"Wala ba tayong pupuntahan mamaya—"

"Nandito ka na pala, Mr. President!"

Namilog ang mga mata ko nang nakita ko kung sino ang nagsalita. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan.

Nagpatuloy pagbaba si Kuya Lester at nang nakarating siya sa base ng hagdan ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Hello, Amity!" bati niya sa akin at hinaplos ang aking buhok.

"I've missed you!" I said.

Kumalas siya sa yakap at tumingin sa direksyon ni President.

Kung kanina ay nakakatawa pa si President, ngunit ngayon ay puno na ng kaseryosohan ang kanyang mga mata. "What are you doing here, Lester?" he asked.

"I'm here for a vacation. You told me last time I could come here whenever I want, Aegeus." Nilingon ako ni Kuya Lester at inilapit ang bibig sa aking tenga. "I've missed you, too, gorgeous," he whispered.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina kasabay ni Kuya Lester. These cousins have a lot of similarities in their features, but President's was more mysterious. Siguro ay normal na 'yon sa mga Agrezor.

Umupo si Kuya Lester sa harapan namin. Deretso ang tingin niya sa kanyang pinsan.

"'Wag kang magagalit sa akin, Aegeus—"

"Don't tell me you brought a girl here?" he cut him off.

Mahinang tawa ang pinakawalan ni Kuya Lester. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. "Hanggang bukas na lang kami rito. Besides, hindi naman namin kayo aabalahin ni Amity." Makahulugan siyang tumingin sa akin.

My forehead creased.

"Lester!"

Awtomatiko kaming napatingala sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa babaeng ngayon ko lang nakita sa personal. She was fresh from the shower. Ang maikli niyang suot na shorts at spaghetti top ay mas nagpatingkad ng kanyang kaputian.

This woman's a famous actress!

"Oh, the president is here!" Ngumiti ang babae at dali-daling bumaba. Nang nakalapit siya sa amin ay yumakap siya kay President.

Hindi naman ito pinigil ng huli.

Matapos nilang magyakapan ay binalingan ako ng sikat na actress. "Who are you?"

Ngumiti ako. "Amity po, Ma'am Zuri."

She smiled back and offered her hand. Kinuha ko ito at nag-shake hands kami. Umupo siya sa tabi ni Kuya Lester. Pinanonood lang naman siya nito.

"Matapos mahalikan ng kapatid ko ay aangkinin mo?" tanong ni President sa pinsan.

Zuri laughed sexily and leaned on Kuya Lester's chest. "Our kisses are scripted, Aegeus." Nilingon niya ako. "We, girls, don't just kiss any guy we don't have feelings with."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. It was so cool of her that she was not offended about his remark.

"Right, Amity?"

Hindi agad ako nakasagot. Natawa si Zuri.

"Never been kissed before, eh?" she asked.

Pilit akong ngumiti.

Sa gilid ng aking paningin ay kita ko ang pagngisi ng katabi ko. "Stop it, Zuri. Nahihiya na si Amity."

"Okay, then." Tumigil nga ito at bigla na lang hinila si Kuya Lester palayo sa amin.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon