💙Chapter 12💙

Start from the beginning
                                    

"No it's ok but you, are you sure that you ok?" May pag aalala sa sinabi nya, umiling lang ako "oo naman ok lang, medyo kinabahan lang ako sa nangyare" puna ko at napahid ko ang noo kong namamawis na pala, siguro dahil sa kaba

"Sit down here first" utos nya sakin at inalalayan akong maupo, may kinuha syang panyo sa bulsa ng jacket nya at inabot sakin "here use this, I'm getting some water just stay here"

Magsasalita pa sana ako para pigilan sya kaso mabilis syang nakalagpas sakin, maya maya lang nakabalik na rin sya dala ang isang basong tubig "oh inumin mo muna"

Sabi nya at naupo sa harap ko na hindi inaalis ang tingin sakin napansin ko yun kaya nilihis ko ang tingin ko sa table "salamat dito" sambit ko, ngumiti naman sya "your always welcome thank you for serving me tonight but I have to go, see you tomorrow!"

Sambit nya sakin bago tumayo "hatid na kita sa labas" presenta ko pero umiling lang sya "no need just stay here, but-" itinaas nya pa ang isang daliri nya habang sinasabi yun

"You have to call me if something bad happen here" pagpapatuloy nya saka ngumiti ng bahagya, dahil sa sinabi nya kumalma ang pakiramdam ko at hindi ko na napansing nakangiti na pala ako!

Dahilan para mapansin ko syang napaismid! "Kinilig ka?" Sabi nya na ikinamula ng mukha ko "ah-anu hindi may naalala lang oo ganun nga"

Palusot ko, nabigla kasi ako sa sinabi nya, ngmiti sya at "ok obviously defensive goodnight" sambit nya at tuluyan ng lumabas ng shop,

Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras "anu ba yun muntik na ako dun ha!" Niligpit ko na ang mga kalat saka bumalik ng pwesto....
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
Pag uwi ko sa bahay naabutan kong nakabukas pa ang ilaw bakit kaya?, pumasok na ako sa loob at nakita kong nakabulakta sa sahig si nanay, tapos yung mga bote ng alak nakakalat sa lamesa at meron din sa sahig

Bihirang bihira kong makitang uminom si Nanay pero kapag nakainom naman ganito ang nangyayare, hindi ko alam kung anong dahilan ng pag iinom nya,

Sinubukan kong buhatin si Nanay pahiga sa sopa saka ako kumuha ng kumot sa taas pati na rin bimpo at maligagam na tubig,

"Anu bang dahilan mo nay para magpakalasing ka ng ganito?" As if sasagot si nanay sa tanong ko pinunasan ko lahat ng braso at binti nya pati na rin sa mukha

Napakaamo ng mukha ni nanay kapag tulog sya, sana lang ganito na lang sya kapag gising, nung unang beses ko syang nakitang uminom akala ko nag cecelebrate lang sya pero Mali ako, dahil problema ang dahilan ng pag inom nya

Pero ang problemang yun ang hindi ko alam hanggang ngayon!

Pagkatapos kong punasan si Nanay sinunod ko nang linisin lahat ng kalat nya at itinabi lahat ng bote ng alak, hindi na rin ako kumain dahil kumain na ako kanina kasabay ni christian kaya naisipan ko na lang patayin lahat ng ilaw at umakyat na sa kwarto....

Pabagsak akong nahiga sa kama dahil sa pagod, pipikit na sana ako ng maalala kong nakauniform pa pala ako, kaya ayoko man....bumangon pa rin ako para magpalit ng damit saka bumalik sa higaan,

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko saka nahiga, maliwanag pa rin ang kwarto ko dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa bintana ng kwarto

Bigla kong naisip si Kiel dahil sa nangyare kanina, para kasing may Mali akong nararamdaman, parang guilty....

"ako pa talaga?, inalam mo man lang ba kung ano ang totoong nangyare?"

I-m fine with U || KOOKU (Completed)Where stories live. Discover now