[66] Giving Up

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sh*t."

Hinampas ko siya sa braso kaya naagaw ko ang atensyon niya. "Sagutin mo na. Sino ba yan? Baka importante eh."

"It's just Crystal."

Tumaas ang kilay ko. Crystal, the secretary? Oh well, hindi ko pinahalata ang pag-iba ng timpla ng mood ko at tinulak pa siya. "Sagutin mo na. Baka may importanteng sasabihin, saka mo i-off pagkatapos ng call."

Kahit ayaw niya ay narinig kong nag-'tss' siya bago tumayo at lumabas muna ng sala. Naiwan kaming magbabarkada dito. Actually, nagmomovie marathon kami, at pangatlong movie na itong pinanunuod namin.

"Boring naman 'yang pinapanuod natin!" reklamo ni Brent, na katabi ni Lovely.

"Eh who suggested that ba?" si Lovely.

"Kaya nga. I-next niyo na!" si Sandy.

As usual, walang kibo si Dustin, samantalang si Chloe naman ay nakikigulo sa kanila. "Boring nga 'yang Blue Lagoon. 'I Spit On Your Grave' nalang!"

"Yuck, ra-pe scenes yun eh!" sabat ni Kaye Anne na sinabayan naman ng nakakalokong tawa ni Nathan.

Oh, by the way, nagkagulatan kami ni Kaye Anne kaninang tanghali sa stairs. Naabutan ko siyang pababa ng hagdanan na parang hirap na hirap. I went down to her and greeted her 'hi!' tapos sa sobrang gulat niya sa presence ko ay muntikan na siyang mahulog. Of course, they did have the same reaction of his husband regarding why I'm here. But oh well, good thing we didn't have a lot long argument about my escape.

"'I Spit On Your Grave 2' nalang!" sigaw ni Derrick at nag-apiran pa sila nina Wayne at Jake sabay, "Wiwit!" Oh, talk about boys. Napaka-torture pa naman ng film na ito.

"Ayoko nyan," sabat ko kaya napatingin sila sa akin. Sumubo naman ako ng fries at nginitian sila.

"Bakit, Gail?" tanong ni Toffer.

"Kadiri nga naman 'yan. May kasama kaya kayong mga babae," sabi ko.

Tumabi naman sa akin si Arthur at nakikain din ng fries sa akin. By the way, iniwan daw nila ang mga anak nila sa mga magulang nila. Sayang, hindi nila sinama.

"Oo, 'wag nalang yan. Iba nalang," sabi ni Arthur.

"Ang KJ ni Gail! Hindi naman na tayo teens eh," nagpout pa si Wayne kaya binato siya ng pillow ni Kent. "Ay, potek!"

"Pout pout ka pa. Gurang ka na!"

"Mas bagay sa'kin ang pout diba? Baby face eh," sabat ni Toffer at siya naman ang nabatukan ni Wayne.

Napapatawa nalang ako't napapailing. Namiss ko talaga sila. Yung pagtawag ko ng Bebe Wayne kay Wayne, yung pag-aaway ng kambal, yung pagiging tahimik nina Arthur at Jake, yung pagka-dirty minded ni Derrick, yung pagkaisip bata ni Toffer, yung pagka-weirdo ni Dustin at...

"I-stop niyo na 'yan! Nakakaantok," si Chloe.

"Paranormal Activity nalang kasi! May latest na nun eh!" Enjoy na sambit ni Kaye Anne.

"Wala ng katapusang Paranormal Activity. Matulog nalang tayo. Tara na sa kwarto, kulet," biro ni Nathan. "Mas masaya dun!"

Namula naman si Kaye Anne. "Ugh! Edi ikaw mag-isa! Ikulong kita dyan eh! Paranormal Activity nalang~~"

Sumabat na si Dustin. "Music And Lyrics nalang," he suggested.

Lahat tuloy kami napatingin sa kanya. Weirdly enough, we stared at him like he's a stranger to us. Like what the fudge did he suggest?

"What? You guys should try watching romance. Hindi yung puro patayan nalang."

"Yeah right! Magmahalan naman tayo. Yown oh!" komento ni Wayne habang ipinorma pang puso ang dalawa niyang kamay at medyo sumasayaw pa. Natawa nalang tuloy kami. "Kaso, kayo lang naman ang may partners. Edi kayo lang masaya," sabay haplos pa sa unan niyang may naka-print na mukha ng pusa.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon