❤41

725 32 11
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Kumain kana ilong."

Sabi sa akin ni Jin habang dala dala nya ang tray ng pagkain at ipinatong ito sa side table.

"Medyo okay na ko, salamat sa inyo ha? Nasaktan ko 'yung kaibigan nyo pero tinutulungan nyo pa rin ako." Sabi ko sa kanila.

"Pag gumaling kana talaga, pwede kana naming sakalin!" Akmang sasakalin ako ni Hoseok pero nahigit sya kaagad ni Namjoon.

"Kapag okay kana, magsorry kana kay Love at sabihin mo na kanya ang totoo. Hindi kasi sya nagrereply sa mga chat namin eh, nung nagpunta naman kami sa kanila, sarado lahat ng pinto." Paliwanag ni Namjoon.

"Tss! Sarado lahat ng pinto? Ang sabihin nyo, natakot kayo kaagad dun sa narinig nating umiiyak sa gilid ng bahay nila kaya nagtakbuhan kaagad kayo." Giit ni Jimin.

"Kapal mo Jimin ha? Eh nanguna ka rin naman sa pagtakbo!" Giit ni Jin.

"Baka naman si Love lang 'yung umiiyak?" Tanong ko.

"Alam namin kapag si Love 'yung umiiyak at sigurado kaming hindi si Love 'yun, multo 'yon, sigurado ako!" Sagot ni Hoseok.

"Hayaan nyong ako nalang ang magpaliwanag kay Love, bukas na bukas din, kakausapin ko na sya bago ako pumasok sa school." Sabi ko sa kanila.

"Hoy si Taehyung nga pala? Napuntahan nyo na ba?" Tanong ni Jin. Parang may kahawig talaga ang Taehyung na 'yun.

"Sinabi ko kay Yoongi na daanan nya si Taehyung pag uwi nya." Sagot ni Jimin.

"Tanga mo, si Yoongi pa inutusan mo!" Singhal ni Jin sa kanya.

Napakamot nalang si Jimin sa ulo nya.

Hayy, sana maging okay na kami ni Love. Namimiss ko na rin sya.

~~

KINABUKASAN

JUNGKOOK'S POV

Kinakabahan akong bumaba nang motor ko nang makarating na ko sa bakanteng lote, sa tapat ng bahay nila Yoongi. Tanaw na tanaw ko na mula dito ang bahay nila Love kaya naman sunud sunod akong napabuntong hininga.

Pakiramdam ko may tinik na nakabara sa dibdib ko hangga't hindi ko pa sya nakakausap, balak ko na ding makipag ayos sa Papa ko.

Ipinark ko ang motor ko sa gilid at nagsimulang maglakad patungo sa bahay nila.

"Jungkook gago ka!"

Lumingon ako sa taong nagsalita pero bago ko pa sya makita ay isang suntok na ang natamo ko mula sa kanya.

Napahawak ako sa bibig ko at nang tingnan ko ang kamay ko ay dumudugo ito kaya naman hindi ako nagdalawang isip na gantihan sya ng suntok sa muka. Tumumba sya dahil inipon ko talaga ang lakas ko para bumagsak sya.

"Gago bakit mo ko sinuntok?" Tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo ko nang marealize kong para sya 'yung Taehyung na kaibigan nila Jin at Love. Ilang beses ko palang kasi sya nakikita at palaging saglit lang sya sumasama sa mga ito.

"Para 'yan sa pananakit mo kay Love!" Sigaw nya sakin.

"Diba ikaw si Taehyung?" Tanong ko.

"Oo ako nga, ako si Taehyung, 'yung ex nya!"

Kaya naman pala eh, palagi talagang epal ang mga ex boyfriend kahit saan.

"Kung alam ko lang na sasaktan mo lang si Love, hindi ko na sana sya pinakawalan! Hindi ko na sana sya ipinaubaya sayong gago ka!" Sigaw nya sakin.

Mas napakunot ang noo ko nang sabihin nya iyon. Ipinaubaya?

"Anong ipinaubaya mo sakin?" Naguguluhang tanong ko. "Hindi ko kasalanan kung minahal ako ni Love!"

Mabilis syang lumapit sa akin at saka nya ko kinuwelyuhan kaya naman napatitig ako sa muka nya.

"Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?" Tanong nya.

Teka lang. Parang may kahawig--

"Ako si Tete."

Tete?

"A-Ano? Ikaw? Ikaw si Tete? 'Yung batang nakilala ko sa probinsya?" Di makapaniwalang tanong ko bago ko pilit na tinanggal ang magkabilang kamay nya sa kwelyo ko.

"Oo ako nga, Kookie." Bahagya syang lumayo sa akin.

"Tangina, bakit ang gwapo mo na ngayon? Bakit ka pumuti? Diba nognog ka dati? Nag-gluta ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Bobo! Binata na ko kaya inaalagaan ko na ang balat ko!" Giit nya.

"Namiss kitang gago ka!" Wala sa sariling napangiti ako dahil hindi ako makapaniwalang magkikita kami ulit.

"Namiss din kita Kookie." Aniya.

Yayakapin sana namin ang isa't isa pero bigla akong lumayo nang maalala ko 'yung nakaraan.

"Teka traydor ka eh! Akala mo ba nalimutan ko na 'yung ginawa mo sakin ha? Hindi mo sinabi saking umalis na ng probinsya 'yung perslab ko tapos umalis ka rin para sundan sya, sabi mo sakin ikaw na bahala sa kanya, inasar asar mo pa ko dahil sabi mo ikaw na 'yung magiging kalaro nya sa kasal kasalan! Loko ka eh! Perslab ko 'yon eh!" Akmang susuntukin ko sya pero nasalag nya kaagad.

"Perslab ko rin si Kiki gago!" Giit nya.

"Pero ako talaga 'yung gusto ni Kiki, hindi ka nya gusto!" Giit ko.

"Alam ko, kaya ko nga sya ipinaubaya sayo ngayon! Dahil alam kong noon palang, ikaw lang talaga 'yung gusto nya!"

"Huh?"

"Bobo mo talaga! Si Kiki at Love ay iisa!"

Halos malaglag ang panga ko nang sabihin nya iyon.

"Pero sinaktan mo lang sya kaya babawiin ko na sya sayo!" Bigla nya kong tinulak pero mabilis kong nahawakan ang magkabilang kamay nya para itulak din sya.

"Hoy! Hoy! Hoy!"

Naramdaman ko nalang na may umawat sa amin. Sila Jin.

"Kailangan ko na talagang kausapin si Love, siya rin pala si Kiki! Yung perslab ko!" Sabi ko kila Jin.

"Kiki?" Halos sabay sabay nilang tanong.

"Do you love me?" Pahabol ni Hoseok na sumayaw sayaw pa.

"Muka kayong tanga lahat, wala na si Love sa kanila, umalis na sila para umuwi ng probinsya." Pagsingit ni Yoongi na ikinatahimik naming lahat.

"Pakiulit nga." Sabi ko sa kanya kaya naman napairap sya.

"Wala na sila dyan, umalis na kanina pa. Uuwi na silang probinsya." Pag uulit nya.

"Tangina bakit di mo agad sinabi samin?" Galit na tanong ni Jin.

"Nalimutan ko, ngayon ko lang naalala."

Nalintikan na. Paano ko pa sya makakausap?

"Sandali, baka maabutan ko pa sya sa airport!" Paalam ko sa kanila bago ako mabilis na sumakay sa motor ko.

Nagsakayan din silang lahat sa mga motor nila.

Pinaharurot ko ang motor ko dahil gusto ko talaga syang mapigilan sa pag alis. Bahala na.

Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)Where stories live. Discover now