❤40

677 31 0
                                    

LOVE'S POV

"Sa lunes na 'yung flight natin anak, it means tomorrow na, ready kana ba? Magpaalam kana sa mga kaibigan mo." Sabi sakin ni Mama kaya naman napatigil ako sa pag aayos ng mga gamit ko.

Iba talaga 'tong si Mama eh, agad agad may ticket.

"Opo Ma, sabihin ko nalang po kay Yoongi. Ayaw na kasing mabuhay 'yung cellphone ko eh."

"Ganun ba? Hayaan mo pag nakabalik na tayo dito ibibili nalang kita ng bago."

"Salamat Ma, okay na rin po siguro 'yon para di na ko masyadong mastress. Nakakadagdag din po kasi 'yang cellphone ko sa mga iniisip ko eh. Gusto ko na po talagang marelax 'yung isip ko."

"Ah, good for you anak."

~~

Napangiwi ako nang makarating ako sa bahay nila Yoongi. Ginawa ba namang Christmas tree 'yung mga brief na butas butas.

"Si Yoongi po?" Tanong ko sa Mama nya.

"Ikaw na rin ang makakasagot sa tanong mo hija." Simpleng sagot nya sakin.

"Tulog po?"

"May iba pa ba?" Tanong nya pabalik sakin.

Oo nga pala, ang genius talaga ng Mama nya sa mga sagutan. Kapag nga pala walang pasok, natutulog lang si Yoongi maghapon. Ay kahit nga pala may pasok, natutulog pa rin sya. Kahit pa nga may klase, unan is life talaga.

"Pasok ka, ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan para magising sya. Aalis na ko at mamamalengke." Paalam sakin ni Tita sabay kiss nya sa pisngi ko.

Paano ko kaya sya gigisingin?

Buhusan ko kaya ng kumukulong tubig?

Joke.

*Ting!*

Alam ko na.

Hinanap ko 'yung sapatos na pampasok nya, sabi nya kasi di pa raw nya 'yun nalalabhan.

Nakita ko ito sa shoe rack. Nakakadiri pero kinuha ko ito at inilagay sa muka nya. 'Yung mismong harap ang tinapat ko sa muka nya, sa bandang ilong. Tingnan ko lang kung di pa sya magising.

Ilang segundo akong nakatingin sa kanya hanggang sa bigla syang bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Pucha nakakagulat! Parang bangkay na bumangon sa hukay.

"Ang bango naman, amoy tuyo." Aniya. "Oh bat nandito kang mongoloid ka? Siguro pinagnanasahan mo ko habang tulog ako noh?" Yumakap pa sya sa sarili nya.

"Hoy ang kapal ng gilagid mo ha? Wala kong ginawang kahit ano sayo. Di bale nalang kung ikaw si Jungkook!" Giit ko. Nabanggit ko na naman sya, tsk!

"Yuck, si ilong na naman. Di ka naman lab."

"Kwento mo sa gilagid mo! Pumunta ako dito para magpaalam."

"Magpapaalam ka lang, bakit sa akin pa? Bakit hindi sa mama mo?"

"Haynako, magpapaalam ako kasi aalis na ko."

"Bakit magpapaalam ka pa? Umalis kana lang, matutulog pa ko eh!" Sabay higa nya ulit at tumalikod pa sakin.

"Magpapaalam ako sa inyo ng mga kaibigan ko kasi aalis na ko bukas!"

"Bakit bukas pa? Ngayon palang umalis kana."

"Tsk! Dapat pala hindi nalang ako sayo pumunta, wala ka talagang kwenta. Aalis na kami bukas pauwing probinsya."

"Okay, ingat. Pasalubong ko ha?"

Sabi ko na nga ba eh. -_-

Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)Where stories live. Discover now