Part 21

2.3K 109 6
                                    


"EXCITED na ako para mamaya!" Humagikgik si Moana habang nakatunghay sa loob ng timba na may lamang clams, crabs, oysters at isda.

Noche Buena na mamayang gabi kaya nanghuli silang dalawa ni Kirst ng mga lamang-dagat na maaaring ihanda sa hapag nilang tabla. Handa na rin ang mga buko.

Napasinghap si Moana nang may maalala. "Ay, teka!" paalam niya kay Kirst na itinatabi ang mga ginamit nila sa panghuhuli ng mga lamang-dagat. Tinakbo niya ang shore at dinampot ang starfish na iniwan roon kanina. Pagbalik niya sa tabi ng shelter ay nag-drawing siya ng Christmas tree sa buhangin at inilagay sa tuktok niyon ang starfish. "Hayan, may Christmas tree na tayo."

Ngumisi si Kirst. "Naisip mo pa talaga 'yan, ha."

"Puwede rin natin siyang gawing parol. Ilagay lang natin siya sa gitna at drawing-an ng bilog sa paligid at saka dalawang tail sa ibaba." Tumayo si Moana at pinagmasdan ang ginawang "Christmas tree." Nakakatawa na kung kailan siya na-stranded sa isang isla ay niyon pa niya naranasan ang maging ganoon ka-excited sa pagdating ng Pasko. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay may kasama siyang isang lalaki na magce-celebrate ng Christmas. Isang lalaking espesyal sa kanyang puso.

Espesyal sa puso? Ano bang pinagsasabi ko? Crush lang naman iyon. O, sige. Matinding crush na. Dahil simula nang bumait na sa kanya si Kirst ay nadagdagan ang paghanga niya sa binata. Napuna ni Moana na hindi na sa ginawa niyang "Christmas tree" nakatingin ang lalaki kundi sa kanya na. Na-concious tuloy siya.

"Masaya ka talaga?" tanong ni Kirst na may tenderness sa mga mata habang nakatitig sa kanya.

"Oo naman."

"Kahit hindi mo kasama ang pamilya mo at ako ang kasama mo sa isang islang walang masarap na pagkain at comfort?"

Ano ka ba? Kaya nga ako masaya kasi kasama kita. "Oo," enthusiastic na tugon ni Moana. "Dahil kakaiba ang Paskong ito para sa ating dalawa. Once in a lifetime experience ito. Ang mag-celebrate ng Pasko sa isang deserted island na buhay pa, humihinga, nakakakain at walang injury. Masuwerte pa rin tayo. Kahit may pinagdaraanan ka sa usaping puso at nasa isang sitwasyon tayo na walang kasiguraduhan kung kailan tayo makakaalis sa islang ito, pilitin nating maging masaya dahil buhay tayo ngayong Pasko. After all, Christmas is not about us. It's about Jesus Christ. Hindi man tayo completely happy sa kalagayan natin ngayon, maging masaya pa rin tayo para kay Jesus Christ dahil araw ng kapanganakan niya bukas. Kumbaga, parang a-attend lang tayo ng birthday party. Hindi tayo ang may birthday pero makiki-celebrate tayo sa kasiyahan niya. Parang ganoon lang 'yon."

"That makes a lot of sense." Ngumiti si Kirst. "Let's be happy then."

Natutop ni Moana ang bibig nang may maalala sa mga binanggit.

"Why?" nagtatakang tanong ni Kirst.

"N-Nabanggit ko kasi ang tungkol sa... sa problema mo sa puso. 'Wag ka sanang magalit."

Umiling si Kirst. "Bakit ako magagalit? Totoo naman 'yon."

Pinili na lamang ni Moana ang manahimik dahil alam niyang sensitibong topic iyon para kay Kirst.

"Let's take a walk at the beach?" pagyaya ng binata.

Walk together at the beach? gagad ni Moana sa isip. Isn't that romantic?

Habang naglalakad sila sa beach ay nagkakuwentuhan sila tungkol sa usaping puso. Nagkuwento si Moana tungkol sa mga naging karanasan sa mga manliligaw na hindi niya nagustuhan at muntik na niyang masapak sa inis niya at sa mga almost lover niya noong bata-bata pa siya. Halatang naaliw si Kirst sa mga kuwento niya. Nagkuwento rin ito tungkol sa mga naging dating nobya simula noong high school ito. Hanggang sa kusa na itong nag-open up tungkol kay Tasha.

All I Want For Christmas Is You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon