Part 7

2.1K 96 12
                                    


NATATAKOT man ay pilit nilakasan ni Moana ang loob habang naglalakad sa kakahuyan. Masukal ang makipot na lupang nilalakaran nila ni Kirst dahil natatakpan ng makapal na damo ang halos buong gubat. Maraming puno at mga halaman sa paligid kaya kahit maliwanag pa rin naman ay tila limitado ang liwanag na nakakapasok sa parteng iyon ng kakahuyan.

Alerto ang mga mata ni Moana sa paligid. Baka kasi bigla na lang may lumabas na halimaw at atakihin silang dalawa ni Kirst. Binabantayan niya kung may gagalaw sa mga halamanan. May pakiramdam siyang may nagmamasid sa kanila mula sa kung saan. Hindi naman por que hindi pa lumulubog ang araw ay hindi na puwedeng may magparamdam na mga maligno.

Biglang tumigil si Kirst sa paglalakad kaya napatigil din si Moana. Nang balingan niya ang lalaki ay nasalubong niya ang tingin nito. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay nito. Saka lang niya na-realize na nakakapit pala siya nang mahigpit sa braso ng lalaki at nakadikit ang pisngi niya sa sleeve ng coat nito. In fairness, ang bango nito.

"You are gripping my arm like you're squeezing it." Binawi ni Kirst ang braso. "Ba't ka ba nakadikit sa 'kin?"

"Natatakot ako, eh!"

"Kung natatakot ka pala, ba't ka pa sumunod?"

"Baka kasi mapahamak ka. Kaya sinamahan kita."

He did not look moved. "Kung mapapahamak ako, may magagawa ka ba?"

Natameme si Moana kaya hindi na nakasagot. Ano nga bang magagawa niya? Baka magtititili lang siya kapag biglang may lumitaw na multo sa harapan nila.

Tumuloy na sa paglalakad si Kirst habang nakatingala sa cellphone na hinahanapan pa rin ng signal.

Ang suplado... porket ang bango, himutok ni Moana sa isip. Nang ma-realize na lumalaki na ang distansiya nila ni Kirst ay napatakbo siya palapit sa binata ngunit iniwasan na ang kumapit dito kahit natatakot siya sa eerie feel ng paligid. Panay ang lingon niya at masid sa paligid. Kay lakas ng kaba sa kanyang dibdib.

Tinapunan ni Moana ng tingin ang wrist watch niya. Mag-aalas-sais na ng gabi. Hinila niya ang sleeve ng coat ni Kirst. "Kirst, bumalik na tayo sa shore. Bago pa man magdilim. Papagabi na, eh. Hindi na natin makikita ang daan dahil magdidilim na. Baka hindi na tayo makalabas dito."

"May flashlight ang phone ko," tila tinatamad na magsalitang sagot ni Kirst.

Hindi na nakahirit pa si Moana at sumunod na lang sa lalaki. Habang naglalakad sila ay hindi niya maialis ang ngiwi sa mukha. Kinakabahan talaga siya. Gayunpaman ay pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi naman siya nag-iisa. Kasama niya si Kirst.

Kasama niya si Kirst. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Moana ang mga salitang iyon. Silang dalawa lamang sa islang iyon. Who would have thought that she would be stranded in an island with the man of her dreams? Sa ilampung milyong tao sa mundo, ilan kaya ang nagkaroon ng pagkakataong ma-stranded sa isang isla kasama ang lalaking pinapangarap nila? Isa iyong pambihirang pagkakataon na may almost zero chance na mangyari.

But there she was... marooned in an island with the man she thought would remain only in her dreams. How lucky could she get? Hindi inaasahan ni Moana ang kilig na biglang kumiliti sa puso niya sa isiping iyon sa kabila ng sitwasyon. Nakalimutan tuloy niya ang mga multo at malignong sa mga oras na iyon ay maaaring naghahanda nang sumalakay sa kanila ni Kirst sa pagkagat ng dilim.

Natigil lang sa pagnamnam si Moana ng katotohanang kasama niya nang mga oras na iyon ang lalaking pangarap niya nang masilayan niya ang isang maliit na batis na may munting falls. Sinong mag-aakala na mayroong batis sa islang iyon? Mukhang malinis ang tubig at tila kay sarap maligo roon. Pero hindi. Hinding-hindi niya ilulusong ang mga paa niya sa batis na iyon. Pakiramdam niya, kapag may lumusong doon ay hindi na nakakaahon pa.

Isinawsaw ni Kirst ang kamay sa batis. On instinct ay hinila ni Moana ang kamay ng binata mula sa tubig.

"'Wag! Baka kainin ka ng batis na 'yan!"

Kung makatingin si Kirst kay Moana ay parang iniisip nitong isa siyang psycho.

"Mahirap na. Mabuti na ang nag-iingat."

"You're weird." Muling itinaas ni Kirst ang cellphone ngunit walang senyales na nakakuha na ito ng signal. Nagpakawala ng marahas na bumuntonghininga ang lalaki. Halatang frustrated. "Bakit walang signal sa lugar na ito? What part of Surigao is this?"

Nagkibit-balikat si Moana. "Ewan ko. Ang alam ko lang, hindi daw talaga daanan ng bangka o barko ang lugar na ito dahil kinatatakutan ang bahaging ito ng dagat. Liblib na parte ito ng dagat. Kaya siguro hindi inaabot ng signal." Gusto sana niyang i-suggest na baka kinokontra ng mga maligno sa islang iyon ang mobile phone signal dahil ayaw nitong umalis ang mga taong napapadpad doon kaya lang ay baka marinig siya ng mga maligno roon at biglang magpakita sa kanila.

"Dumidilim na talaga," patuloy ni Moana. "Bumalik na tayo sa shore. Bukas na lang tayong umaga maghanap ng signal."

Hindi kumibo si Kirst na halata ang frustration sa mukha. Gayunpaman ay mukhang pabalik na ang daang tinahak nito. Hindi niya alam kung paano nito natandaan ang daan pabalik sa shore. Basta nakasunod lang siya rito habang panay ang lingon upang i-tsek kung walang sumusunod sa likuran niya.

Walang anu-ano ay biglang may lumipad na halos sumayad sa ulo ni Moana. Napatili siya at napayakap sa likod ni Kirst dala ng matinding takot. Isinubsob niya ang mukha sa coat ng lalaki habang ngumangawa. "May manananggal!"

"What was that?" naulinigan ni Moana na tanong ni Kirst. "A bat?" Nagbuga ng hangin ang modelo. "It's just a bat."

Natigil sa pagngawa si Moana. Paniki lang pala. Dahil nawala na ang takot ay naging aware na siya sa mga braso niyang nakapulupot kay Kirst. She was actually hugging him from behind!

Nakayakap siya kay Kirst Verna! As in nakayakap talaga siya sa sikat na modelo!

"Malaking paniki lang 'yon. Hindi manananggal."

"T-Talaga? Sure ka?" tanong ni Moana na hindi pa rin magawang bumitiw, hindi dahil sa takot. Kundi dahil ninanamnam niya ang napakasarap na pakiramdam nang yakap si Kirst.

Nagbuga ng hangin si Kirst na animo ay naiinip. "Yes. I saw it with my own two eyes."

Kumawala na si Moana sa pagkakayakap kay Kirst dahil baka mahalata nitong nagustuhan niya ang ilang segundo rin niyang pagkakadikit sa binata at pagsamyo ng bango nito. Ipinagpatuloy ng lalaki ang paglalakad. Hindi pinigilan ni Moana ang pagkawala ng ngiti sa mga labi niya. 

All I Want For Christmas Is You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon