Introduction

1 1 0
                                    

Takbo! Ayiesha! Takbo! Takbo! Takbo!

Yan ang huling limang salita na aking narinig mula sa aking Ina bago ako nakarinig ng putok ng baril. Sinubukan kung bumalik upang saklolohan ang aking Ina ngunit nang makita ko ang limang tao na nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa ay agad din akong tumakbo papalayo.
Ramdam ko ang mabibilis na pagpintig ng dibdib ko, ang papintig ng ugat ko sa ulo, ang pananakit ng talampakan at ng iba pang parti ng aking katawan pati ang maya't mayang paghigit ko ng malalalim na hininga.

Nang makalayo-layo na ako ay huminto ako at nagpahinga sa ilalim ng puno.
Nanginginig ang kalamanan ko, nanunuyo ang lalamunan ko kasabay ng pagtulo ng mga pawis sa aking leeg, likuran at maging sa mga braso ko. Sa naalala sa nangyari sa kay Ina, mabining napatulo ang dalawang butil mula sa aking mga mata.

Ang mga taong iyon...

Hindi ko alam kung sino sila at kung bakit nila ito ginagawa. Biglaan akong napatayo nang marinig ko ang boses ng mga taong humahabol sa akin. Basi sa lakas ng kanilang boses, di sila kalayuan sa kinaroroonan ko kaya agad akong tumakbo papalayo.

Pilit na winala ang takot na nararamdaman, kagat labi at pikit matang tumakbo papalayo.

Mahigit kalahating oras na ang nakalipas at namamanhid na rin ang aking mga paa nang makakita ako ang liwanag sa di kalayuan.
Napahinga ako ng malalim, tila nakakabingi ang mabibilis na tibok ng aking dibdib.

Palatandaan lamang ito na malapit na akong makalabas sa gubat at mararating ko na ang highway.

Magpapahinga sana ako ng saglit ngunit na napakunot noo ako dahil dinig ko na naman ang kanilang mga boses at papalapit sa sila sa kinaroroonan ko. Tiniis ko na lamang ang pagod at pamamanhid ng aking mga paa.

Tumakbo ako ng mabilis papalabas sa gubat.

Nang ako ay makarating sa highway ay huminto ako sa gitna nito upang habulin ang aking paghinga. Bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na busina ng sasakyan at naramdaman ko na lamang na may malakas na bagay na tumama sa aking katawan.

Tumilapon ako papalayo at nang idilat ko ang aking mga mata ay nakahiga na ako sa aking sariling dugo, bigla na lamang sumakit ang aking ulo. Nawalan ako ng lakas na kahit na ang mga mata ko ay pipikit na kahit na ayaw ko pa. Sa puntong iyon ay napagtanto ko na ito na ang aking katapusan at makakasama ko narin ang aking ina.

(Someones POV)
Napamura ako.
Mahigit isang oras na kaming humahabol sa batang babae ngunit hindi parin namin ito maabutan.

Hindi kami nahirapan sa pagpaslang sa ina nito ngunit sa batang ito ay sobra kaming nahirapan.

Uno, pag naabotan talaga natin ang batang iyon ay tiyak na pahihirapan ko muna ito bago patayin, kanina pa namin hinahabol ito ngunit masyado itong mabilis sabi ng kasama ko, imbis na sagotin ko ito ay nanatiling tahimik lamang ako habang sinusundan ang mga naiwang bakas ng bata.

Saglit kaming nagpahinga upang habulin ang aming mga hininga at bumalik na naman kami sa paghahabol sa bata nang makita namin itong papalabas na ng gubat kaya mas binilisan namin ang pag takbo ngunit nagulantang kami sa aming nasaksihan.

Nabundol ng isang sasakyan ang bata at mabilis na sinaklolohan ng may-ari ng sasakyan ang bata ngunit basi sa sitwasyon nito ay hindi na ito mabubuhay kaya minabuti na lamang naming mag-tago at hinintay na lamang naming makalayo ang sasakyan habang dala nito ang bata.

Uno, bakit hindi natin tinuluyan ang bata kanina? tanong ng kasamahan ko. Sinagot ko na lamang ito na "at ano idadamay natin ang nakabundol sa bata?, ang utos sa atin ay paslangin ang mag-ina at hindi kasali don ang mga inosenting tao at basi sa  nakita nating kalagayan ng bata ay hindi narin ito mabubuhay ng matagal kaya bumalik na lamang tayo at ibalita sa nag-utos sa atin na nag tagumpay tayo sa pag paslang sa mag-ina."

----------------------------------------------------------- Thank you so much for reading!

Sorry for the grammar and typographical errors....

Follow me on Instagram for more about my story. xxx

IG @avethecrazyone

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Academia Habentis MaleficiaWhere stories live. Discover now