Yung markang kahit ilang beses akong maligo, magsabon, kahit magdugo ang aking mga balat hinding hindi na mabubura. 


Malamig na ang tubig na bumabagsak sa aking buong katawan ngunit hindi ko iyon ininda. Ano ang gagawin ko?


Paano na si Greg?

Totoo ba ang mga sinabi ni Gray?

Ako nga ba ang may diperensya o ang aking asawa?

Ano ba ang mas masakit malaman?



"Kristine." 


" T-Tin." nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Hindi na akong nag abalang takpan ang aking buong katawan na hubad sa kanyang paningin. Para ano pa, kahit anong gawin ko nakita na rin naman niya ang lahat lahat sa akin. Kahit magwala ako wala na rin namang silbi. Nakakadiri ako. Nakakadiri siya.



" Masaya ka na ba? " walang emosyong sabi ko. Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata habang unti unti siyang yumuyuko para ibalot ako sa tuwalyang nasa kanyang dalawang kamay. " Masaya ka ba?"



" Masaya ka bang makitang nandidiri ako sa sarili ko?! Masaya ka bang makita akong ganito?!! Masaya ka ba?!!" 


"Masaya ka na baaaa?!!! " sigaw ko na punung puno ng galit. Tinabig ko ang kanyang mga kamay, tumayo ako kahit nanginginig ang aking mga tuhod. 


" Mahal k-kit------




 pak!

Sinampal ko siya.. yung tipong pati kamay ko namanhid.


pak!


pak!


pak!


Maraming beses ko siyang sinampal.

"Hayop ka!! Hayop kaahhhh!!! Mahal mo ako? Pero binaboy mo ako Gray!!! I hate you!!! I hate youuuuu!!! I hate yo------------- pumaloob ako sa kanyang mga bisig ngunit nagpumiglas ako, itinulak ko siya.. kinalmot .. ngunit ayaw niya akong bitawan. Binayo ko ng binayo ang kanyang dibdib ngunit nanantili siya nakayakap sa aking na mahigpit habang nakasubsob sa leeg.


"I love you.. I love you Kristine.. I love you.. I love you so much------


" Magalit ka sa akin T-Tin, tatanggapin ko. Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ko sayo. Ngunit di ako nagsisisi sa aking mga ginawa. Lalo na at alam kong maibibigay ko yung bagay na matagal mo ng pinangarap. Hindi ako nagsisinung---------- pakiramdam ko nanlaki ang aking ulo.. hindi siya nagsisisi.. itinulak ko siya ng buong lakas kaya nakawala ako sa kanyang mga bisig. 



"Sinungaling kah!! Hinding hindi ako sasaktan ni Greg. Hinding hindi ako sasaktan ni Grace. Sinungaling kahh!!"



Hinablot niya ng buong diin ang aking magkabilang balikat at isinandal niya ako sa pader ng banyong aming kinalalagyan. " Magbulagbulagan ka sa paligid mo Kristine. Magpakatanga! Magpakagaga ka! Mahal ka ni Kuya? Mahal ka ni Grace? kaya ka ba nakuha ka nilang lokohin? Tangna Tin!! kasuklaman mo man ako buong buhay mo wala akong pakialam!! Kasi mahal na mahal kita!! Mahal na mahal kita! Kahit nagmumukha na akong tanga!! ." ang kanyang mga mata, namumula na iyon. Yung mga kamay niyang nakahawak sa aking mga balikat ay unti unting nawala at dahan dahan siyang lumuhod sa aking harapan. Nawalan ako ng kakayahang magsalita ng hapitin niya ako ulit papalapit sa kanya habang nasa tapat ng aking puson ang kanyang ulo. 



"Magkakanak tayo Tin, Ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Hindi mo man ako mahal, at least naibigay ko sayo yung bagay na makakapagpasay sayo ng lubos. Kaya kasuklaman mo man ako, hilingin mo man na mawala ako sa buhay mo ng tuluyan ayos lang basta masiguro ko lang na magbubunga ang mga ginawa ko sayo, at mapatunayan kong hindi ako ang nagsisinungaling. " Hinalikan niya ng maraming beses ang aking puson na para bang may laman na iyon. Mainit ang kanyang labi na paulit ulit na dumampi doon. Nakatitig lang ako sa kanyang ginagawa. Galit ako.. galit ako sa kanya p-pero---------



 "Iwan mo na ako." tumigil siya at tining la i a ako. " Gusto kong mapag isa p-please----


"Alam mo bang maraming beses ko ng sinubukang iwan ka, palitan ka dito sa puso ko. Ilang beses na akong naghanap ng ibang babae na mas karapatdapat para sa akin. Kaya nga lahat ng babae pinapatulan ko na para mabura ka  sa utak at puso ko pero sa tuwing gagawin ko iyon.. lagi kang lumalapit at humihingi ng tulong. Lagi ka na lang nangangailangan ng tulong na ako naman itong si tanga nagkakandarapa na naman na matulungan kasi nga mahal na mahal kita Kristine. Sa akin ka dapat. ako dapat ang nasa katayuan ni Kuya Greg pero mas minahal mo siya-----




Hindi ko maintindihan kung anong nakita mo sa kanya gayung inagaw ka lang niya sa akin.---- kung alam mo lang, kung alam mo lang Tin." bago siya tuluyang mawala sa aking paningin dinampian niya pa ako ng isang pinong halik sa aking noo, ramdam ko ang paggalang doon taliwas sa mga ginawa niya sa akin kanina.. punong puno iyon ng pag iingat.. ng pagsuyo.. at ang kanyang mga mata punong puno iyon ng pagmamahal?



Tulala lang akong nakatingin sa pintuan ng banyo kung saan siya lumabas. Marami akong hindi maintindihan sa kanyang mga sinasabi. Marami akong katanungan na gustong masagot dahil sa tuwing magsasalita siya lagi na lang may ibig sabihin. 



Ngunit papaano nga ba kung nagsasabi siya ng totoo?

Matatanggap ko ba?

Matatanggap ko bang malaman na pinaikot nila ako? niloko?

Naguguluhan ako.

naguguluhan...

the Other Woman ( Coming Soon )Where stories live. Discover now