles. Uhm…

“Dada…”

“Hmm,” his voice became husky.

“Natutulog ka ba?” I asked what is obvious.

He shook his head. “Hindi. Nanunuod ako nang naka-pikit. Galing ko ba?” dumilat na siya. Sana tulog na lang siya ulit. Nakaka-bwiset.

“Oo galing mo, pagpatuloy mo ‘yan para umunlad ang Pilipinas.” I learned to be sarcastic because of Phillip, blame him.

Hinila niya ako sa tabing-dagat at pinaupo ako sa tabi niya. “Seryoso ako sa sinabi ko. Nanunuod ako habang naka-pikit.”

I glared at him. “Don’t start to play with me.”

Then he laughed. Seriously, I really don’t know what’s running on his head. Is he special or something?

“Totoo nga, miss. Alam mo kasi wala pa ata akong turista na dinala dito ang nag-seryoso sa sinabi kong iyon.”

“Bakit sa tingin mo ba kaseryo-seryoso kang tao?” Now, I’m being bratty.

And I just can’t believe with what he did to me. Gosh! Binatukan niya ako! Ako na si Gianina Ramirez future Chavez eh binatukan ng isang katulad niyang trabahador? Oh my gosh. Is that even legal?

“How dare you?!” I said in gritted teeth.

“Matagal ko na kasi gusto silang paniwalain na may kakaiba dito sa lugar na ito.” Geez, don’t tell me may nakikita siyang hindi ko nakikita? Wala naman sigurong mumu dito or what ‘no? “Pumikit ka lang at mapapanuod mo ang sinasabi ko.”

I gave him an accusing look. “You’re not a member of budol-budol gang naman ano? And you’re not trying to rape me, are you? Kasi oras na magkamali ka ipapapatay talaga kitang hayop ka.”

Tumawa nanaman siya. Sige tawa lang. Seryoso ako tapos tatawanan ako. Ugh! The nerve!

Pero dahil sa pangungulit niya ay ginawa ko rin ang sinabi niya. I closed my eyes. “Ngayon, huminga ka ng malalim. Tapos humiling ka.”

Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya. Basta inisip ko na lang kung ano ang hilig ko. Ano nga ba ang hiling ko? I almost have everything. Perfect family, bitch friends, intelligence, beauty, money and somehow fame, what more can I ask for?

Maybe love?

And while I am wishing for a lovelife, a sudden scenario came to the picture. I saw myself walking here with barefoot holding a guy’s hand. His face is blurry but I love his body features, abs, v-line, muscles… perfect! Sorry, puro kalandian kahit na sa wish.

I felt someone poke my arm. Dumilat ako at sinamaan siya ng tingin. “Ano ba?! Sabi mo pumikit ako, tapos ngayon iniistorbo mo ‘ko?”

He gave me an annoyed look. Aba, dapat nga mas naiinis ako ‘di ba? “Nasarapan ka naman pumikit. Ano na, may nakita ka?”

He’s a jerk and I don’t want to push his ego up. “Nah. Pauso ka lang masiyado. Wala naman akong nakita.” I stood up and turned away. I smirked. Sinigawan pa niya ako ng kung ano-ano, pero hindi ko siya inintindi, hindi rin naman ako nakakaintindi ng Ilocano eh. How cute, Dada.

Wait. ‘Di siya cute. Tss!

***

Follow! @iamDAsison (Dada), @iamgianinarmrz, @iamgavinchavez, @iamtanyandrd, @iamzoebeltran Thank you!

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now