❤42

689 29 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Napatigil sa pagmamaneho si Jungkook nang maubusan ng gasolina ang motor nya.

"Shit! Tangina naman!" Iritadong sambit nya bago sya bumaba mula sa motor nya at hinila nalang ito para pumunta sa malapit na gasolinahan.

"Di ko na talaga sya maaabutan."

Naisipan nyang tawagan sila Jin pero bago pa man nya ito matawagan ay nag-ring na 'yung cellphone nya.

Sinagot nya ang tawag mula kay Jin.

["Nasaan kana ilong?"] Bungad ni Jin sa kanya.

"Naubusan ako ng gasolina, Jin. Tangina, nasaan na kayo?"

["Tumatakbo na ko dito sa airport! Hinahanap ko na si Love- ayun! Nahanap ko na sya!"]

Biglang napangiti si Jungkook nang sabihin iyon ni Jin. "Talaga? Pakausap nalang ako sa kanya Jin! *toot* *toot*"

Napakunot ang noo ni Jungkook nang biglang maputol ang tawag.

~~

"Bwisit! Dead bat na ko!" Halos magtantrums si Jin sa airport nang hindi na nya mabuhay ang cellphone nya.

"Oh Jin? Bakit ngayon ka lang nagpunta dito? Nasaan 'yung iba? Paalis na ko." Sabi sa kanya ni Love na may halong lungkot sa boses nito. Nakasuot pa ito ng shades para maitago ang namumugto nitong mga mata.

"Bakit kasi kay Yoongi mo pa sinabi na aalis kana? Ngayon lang tuloy namin nalaman! Hindi ka rin sumasagot at nagrereply sa tawag, text at chat ko!" Panenermon ni Jin.

"Pasensya na, sira na cellphone ko eh!"

"Wag kanang umalis Love, gusto kang kausapin ni Jungkook! Magpapaliwanag daw sya sayo! Kailangan nyong mag usap!" Pamimilit ni Jin pero umiling iling lang si Love.

"Nakapagdecide na ko Jin, gusto ko munang mabawasan 'yung pagkastress ko, sana pagbigyan nyo muna ako, kasi pagod na pagod na ko. Tsaka si Jungkook, sapat na 'yung pag uusap namin nung isang gabi, hindi na nya kailangang magpaliwanag, hindi na nya kailangang magsorry dahil tanggap ko na."

"Pero babalik ka pa naman di ba?"

"Oo naman, babalikan ko naman kayo. Pangako pagbalik ko, okay na ko. Ako na ulit 'yung Love na una nyong nakilala, 'yung masayahin, kasi namimiss ko na rin 'yung dating ako." Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Love.

"Teka lang Love, oo nga pala. Pinapabigay 'to ni Jungkook nung isang araw eh. Hindi namin naibigay sayo gawa nung multo sa bahay nyo." Sabay kuha ni Jin ng isang sobre ng sulat sa bag nya.

"Multo?"

"Nevermind. Heto, basahin mo." Sabay abot ni Jin ng sulat.

Bubuksan na sana ni Love ang sobre pero bigla syang tinawag ng mga magulang nya dahil aalis na sila.

"Doon ko nalang babasahin Jin, mag iingat kayo palagi ng mga kaibigan ko, alagaan mo sila ha? Mamimiss ko kayo!" Hindi na napigilan ni Love ang mapaiyak at yakapin si Jin.

"Ikaw ding gaga ka! Wag kang magbabago ah! Mamimiss kita! Mamimiss ka naming lahat! Tsaka 'yung pasalubong ko ah!" Napaiyak na rin si Jin habang yakap yakap nya ng mahigpit si Love.

Sa huling sandali, tanging pagkaway nalang ni Love ang huling nakita ni Jin sa kaibigan nya.

"Nasaan na ba sila?" Sambit ni Jin sa sarili nya bago nya siningahan ang panyo nyang kulay pink.

"Jin!"

Napalingon si Jin sa mga kaibigan nyang nagtatakbuhan papunta sa kanya.

"Ang babagal nyo, wala na si Love, nakaalis na!" Umiiyak pero iritadong sabi ni Jin.

Halos mapaluhod si Jungkook sa sahig nang marinig nya iyon.

Pero bigla syang tumayo para hanapin pa rin si Love. Tumakbo sya ng tumakbo kung saan saan at habol habol naman sya nila Jin.

"Baka sakaling nagbago ang isip ni Love, babalik 'yun!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Jungkook kaya halos mapaiyak na rin ang lahat.

"Babalikan ako ni Love, alam kong mahal nya pa rin ako! Hindi nya ko matitiis na iwan!" Sambit pa ni Jungkook.

"Jungkook tama na." Sabi sa kanya ni Jin.

"Hindi. Hindi nya ko iiwan." Pagmamatigas pa ni Jungkook. Napaiyak na lamang sya nang makita nyang papalipad na 'yung eroplano hanggang sa tuluyan na itong umalis.

Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu